"Are you ready?"


Salubong sa akin ni Flynn nang makababa ako. Nasa sala ito kasama sina Tita Karen at Tito Francisco.


"Uhm, ready na ako....teka bakit may maleta ka rin?" Tanong ko sa kaniya tsaka tinuro ang maletang nasa tabi niya.


"I ask him to come with you, Eli. Ito ang una mong bibiyahe, hindi ba? Mabuti nang kasama mo si Flynn upang hindi ka kabahan masyado." Si Tito Francisco ang sumagot.


"Salamat po Tito." Sabi ko tsaka bumaling kay Tita Karen. "Thank you rin po Tita." Niyakap ko si Tita Karen.


"Walang anuman. O siya, umalis nakayo at baka mahuli pa kayo sa flight niyo...Flyn anak, take care of Eli okay?" Bilin ni Tita Karen kay Flynn.


"Of course ma. Alis na kami."


Hinatid kami ng driver nina Flynn sa airport. Habang nasa sasakyan ay hindi ko maiwasang isipin ang kasalukuyang nagaganap na kasal nina Keano at Sofia sa mga oras na iyon.


Nasa kasal ang mga kaibigan namin at kanina ay sinendan pa ako ng picture ni Stella na magkakasama sila. May parte sa akin na gustong makita si Keano sa araw na iyon, gusto kong makita ang kaniyang mukha ang kaniyang suot na damit. Panigurado ay siya ang pinaka gwapo roon.


"Gusto mo bang makita siya?"


Sumulyap ako kay Flynn na nasa tabi ko. Ang kaniyang mga mata ay diretsong nakatingin sa akin.


Tipid akong ngumiti. "Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi..." Bumunga ako ng hangin tsaka muling sumulyap sa labas. "....ngunit alam kong masasaktan lang ako kung pupuntahan ko pa siya. Ayos na ito, huwag kang mag-alala sa akin." Sabi ko sa kaniya.


Naramdaman ko ang pag-dampi ng likod ng kaniyang palad sa aking pisngi. Hidni ko namalayang may luha na palang tumulo sa aking mga mata.


"You'll be okay." Marahan niyang sabi sa akin.


Ngumiti lamang ako at tumango.


Ang araw na iyon ang simula ng pagtahak namin ni Keano sa magkaibang direksiyon ng aming mga buhay. Sa Canada, kung saan malayo kay Keano ay inumpisahan ko muli ang buhay ko.


Baon ang masasaya at maging malulungkot at masasakit na alala namin ni Keano ay tinahak ko ang panibagong daan sa aking buhay.


Buong puso akong tinanggap ng pamilya ni Daddy. Maging sa mga grandparents ko ay ipinakilala niya ako. Mabilis kong nakapalagayan ng loo bang dalawa nilang anak ni Tita Oliva.


After ng bakasyon ko roon ay inalok ako ni Daddy at Tita Olivia na duon tumira at magpatuloy ng pag-aaral. Nang payagan ako ni Lolo ay kaagad rin ako bumalik roon.


Hindi naging madali ang mga unang buwan ko roon dahil sa paninibago ngunit hindi naman ako pinabayaan nina Daddy.

The Love Encounter (Varsity Boys Series #2)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن