Chapter 39

10 1 0
                                    

    I am here. Sitting at the waiting area. Counting all the passengers who arrive and who left. Dalawang oras na lang bago tawagin ang flight namin yet Cyryl's still not here.

    Saan naman kaya pumunta ang isang yun. Ganun ba talaga kaimportante ang tawag na yun para matagalan siya sa pagbalik? Tawag na ba ang magiging karibal ko sa kaniya?

     Magmumukmok pa sana ako sa inuupuan ko ng may tatlong lalaki ang lumapit sa akin. Pareho naman silang gwapo kaya masarap sa mata tingnan. Narealize ko namang yung isang lalaki ay yung lalaki kaninang lumapit kay Kendra.

    "Hey it's you!" Saad ko bago siya tinuro. Nagtataka namang nagpabalik-balik ang tingin ng dalawa pa sa akin at sa kasama nila.

    "You know each other?" Takang tanong nung lalaking may kulay blue yung buhok.

    "Ahm.. N-not really," nakakahiya yun Ice gaga!
  
     "Eh bakit parang kilalang kilala mo siya?" Puno ng pagtataka paring tanong nung may kulay blue yung buhok.

    "Nilapitan niya kasi yung si Kendra kanina. I think you two have something," sagot ko.

    "Oooowh, your nosy huh!" Saad naman nung lalaking tinarayan ni Kendra.

    "Man! She already meet your girl. How fast huh!" Saad nung may kulay ang buhok. Sa kanilang tatlo naman siya lang yung may kulay sa buhok. Yung isa kasing nakasweatshirt eh puros itim yung buhok, yung isa namang kausap ni Kendra kanina, mukha namang natural brown hair  lang talaga siya.

    "Well, lucky me," balewalang saad naman nito kay kuyang may kulay yung buhok.

    "Tao ka pare. To be precise your a Montecarlos. Walang noodles sa pamilya natin gago!" Saad ulit nung may kulay ang buhok. Pabaling-baling lang naman ako sa kanilang dalawa habang yung isa naman sa kanila ay tahimik na kaharap yung cellphone. Bakit ba may cellphone sa lahat ng pangyayari sa bubay ko. Bakit kasi nauso pa yang cellohone na yan eh. Iniwan tuloy ako ni Cyryl dahil doon.

    "You alright?" Untag sa akin ni kuyang tahimik. Napansin king nawala na yung lalaki kanina na may brown na buhok.

   "Ahuh, I'm fine." Awkward kong sagot. May kailangan ba sila sa akin?

   "Nalilito ka siguro sa biglaang pagsulpot namin. We're Del Franco's friend. Your Aicelle right? The girlfriend?" Tuloy-tuloy niyang sabi.

    "Ah..  O-oo. Hindi nasabi ni Cyryl na may kaibigan siyang nandito." Awkward ko pa ring tugon. Ano namang gagawin ko sa kanila eh si Cyryl yung kaibigan nila.

   "That bastard really have the guts to left you here all alone." Mr. Blue hair said while greeting his teeth. Galit ba siya?
  
    "He never left me on purpose. May tumawag kasi sa kaniyang importante kaya umalis muna." Mukha namag walang interes sa topic itong dalawang ito.

    "The name is Louell Montecarlos, nice meeting you," saad ni kuyang nakasweatshirt bago inextend ang kamay for a handshake. Louell pala pangalan niya. Tinanggap ko naman ang kamay niya sabay sabing "Aicelle Samonte." He smiled at me all teeth are visible.

    "And I am Ivannerich Montecarlos. The handsome of all handome cousin of yo—"

    "Cousin of mine. Pagpasensiyahan mo na, mahangin eh. Kung saan-saan nililipad ang utak." Singit ni Louell. Natawa naman ako sa sinabi niya. Well, they thrown away my boredom after all.

    "We can accompany you while waiting for Cris." Saad ni Louell.

    "Ang swerte naman ng gagong yun para paghintayin ako. Tawagan mo nalang kaya at sabihing nandito tayo kasama ng girlfriend niya," utos ni Ivannerich kay Louell.

    "Bakit mo ako inuutusan? May cellphone ka, may load pa, tapos kumpleto pa naman yang mga body parts mo kaya gawin mo mag-isa mo," sagot naman ni Louell na siyang ikinalukot ng mukha nung isa.

   "You two are sweet. Ang lalim siguro ng cousin relationship niyong dalawa," umakto namang naduduwal ang dalawa sa harapan ko. Tumino lang sila ng marinig namin ang boses ni Cyryl na papalapit.

   "What the hell do you think to come here you two! Akala ko ba may usapan tayo?" Cyryl hissed while trying to lower down his voice.

   "Chill man, we're not here for serious matters. We just happened to have a free week so makikiangkas muna kami sa byahe niyo," balewalang saad ni Ivannerich.

    "Actually, pinilit niya lang ako. Kung may balak kang manggulpi, ibuhos mo lahat sa kaniya," balewalang saad din ni Louell.

    Lalapit na sana si Cyryl ng hawakan ko ang kamay niya.

    "Stop it! They are your friends. You should let them bond with us. Para masaya naman." Saad ko nalang.

   "You're not happy with me?" Pagpapaawa niya. Hinila ko nalang siya dahil tinatawag na yung flight namin.

    Kung sasagutin yung tanong niya, masasabi kong hindi ako magiging masaya hanggat hindi ko natatapon ang cellphone niya kung kami lang ding dalawa. Pero may mga kasama kami kaya hindi ko na itatapon pa.

    Uupo na sana ako sa nilapitang upuan ni Cyryl ng bigla namang nagsalita si Ivannerich, "Uh guys, our seat is on the business class. It's Aicelle's first time to be in an airplane right? So I decided to give her the comfort of the first timers."

    Wala namang tumutol sa desisyon niya kaya derederetso na ang upo namin. Dahil sa pagod sa kakatayo at kakaupo kanina, dagdagan pa yung maliit na eksena kanina. Agad naman akong dinalaw ng antok.

   "You sleepy?" Malumanay na tanong ni Cyryl na tinanguan ko lang. He help me to sleep comfortably at my seat. Namalayan ko nalang na nasa himpapawid na kami nung magising ako.

    Hawak-hawak naman ni Cyryl ang kamay ko. Pagtingin ko sa bintana ng eroplano ay madilim na.

     "How's your sleep?" Cyryl ask using his bedroom voice. Ang gwapo naman talagang pakinggan. Shit!

    "Okay naman. Ikaw ba nakatulog din?" Tanong ko pabalik.

    "Having you beside me makes me forget to sleep. I don't want to miss such moments that we're just one centimeters away from each other." Sagot niya.

    "Asus! Akala mo naman hindi clingy ang gago," singit ni Ivannerich galing sa likod.

    Magkaibigan nga sila. Pag may pagkakataong sumulpot, sumusulpot.

    We arrive at our destination at exactly eleven p.m. but this place seems doesn't care if it's already midnight or what.

   Agad namang nagkumustahan at nagyakapan si Cyryl at ang nanny niya.

    "We're going to my nanny's hometown. I promise her that I will bring the woman I am sure to spend my lifetime in her hometown whatever happens. That's why I am bringing you here. May mga asungot nga lang na kasama," yun ang mga salitang binitawan niya pagkababa namin ng eroplano. Seems like wala na akong takas sa isang ito. Nakaplano na yung future ko eh.

    Iginiya naman ako ni nanay Jenny sa magiging kwarto ko pansamantala. Todo tanggi naman ang tatlong mga bugok ng sabihin ni nanay jenny na matutulog sila sa iisang kwarto. Nagpapaawa pa si Cyryl para isalba ko ngunit tinawanan ko lang siya at iniwan na sa dalawa. Mabuti na yun at ng makapagbonding naman sila.

  

Perfect Stranger (Del Franco Series #1)Where stories live. Discover now