Chapter 1:

92 7 7
                                    


    Hirap ng buhay, lalo na kapag walang kasangga sa hirap at pagod na nararanasan mo. My name is Aicelle Samonte, ulila na ako sa magulang kaya mag-isa nalang ako sa buhay.

    Anyway, I'm here in front of my employees house for my new job. Sana naman mababait tong mga bagong amo ko.

    "Aicelle?", tawag ng isang tinig galing sa likod. Pagkaharap ko, nakita ko ang isang taong tinuturing ko na ring kaibigan.

    "Lorraine!", I exclaimed, ngayon ko nalang ulit siya nakita simula nung bakasyon.

     "Hey girl! Long time no see, nag summer lang eh, Hindi ka na nagparamdam. Atsaka anong ginagawa mo sa labas ng bahay ng mga Del Franco?at may dala ka pang maleta?", tanong niya habang turo-turo ang mga dala ko.

  "Starting today Lorraine, I will work here as a babysitter and for me to finished my studies", I said.

   "Totoo? Mag bebaby sit ka sa mga Del Franco? Eh wala namang balitang may nanganak sa pamilya nila ah?", litong tanong ni Lorraine.

    "Siguro galing sa ibang bansa, alam mo na, mga mayayaman eh", tugon ko.

    "Pero naku girl, infairness ah, makikita mo araw-araw yung magpipinsang Del Franco, lalo pa ngayon na malapit na ulit magsimula ang pasukan", singit ni Lorraine.

    "Hay naku, ikaw talagang babae ka, puro kalibugan laman ng utak mo. Ni hindi ko nga kilala ang pamilyang to at yang bukambibig mo", giit ko.

     "Ano?! Hin-, bwesit naman oh!", dali daling kinuha ni Lorraine ang cellphone niya sa shoulder bag niyang dala.

     Mayaman tong si Lorraine pero mas gusto niyang mag pakalowkey, ayaw niyang tingalain siya kasi mayaman siya, sabi nga niya, makikita mo lang ang tunay kapag pinaghihirapan.
 
    Ni hindi ko nga alam ibig niyang sabihin dun eh. Tss.

    "Teka lang Ice ah, sagutin ko lang si mama", paalam niya bago tumalikod.

    "Oo nga ma, opo, paalis na nga, may kinausap lang eh, oo nga sabi, opo, cge bye na", yan ang mga linya niya habang pabalik sa puwesto ko.

    "Paano Ice, una na ako ha, atat yung mudra ko eh, alam mo na kung sinu-sino na naman ang irereto", litanya niya. She's really beautiful, kaso nga lang matigas ang ulo kaya nahihirapan din siyang kontrolin ng mga magulang niya.

     "Kaya pala, pang tomboy na naman yang porma mo, pagagalitan ka talaga nang nanay mo niyan", panlalait ko sa kaniya.

     Hindi naman sa pangit siya tingnan kapag naka loss shirt at simpleng pantalon, mas naeemphasize pa nga yung pagiging maganda niya kahit simple lang eh. Nakakainggit.

    "Kala mo naman yang sayo hindi, sige na alis na ako, ingat ka girl at ipakilala mo ako next time sa magpipinsang Del Franco ah", singit niya sabay beso sa akin.

     Ang yaman yaman ng babaeng toh di man lang makahanap ng guwapo sa mundo niya. Dito pa talaga sa pagtatrabahuan ko.

      Hayss, anyway, wala namang masama siguro kung ipapakilala ko siya sa mga batang babantayan ko.

     "Hinahanap ka na ng nanay mo bruha, sige na, kala mo tomboy malibog pala", pang iinis ko na ginatungan niya lang ng tawa.

     "Sus. Kung alam ko lang, sige na, una na ako. Good luck sa puri-ay este- trabaho mo Ice", paalam niya bago pumara ng taxi. Baliw talaga ang isang yun. Ang dami daming sasakyan pero nagtataxi. Iba talaga pag walang problema sa igagastos eh.

     So ayun, ako nalang ulit mag isa. Magdodoorbell sana ulit ako nang biglang bumukas ang pinto.

    "Sino po sila?", bungad sa akin ni manong guard.

    "Ahm, Aicelle Samonte po kuya", sagot ko habang tinitingnan kung anong nasa loob ng gate.

    "Ahh sige pasok ka hija, kanina ka pa hinihintay ni Madame". Pagkatapos niyang isara ang gate, sumunod ako sa kaniya patungo sa dalawang naglalakihang nakasaradong pinto.

     "Salamat kuya", tugon ko bago niya ako talikuran.

    Haysst. Ang ganda naman ng bahay na toh. Binuksan ang pinto ng isang di katandaang babae. Pagkapasok ko at iniwan niya ulit ako. Grabe, mala palasyo naman ang bahay na to. Sana naman nagdonate din sila ng yaman sa mga mahihirap para wala nang nanlilimos sa gutom.

Habang abala ako sa pagtingin sa paligid, di ko namalayan na may tao pala sa likod. Huli na nang malaman ko dahil nabangga ko na siya.

    "Ouch! Can't you see na may ibang tao dito?!", bulyaw niya sa akin.

    Anong problema nito? "Sorry po", paumanhin ko. Mahirap na baka mapalayas ako bigla.

    "Okay lang sana kung malaman, kaso flat dude", bulong niya na siyang nagpataas ng dugo ko.

    Abah! Walanghiya tong taong to ah, sabihan ba naman akong flat?! Kung hindi lang dahil sa loss v-neck shirt ko eh naglalaway ka na sana ngayon.
Masama ko siyang tinitigan habang naglalakad siya palayo.

     "Tss. Kala mo naman may maipagmamalaki", bulong ko. Nakakainis ah, ako ba naman tawaging flat?! Walang hiya talagaaa!.

Perfect Stranger (Del Franco Series #1)Where stories live. Discover now