Chapter 35

12 2 0
                                    

   WOW! Ang ganda! Wala akong alam sa iba't ibang uri nang kotse kaya hindi ko alam kung anong klaseng kotse meron siya at wala na akong pakialam doon, ang importante, makakasakay ako nang ganitong kotse. Feeling ko naglalabas nang heart shapes ang mga mata ko habang nakatingin sa kotse eh.

   Narinig ko naman ang mahinang tawa ni Cyryl nang hindi ko na mapigilan ang sarili kong hawakan at libutin ang labas nang kotse.

   "S-sayo to!" Namamanghang tanong ko sa kaniya na tinanguan niya lang naman.

   "Ang ganda grabe! Pero saan mo nakuha to? Hindi ko naman nakikita ang kotseng ito sa garahe," tanong ko habang hindi parin nawawala ang pagkamangha sa sasakyang nasa harapan.

   "Nasa kabilang subdivision yan, sa bahay," sagot niya naman na agad nagpakunot nang noo ko.

   "Bahay?" Pagtataka ko.

   "Oo, may bahay ako sa kabilang subdivision, si X naman diyan sa subdivision sa harap, habang si Allen at Caryl nasa katabing subdivision namin ni X."

   "Grabe! Seryoso? So bakit pa kayo dito naktira kung may bahay naman pala kayo at tsaka bakit si Wencel walang bahay dito?" Tanong ko ulit.
Lumapit naman siya sa kotse at binuksan ang passenger seat.

   "Let's talk some stuff while we're heading to our destination." Saad niya. Agad naman akong pumasok sa kotse. Grabe ang comfortable naman dito. Masyado pang mabango, ang ganda-ganda talaga!

   "So? You ready?" Nakangiti niyang tanong.

   "Saan nga pala tayo pupunta?" Tanong ko pabalik.

   "Baby, you really ask too much question." Saad niya.

  "Eh kasi naman po! Kahit isa sa mga itinanong ko, hindi mo sinagot. Kung sinagot mo sana edi tahimik na akong ngayon!" Pagtataray ko.

   Bumuntong hininga naman agad siya saka ngumiti nang pilit. Ano kayang meron sa isang ito.

   "Okay. I will answer all your question while we're on the way," saad niya bago bumaling sa manibela at nagsimula nang magdrive. Hindi pa kami nakakalayo sa bahay ay may tumatawag na sa cellphone niya. Hindi niya naman pinapansin kaya kinalabit ko na siya.

  "Hoy! Yung phone mo nag-iingay. Wala kang balak sagutin?"

   "Huwag mong pansinin yan, si X lang yan." Pagwawalang paki niya. Hindi ko naman siya inisturbo nalang baka kasi pagalitan lang siya ni X. Matagal ring katahimikan ang namutawi sa loob nang kotse kaya naisipan kong magtanong ulit sa kaniya kaya lang umisturbo ulit ang isang tawag galing sa cellphone niya. Hindi ko nalang sana papansinin kasi akala ko huling beses nang tawag iyon at hindi na mauulit, sa kasamaang palad nga lang ay umulit pa nang umulit hanggang sa marindi ako at ako na mismo ang sumagot.

   "Hel—"

   "Cris, my god! Bakit ang tagal mong sumagot! Akala ko ba may kas—"

   "Hello? Sino to?" Takang tanong ko sa kaniya. Hindi man lang ako pinatapos. Tsh!

   "Oh! Who's this? Bakit ako tinatanong mo? Isn't it supposed to be the other way around?" Mataray na bwelta niya rin.

   "Look. Busy kasi si Cyryl, nagmamaneho siya kaya pwede mamaya ka na tumawag?" Malumanay kong tugon.

   "Let me guess, it's Aicelle who's talking to me right now right?" Saad niya.

   "Oo. Eh ikaw, sino ka ba?" Tanong ko.

   "Si X ba yan baby? Bakit ang tagal niyong matapos magtawagan?" Singit naman nang hari nang mga mokong.

   "Wait! He's referring to you right? The baby thing?" Tanong ng kung sino mang bruhang tumatawag.

  "Look miss, if you don't have something worth capable of this conversation mas mabuti pang ibaba ko nalang ito." Naiinis na tugon ko. Nakakaasar na ah. Kung kailan maganda na yung mood eh.

   "So it's really true. Hindi kayo magpinsan? Baby huh! So gross. You're not even worth a single peso Aicelle. Samonte clan are so damn hard headed huh! N—"

   "Stacey? Stacey ikaw ba ya—"

   Hindi ko na natapos ang tanong ko dahil bigla nalang hinablot ni Cyryl ang cellphone at pinatay ang tawag.

   "Hey! How rude Cyryl. Kita nang hindi pa ako tapos magtanong eh!" Naaasar na saad ko.

   "It's Stacey right? Walang mabuting salita ang lumalabas sa bibig nang isang yun kaya huwag mo nalang pansinin." Balewalang tugon niya.

   "Hindi ko pwedeng hindi pansinin Cyryl. May sinabi siya tungkol sa angkan nang mga Samonte. Paano kung may alam pala siy—"

   "Wala siyang alam Ice! She's just trying to make some issues for you to avoid me." Bakas sa boses niya ang inis.

   "Sinungaling! Bakit naman siya gagawa nang dahilan para iwasan kita?" Panghahamon ko. Nababaliw na ba siya? Bakit kailangan niya pang mamintang. Understandable naman na ang ugali ni Stacey dahil pilit niyang ipinapamukha sa akin na kaniya si Cyryl kaya wala na akong paki alam. Ang pinagtataka ko lang is why does Cyryl thought that Stacey's words and actions can be the reason why I want to avoid him.

  "Kasi nga ayoko na ulit maranasan ang pagseselos mo." Saad niya nang parang nauubusan na nang pasensiya. Bumuntong hininga naman siya nang malalim bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Baby, I want the feeling that you don't want other girls near me than you. Pero kung ang paraan mo nang pagseselos ay isang linggong hindi ako pansinin, abay mas mabuti pang igapos mo nalang ako sa katawan mo." Litanya niya. Muntikan pa akong matawa doon ah, mabuti nalang napigilan ko.

   "Eh bakit hindi mo ako matingnan sa mata?" Hindi ako pwedeng matalo sa pagtatalong ito.

   "Aicelle, I really want to stare at you forever. Kung pwede nga lang hindi na ako kumurap para lang masilayan kita sa lahat nang oras kaso hindi pwede. Gusto kong makasama ka habangbuhay pero hindi sa kamatayan. Gusto kong maranasan ang mabuhay kapiling ka sa panghabangbuhay Aicelle," saad niya. Binalingan niya naman ako sabay kindat bago ibinalik ang tingin sa daan at may napakagandang ngiting nakadikit sa labi. Wala naman akong ibang magawa kundi ang bumaling sa bintana at huminga nang malalim bago ipinikit ang mga mata. Hindi ako pwedeng tumili tili dito nang dahil sa kilig. Masaya ang magiging byaheng ito panigurado.

   Sabi nga nila, huwag magsalita nang tapos kasi mauudlot ang kasiyahan. Akalain mo bang pagmulat ko tinatawanan na pala ako nang mga bata sa kabilang kotse? Ginawa pa akong instant clown. Psh!

Perfect Stranger (Del Franco Series #1)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu