Tinignan naman niya ako ng seryoso at sumandal ito sa headboard ng kamang hinihigaan ko.

"Of course, we're happy because you're here with us." sabi niya.

"Kailangan niyo ba talagang gawin sa akin 'to para hindi na ako makawala pa sa inyo? Magiging masaya rin ba kayo na habang kasama niyo ako ay mas lalo lang nadadagdagan ang galit at pagkamuhi ko sa inyo?" tanong ko.

Tumiim-bagang si Efraim sa tanong ko at muli niya akong tinitigan.

"You tried to escape, Yareli. We trusted you but you broke it. Masakit para sa amin 'yung ginawa mo dahil pinamukha mo lang sa amin na hinding-hindi mo kami magugustuhan. River trusted you that much and he went insane nang makita ka naming tumatakbo papalayo sa lugar na 'to para lang matakasan mo kami. Umasa siya sa'yo, Yareli pero binigo mo siya sa huli." mariing sabi ni Efraim.

Alam kong may kasalanan rin ako sa kanila. Umasa sila sa aking bibigyan ko sila ng tsansa para makilala ko sila at mahalin ko pero nagpadalos-dalos ako sa desisyon ko at tinakasan ko pa sila makalayo lang sa kanila.

Hindi sila mga normal na lalake lang, iba ang pag-iisip nila lalo na si River dahil walang matinong lalake ang kayang barilin sa binti ang babaeng mahal niya. Dapat inintindi ko muna ang sitwasyon ngayon.

Gusto kong makaalis na sa lugar na ito para makasama ko na ang pamilya at mga kaibigan ko pero sa tingin ko ay hindi kaagad iyon mangyayari dahil sa saradong pag-iisip ng Steffano Brothers. Ang alam lang nila ay mahal nila ako at gusto nila akong makuha kay Juancho.

"May sakit ba kayo sa pag-iisip, Efraim?" mariin kong tanong kay Efraim na mukhang nabigla sa sinabi ko.

Tinuloy ko pa ang sasabihin ko. "Efraim, alam kong may mali sa inyong magkakapatid. Walang normal na tao ang mag-iisip na dukutin at barilin ang babaeng mahal nila at ilayo sa pamilya nila para lang makuha niyo ito kaya sabihin mo na sa akin ang totoo. May sakit ba kayo?" Nagdududa kong tanong.

Tumitig pa ng ilang segundo si Efraim sa akin bago ito tumango.

"What if I say yes? What if we are sick? Mababago ba nun ang pananaw mo sa amin? Hindi mo na ba ulit kami tatakasan pa? Pagbibigyan mo na ba kami diyan sa puso mo?" tanong niya na ikinagulat ko.

"We have a Mental Obsessive Disorder, Yareli. We got it from our rapist father and River is the one who triggered it the most. You're right, may sakit kami sa pag-iisip. We can control this sickness but sometimes, we can't. Are you already scared with us when you already found out the truth about our condition?" tanong niya at mas lalo pang tumiin ang tingin niya sa akin.

Gulat na gulat ako sa mga sinabi niya. Tama pala ang iniisip ko na may sakit sila sa pag-iisip. Kaya pala ganito sila kung umakto, ang akala nila ay mahal nila ako ngunit hindi iyon purong pagmamahal kundi may halo iyong obsesyon.

Nabago nga ba nun ang tingin ko sa Steffano Brothers? Sa tingin ko ay oo, hindi naman nila kasalanan na nagkasakit sila at nagagawa nila ang bagay na ito sa akin. Ngayon ay malinaw na sa akin ang lahat.

Kaya pala nagawa sa akin ni River iyon ngunit mali pa rin.

Hindi ko magawang makapagsalita sa mga sinabi sa akin ni Efraim. Nakaramdam ako ng awa para sa kanila. Pinasakitan man nila ako at halos patayin na ay lumalambot pa rin ang puso ko nang dahil sa nararamdaman ko para sa kanila.

"All we want from you is to love us. Mahal ka namin, Yareli at sa sobrang pagmamahal namin sa'yo ay nagagawa na namin ang mga bagay na 'to 'wag ka lang mapunta kay Juancho." bigla ay tumayo na si Efraim mula sa kama.

"I hope that someday you will appreciate us. This is the first time that we went crazy for a girl. Kahit ako hindi ko na rin makilala ang sarili ko dahil sa ginagawa namin sa'yo. 'Yung pagmamahal mo lang, Yareli. That's the only thing we want from you right now." sabi niya hanggang sa naglakad na siya papaalis at sinarado ang pintuan ng kwarto na kinalalagyan ko. Narinig ko pa ang tunog ng paglock ng doorknob.

Steffano Brothers' Obsession (To Be Published under PSICOM)Where stories live. Discover now