Nanghihina akong napaupo sa kubo at kaagad pinunasan ang mga luhang kumawala sa mga mata ko.

Bakit hanggang ngayon ay masakit pa rin? Gusto ko nalang kalimutan ang lahat pero kahit anong gawin ko ay may parte pa rin sa puso ko na umaasa na sana hindi matuloy ang kasal nila pero sarili ko nalang talaga ang pinapaniwala ko dahil wala naman talagang nararamdaman si Juancho para sa akin.

Napakasakit palang magmahal lalo na kung ikaw lang ang nagmamahal sa inyo. Kailangan kong maging matatag dahil iyang pag-ibig na 'yan ay wala naman akong mapapala diyan. Mas kailangan kong pagtuunan ng pansin ang pamilya ko at pag-aaral ko.

Kasama ko ngayon si Mayet sa bayan ng San Felicidad at nag-apply kami sa isang Cafe shop bilang mga waitress habang bakasyon pa at wala kaming mga pasok. Maganda na rin ito para makatulong kami kahit papaano sa pamilya namin sa mga gastusin sa bahay. Dahil maaga kaming nag-apply at urgent hiring ang Cafe shop na pinag-applyan namin ay kaagad kaming natanggap ni Mayet.

Ngayon na kaagad ang umpisa namin sa trabaho at dahil may experience na kami noon ni Mayet na maging waitress ay madali nalang sa amin ang trabahong ito.

"Alam mo Yareli, kaya siguro tayo naha-hire kaagad sa work na ina-applyan natin ay dahil 'yon sa'yo." sabi ni Mayet habang busy ito sa pagpupunas ng lamesa at ako naman ay busy sa pagwawalis habang wala pang mga customer.

"Ha? Paano mo naman nasabi 'yan?" tanong ko.

"Maganda ka kasi, girl! Isa sa x-factor kung bakit dumadami ang nagpupuntang customer sa isang shop ay kung may maganda o gwapo silang nakikita dito. Isa na dun ay ikaw. Naalala mo ba nung nag part time job tayo sa Cafe shop na pagmamay-ari nila Vice Governor Ardiente? Palaging maraming lalakeng customers ang nagpupunta nun at dahil 'yon sa'yo. Tumaas pa raw ang sales ng Cafe Shop nila Vice Governor kaya tinaasan niya ang sahod natin." nakangisi niyang sabi.

Natatandaan ko pa iyon isang taon na rin ang nakakalipas. Palagi ngang maraming lalakeng customers ang nagpupunta nun sa part time job namin sa Cafe Shop nila Vice Governor Ardiente at nahuhuli ko pa ang mga ito na nakatingin sa akin. Ang iba pa nga ay hinihingi ang number ko na tinatanggihan ko naman. Hindi ko naman alam kung talaga bang tumaas ang sales ng Cafe Shop na iyon nang dahil sa akin o dahil masarap lang talaga ang mga pagkain at inumin doon.

"Dalian na nga natin at baka may paparating nang mga customer." sabi ko at minadali na ang pagwawalis ko.

"Oo na po, Ma'am Yareli," Pabiro namang inirapan ako ni Mayet at binilisan na rin nito ang pagpupunas ng mga lamesa sa Cafe Shop.

Nang matapos na kaming naglinis ay sakto namang may mga papasok nang customers at laking gulat ko nang makita ang Steffano Brothers na kaagad umupo sa isang bakanteng table.

Si Amir ang unang nakakita sa akin at mukhang hindi rin niya inaasahan na makikita niya ako dito sa Cafe Shop. Kaagad siyang lumapit sa akin na ikinalingon ng apat pa niyang mga kapatid. Katulad ni Amir ay nagulat rin sila nang makita ako.

"You're working here?" tanong ni Amir.

Nahihiya naman akong tumango. "Kakaumpisa ko palang dito sa trabaho ko kasama ang kaibigan ko." sagot ko naman at kaagad pumunta sa counter saka kinuha doon ang menu.

Kinakabahan akong lumapit sa table ng Steffano Brothers habang nakasunod sa akin si Amir.

Titig na titig sa akin ang magkakapatid na pilit ko namang nilalabanan ang pagkailang ko sa kanila. Hanggang ngayon ay galit pa rin ako sa ginawa ni Irvin kay Ronnie at nananadya talaga ang tadhana dahil sa dinami-rami ng pupwede nilang puntahan na Cafe Shop dito sa bayan ng San Felicidad ay sa Cafe shop pa talaga na pagtatrabauhan ko.

Steffano Brothers' Obsession (To Be Published under PSICOM)Where stories live. Discover now