Chapter 7

20 3 0
                                    

   Tulala pa rin ako hanggang ngayon, hindi ko alam kung dahil ba sa isiping naiinggit ako sa pamilya nila o sa katotohanang hindi ako kayang piliin ni Cyryl. Pero, teka nga lang? Bakit ko naman didibdibin yun? Kailangan ko lang namang makapagtapos kaya ako nandito.

   Naalala ko bigla young sinabi ni Lola Cynthia. Kailangan ko nga palang ipagluto ang limang mokong na ito dahil kahit na marunong namang magluto si Cyryl, lumalapit lang siya sa lutuan kapag maganda ang mood  ng striktong lolo niyo.

  

   "Don't worry hija, hindi naman magiging mabigat ang magiging trabaho mo. You just have to give them their lessons. May alam naman yang mga apo ko, masyado nga lang naspoiled kaya ayaw gumawa ng gawaing bahay." Huling paalala ni Lola sa akin.

   "Eh dapat po iwanan niyo po sila ng walang katulong para matuto", suhestiyon ko.

   "Hija, I love my grandsons, they're my treasure. Maiintindihan mo rin kapag nagka apo kana. But for now, sa kanila mo muna ituon ang atensiyon mo sa mga future mong apo. I know I can count on you. You can make them change", dagdag niya. Grabe tong si lola, di pa nga ako nakakagraduate, apo agad?!

   Yun ang mga habilin sa akin ni Lola. Hindi ko man maintindihan ang ibig niyang sabihin sa change, pero wala na akong magagawa doon.

   Nangangalkal ako ngayon ng pwedeng gawing ulam mamayang hapunan nang may biglang tumikhim sa likod.

   "Psh, ano sa tingin mo iyang ginagawa mo?", pabalya niyang tanong.

    Ano kayang problema nang isang ito.

    "Naghahanap ng pwedeng ulamin para mamaya", sagot ko habang nakatalikod pa rin.

   "Tss, nang ganyan ang suot?", tanong niya ulit.

   Teka nga lang, bakit galit ang boses niya? Galit ba siya dahil sa nangyari kanina?

    Dahil sa pagkakainis, hinarap ko na siya.

   "Teka nga, eh bakit mukha kang galit diyan? Kung tungkol ito sa nangyari kanina, sorry okay, hindi ko naman sinasadyang maisturbo kayo ni Shaira eh", paliwanag ko.

   Mukha naman akong nakajackpot sa mga sinabi ko dahil nagulat ko si Cyryl. Nawala yung galit niyang mukha at napalitan ng gulat.

   "What the hell are you talking about?!", gulantang niyang tanong.

    "Okay lang, kung ayaw mong malaman ng iba mong kapatid at ng pinsan mo, hindi ko na ipipilit", pangungumbinsi ko.

   "Tss, you're out of your sanity", bulong niya bago kumuha ng baso at pitsel sa fridge.

    Tumalikod naman ako agad dahil wala din naman akong magagawa sa kasungitan niya. Habang busy ako sa paghihiwa ng karne, bigla nalang siyang sumulpot sa harap ko habang magkasalubong ang kilay.

   "Ano?", takang tanong ko. Nag sorry na ako kanina diba? Sumasakit na ang lalamunan ko kakalunok ng laway. Paano ba kasi, hindi siya nagsasalita, sa halip nakatitig lang.

   "Magpalit ka ng damit", sabi niya habang titig na titig pa rin.

   "Huh? Bakit naman?," takang tanong ko. Ano naman kayang problema ng isang ito sa damit ko.

   "Basta", sagot niya habang patungong sink.

   "Alam kong naiinis ka sa akin dahil sa nangyari kanina, pero pati ba naman sa damit ko may problema ka?", inis ng tugon ko.

    Akala ko aalis na siya ng tuluyan dahil umalis siya sa harapan ko pero nagkamali ako. Laking gulat ko ng pumunta siya sa likod ko at bumulong.

    "If you don't want the other guys witness the proof of you being a woman, then go and change your clothes. It is really damn visible", nararamdaman ko ang inis sa boses niya habang nasa likuran ko siya.

    Hindi ako makagalaw. Hindi ako makakilos. Hindi ako makahinga. Ni kumurap man lang ay hindi ko magawa. Hindi ako inosente, hindi rin naman ako ganun ka conservative, pero bakit hindi ako makagalaw?!.

    Nag iinit ang pinsge ko. Nagsisitaasan ang nga balahibo ko. Nakakahiya! B-bakit si-ya pa?! N-nakaka-hiyang isipin na-na natagusan ako!

   Buong buhay ko hindi pa ako napahiya ng ganito. Pinikit ko ng mabuti ang mga mata ko ng makabawi. Bakit hindi ko namalayang magkakaroon ako ngayon?!!!

  

Perfect Stranger (Del Franco Series #1)Onde histórias criam vida. Descubra agora