Chapter 62

8 0 0
                                    

Kesa naman tumunganga ako at subaybayan ang ka-ekek-an nang Stacey na yun, minabuti ko nalang pumasok para makahigop man Lang nang mainit na kape. Nakakawala nang magandang mood ang mukha nang isang yun ah.

As usual, puro mga katulong lang ang nakikita kong busyng-busy sa loob nang mansyon, aakalain mong nasa palengke sila sa dami nang gawain. Ang galing.

"Good morning po," bati ko sa may katandaan nang katulong dito. Ito siguro yung head nang mga maid. Ang taray taray nang mukha grabe. Sino naman kaya ang tail nila. Hehehe.

"Good morning din sayo. May kailangan ka?" Geezzz! Bat ang taray niya?

"Ahh...wala naman po hehehe. Gusto niyo nang kape?" Awkward Kong tugon. Ano ba itong pinasukan ko?

"Salamat nalang Pero tapos na ako. Maiwan na kita at may trabaho pa akong dapat atupagin," saad nito bago ako iwan. Grabe, may dalaw ba yon?

"Ang taray diba?" Bulong nang isang katulong na Hindi ko alam kung saan nanggaling. Feeling ko mas matanda Lang siya sa akin nang mga two or three years.

"Naku, sinabi mo pa. Parang may dalaw eh," segunda ko naman. Hindi naman siya mukhang mahirap pakisamahan.

"Araw-araw kamo may dalaw. Hindi ko ata nakita ang isang yun na ngumiti eh," dagdag pa nito. Hmmm, mukhang may makakakwentuhan na ako dito ha.

"Talaga? Baka galit sa mundo." Pang-aasar ko na siyang ikinangiti niya.

"Alam mo ba, akala ko ang taray mo Pero Hindi naman pala. Mas mataray yung girlfriend ni senyorito Cris. Akala mo naman maganda, mas maganda ka naman doon." Ay! Si ate naman, agad-agad namumuri.

"Naku! Hahahaha, maganda ka rin naman kumpara sa isang yun," puri ko sa kaniya na ikinapula niya naman. Totoo naman talagang mas maganda pa siya Kay Stacey kahit na mas matanda siya sa amin. Napansin ko namang may dala-dala siyang tray nang tsaa.

Perfect Stranger (Del Franco Series #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora