Chapter 73

3 0 0
                                    

Paglabas ko, nagyayakapan na silang mag-iina. Kabilang ako sa mga taong nakatingin lang sa kanila. Mabuti nalang at naiwan ni tita ang cellphone niya. Katabi ko si lola sa kanan at si Annie naman sa kaliwa.

"Ahhhh, how sweet. I didn't see them being so emotional hugging their mother like that. All this years, they keep on hating her, thank you for breaking those hatred Aicelle. Atleast now, everything's going to go back on their places," yakap ni Annie sa akin. Hindi ko naman mapigilang ngumiti kahit na hindi niya nakikita. Ganito pala ang feeling no? Masaya na nakakainggit. Masaya kasi sa wakas maaayos na din ang pamilya nila. Nakakainggit kasi gusto ko rin maranasang maramdaman kung ano man ang nararamdaman nila ngayon kaso imposible ng mangyari yun.

Tumingala naman ako sa langit para pigilan ang luhang gustong bumagsak. Hindi ko alam dahil ba masaya ako o malungkot. Sana masaya kayo kung nasaan man kayo nay, tay. Sana hindi niyo nararamdaman ang nararamdaman ko.

"Are you fine Aicelle?" Untag naman ni Annie sa akin.

"Mm," saad ko nalang bago hinawakan ang kamay niya para iparating na okay lang ako. Niyakap niya naman ako ng mahigpit bilang ganti habang parehong may mga ngiting nakasilay sa labi namin.

"Ma...I'm... I'm so s-sorry for saying bad things to you. Ma...sorry kasi I didn't consider your feelings. Sa halip na i-appreciate ang mga effort mo, I choose to look at the bad side. Ma...sorry kasi...kasi napakasama ko sayo. Napakawalang kwenta ko...namin...for not giving you chance para ipaintindi sa amin ang lahat. Mommy, I'm so so sorry. Sorry po...s-sorry," agad namang niyakap ni tita ang bunso niyang hindi na maampat ang luha kakaiyak.

"Brenz...anak...it's okay. Mommy knows na hindi mo sinasadya yun. You just didn't know the truth kaya yun ang nasasabi niyo. It's okay sweetheart, you can cry all you want. Mommy's just here," pang-aalo nito na lalo pang nagpahagulgol kay Brenz.

Alam kong ramdam na ramdam ni Brenz ang pagsisisi dahil narinig ko kung paano niya pagsalitaan ang ina niya. Sino nga ba naman ang hindi mahihiya at magiguilty kung ganito ang mangyayari? Hindi man niya aminin, he still hurt her mother.

"Mm, nagpapaawa ka lang eh para ikaw ang yakapin ni mommy. Ikaw lang naman walang kwenta dito kaya huwag mo kaming idamay." Singit naman ni Allen na nakapagpatawa sa ilang nanonood. "Alis nga diyan. Ako naman yakapin mo ma, kanina pa yan si Caryl eh" dagdag pa nito habang nakapout at tinawanan lang ng mama nila. Sinamaan naman siya ng tingin ni Brenz.

Perfect Stranger (Del Franco Series #1)Where stories live. Discover now