Chapter 44

7 1 0
                                    

     Alas onse y media ng gabi ding yun ay nagising ako ng dahil sa uhaw kaya bumangon ako at lumabas. Madilim na ang sala at kusina, tahimik na rin ang paligid. Well, except doon sa resort syempre na may mga turista pang nagsasaya, wala ng ibang lugar ang nag-iingay.

    Pagkatapos kong uminom ng tubig, dumagundong naman ang matinding kaba sa dibdib ko ng dahil sa tunog ng pintong lumalangitngit sa sahig. Yung akala mo nasa isang horror house ka. Alam na alam yun ng mga takot sa multo.

    Kahit na nagsisimula ng tumigas ang buo kong katawan, at nagsisimula nang manlamig pinilit ko pa ring kunin ang walis na nasa gilid ng pinto ng kusina bago dahan-dahang lumabas.

     May nakita naman akong isang pigura ng taong nakasuot ng itim na kasuotan at nakasuot ng sumbrero. Judging by the height, the body frame and the scent, I am sure that the man in front of me is no other than Cyryl.

    Bakit siya umaalis ng dis oras ng gabi? Saan naman siya pupunta at talagang ngayon pa siya aalis?

   May nakita naman akong isa pang pigura ng tao na naghihintay kay Cyryl. Masyado na akong malayo sa kanila para marinig ang pinag-uusapan nila. Basta ang alam ko lang pilit siyang tinataboy ni Cyryl dahil halata naman sa pag-iwas nito sa mga hawak niya. Pero di kalaunan naman ay umalis ng magkasama ang dalawa.

   "Where the hell you two are going?" Tanong ko nalang sa hangin.

   "An—"

    "AY KABAYO!" Napasigaw at napatalon ako sa gulat ng bigla nalang may nagsalita sa gilid ko. Pagtingin ko, si Peter pala. Tangina! Mahahighblood ako sa isang to eh!

   "Ano ba Peter! Bakit naman hindi ka nagparamdam muna! Akala ko talaga may multo na eh!" Bulyaw ko sa kaniya. Mabuti na nga lang at may distansiya pa yung bahay sa amin dahil kung hindi, magigising talaga yung mga natutulog sa lakas ng boses ko.

    "Magtatanong lang naman sana ako kung anong ginagawa mo dito eh," malumanay niyang tugon.

    "Ah..w-wala. Ano. Nagp-papahangin lang," hindi ka talaga marunong magsinungaling Ice!

    "Eh ikaw ba? Anong ginagawa mo dito?" Balik tanong ko sa kaniya.

   "Rumoronda ako tuwing gabi sa paligid para masiguradong walang casualties." Sagot niya naman habang winawagayway ang flashlight sa mukha ko.

    "Ano ba! Tigilan mo nga yan Peter! Masakit sa mata!" Nakakaasar naman to oh!

    "Simula nung makilala kita, ngayon lang ata kita nakitang lumabas ng ganitong oras," untag niya sa akin. Siyempre tanga, hindi naman ako lumalabas. Tsaka, kahapon mo pa kaya ako nakilala! Gusto ko sanang sabihin yun sa kaniya kaso huwag nalang. Saktan pa ako nito eh.

    "Hindi kasi ako makabalik sa pagtulog eh kaya naisipan kong lumabas muna," sagot ko sa kaniya.

    "Tamang-tama at maganda ang sikat ng buwan ngayon. Tingnan mo. Ang ganda diba?" Saad niya habang umuupo sa buhangin.

    "Ah... Peter. May itatanong lang sana ako kung okay lang?" Simula ko ng tumahimik na siya.

   "Oo namn. Ano ba yun?" Tanong niya habang pinapagpagan ang pwetan ng suot niyang shorts.

   "Simula ba noong dumating kami dito, napapansin mo bang umaalis si Cyryl tuwing gabi?" Alam kong maling magtanong sa kaniya ng tungkol dito pero wala na akong ibang alam na pwedeng pagtanungan eh. Sabi niya naman nagroronda siya tuwing gabi.

   "Sinong Cyryl? Yung boyfriend mo?" Paninigurado niya na tinanguan ko lang.

    "Hindi naman. Bakit, nawawala ba siya? Siguro pumunta sa resort? Gusto mo tawagan ko ang security? Tutulungan kitang hanapin siya kung ganoon," saad niya habang may pinipindot sa cellphone niya.

    "Naku, huwag na. Hindi ko din naman sigurado eh. May nakita lang kasi akong taong papaalis kanina kaya naisip ko baka isa sa tatlong kasama ko yun," agap ko. Mahirap na, mabulabog niya pa ang mahimbing na tulog ni nanay Jenny.

   "Sigurado ka?... Sabagay, kung sino-sino lang din namang lalaki ang dinadala ni Kim dito kaya baka napagkamalan mo lang," saad niya kalaunan. Posible bang si Kim yung isa pang nakita ko kanina?

    "Bakit naman nagdadala si Kim ng lalaki dito?"

      "Ewan ko ba sa isang yun. Kapag may natitipuhan yung turista, pinaglalaruan niya lang. Grabe nga kung makaeffort ang isang yun mapansin lang ng gusto niya, eh kapag hindi naman pinapansin, pinapatulan nalang yung ibang turistang nagkakagusto sa kaniya. Madalas dito sila tumatambay ng kalaro niya, paano, madilim nga naman, tapos wala pang tao kaya kahit anong gawin nila, walang makakaalam," sagot niya naman. May chance ngang baka si Kim yun.

    "Huwag kang mag-alala Aicelle, pagsasabihan ko ang isang yun na huwag na munang pumunta dito ng ganitong oras habang nandito pa kayo....paano, maiwan na kita ha. Kailangan ko pang maglibot para makapagpahinga ng maaga eh," tinanguan ko nalang siya bilang sagot.

    Posible nga kayang si Kim at ang kalaro niya lang yung nakita ko? O baka si Kim at Cyryl? O baka hindi rim. Pero narinig ko naman ang pagbukas ng kwarto nila diba? O baka si Ivan yun? O kung hindi naman si Louell. Pero hindi ko naman napapansing may interes ang dalawang yun kay Kim.

    Bakit si Cyryl ba nakikita mong may interes kay Kim? Tanong ng utak ko. Tama naman nga diba? Kahit si Cyryl hindi ko nahahalatang may interes kay Kim kaya talagang napakahirap isipin.

    I don't know what to think anymore. I'm torn between believing if that man I saw earlier could be Cyryl, Ivan or Louell or not. Pero sabi naman ni Peter diba na napapadpad din dito si Kim na may lalaking kasama. Would it be Kim's guy who I saw earlier? Pero talagang mahirap paniwalaan eh. Alangan namang pumasok siya doon sa kwarto nina Cyryl diba?

    Napagod na ako sa kakahintay, umabot pa ako ng alas dos ng madaling araw para lang sa wala kaya napagdesisyunan ko nalang na umuwi sa bahay.

   Habang naghahanda para matulog ulit, hindi pa rin nawawala ang mga tanong sa isip ko. I just wish na sana hindi nga si Cyryl yun.

    Sana nga si Kim at ang pinaglalaruan niya lang yun. Sana nga lang hindi si Cyryl ang pinaglalaruan niya. Hindi ko alam ang gagawin ko pag nagkataon.

Perfect Stranger (Del Franco Series #1)Where stories live. Discover now