Chapter 64

9 1 0
                                    

Levi's POV

AGAD na binalot ng kakaibang liwanag ang katawan ko matapos itarak ni Eve yung dulo ng balahibo sa likod ko.
Unti-unting nawala ang nakakapasong sakit sa dibdib at tagiliran ko, ramdam na ramdam ko rin ang muling pagdaloy ng malakas na kapangyarihan sa katawan ko.

Ngunit bigla akog nagtaka nang unti-unting lumuwag ang pagkakakapit ng mga braso ni Eve sa leeg ko, hanggang sa nahulog na lang ang mga yun na para bang lantang gulay.
Agad kong nasalo ang katawan nito, at may kung ano akong nakapang parang basa  sa likod nito. Nang tingnan kung ano yun ay nakita ko ang matingkad na kulay pulang likido sa mga kamay ko.

P-Pano?

Naagaw ang atensyon ko ng nilalang sa harapan ko. Nakangisi ito habang pilit na itinatayo ang sarili.

"Sabi ko sayo...kukunin ko siya sa kahit anong paraan pa!" Si Addam.
Tinanggal nito ang espada ni Eve sa dibdib niya na para bang isang maliit na piraso lang ng bakal yun.

Hindi ko man gustong maibalik ang pakpak ko, ayoko namang sayangin na lang ang ginawang sakripisyo ni Eve sa'ken. Sisiguraduhin kong ngayong araw mismo mamatay ang kamatayan, bago si Eve.

Ramdam ko parim ang mahinang  pulso ni Eve kaya dahan-dahan ko itong ihiniga. Doon ko rin lang napansin na tanging bakas ng abo na lang ang natira sa  laurel charm sa kamay niya.
Ang mga sugat niya sa braso at pisngi ay nagsasabi sa'ken na kanina pa siya lumalaban na walang proteksyon.

Pinapahanga mo talaga ako mortal na Eve.

Bago harapin si Addam ay binigyan ko muna ng proteksyon si Eve, lalo pa't alam kong naaamoy parin ni Addam na may buhay paring natitira sa kaniya.

Sa di kalayuan ay kita ko naman ang naka-upo nang si Gary, sa normal nitong anyo. Sa may paahan niya ay ang lasug-lasog na katawan ni Seth. Babalik din sa Infernos ang espirito niya, at sa oras na makababa ako doon, sila ang una kong hahanapin at sisiguraduhin kong magiging espesyal siyang bisita doon... kasama ng kadiliman.

"Kahit may pakpak ka pa, matatalon parin kita." Ani Addam. Gustuhin ko mang tawanan siya, hindi ko rin magawa dahil sa init ng galit na dumadaloy sa katawan ko ngayon. Wala na akong iba pang nakikita kundi ang kagustuhang tapusin siya.

"Kung ako sa'yo, magdadasal akong iligtas ni ama... Dahil sa oras na makalapit ako sa'yo, ako ang magiging kamatayan mo."

Bibigyan ko pa sana siya ng oras para magdasal, kung hindi lang ito ngumisi ng nakakaloko sa'ken.



Eve's POV

NILALAMIG ako. Hindi ko na maramdaman pa ang mga braso at binti ko.
Binuhos ko ang natitira kong lakas para idilat ang mga mata ko.
Gusto kong makita pa si Levi, gusto kong mahawakan pa ulit siya at mayakap ng mas mahigpit.

Pero nang maidilat ko na ang mata ko ay nawala ito sa harap ko na kasing bilis ng hangin. Nang lumingon ako sa gilid ko ay nakatayo na si Azrai, na para bang walang epekto sa kaniya ang ginawa kong pagsasaksak ng espada sa dibdib niya.

Bwiset. Nakalimutan kong kamatayan nga pala siya. Pa'no mapapatay ng isang mortal ang pinaka-kalaban niya?
Masyado akong nawili sa paggamit ng espada, akala ko lahat ng matatamaan ko no'n ay mamamatay.

Nagsimulang maglaban sina Levi at Azrai. Sobrang bilis nilang gumalaw kaya hindi ko masyadong nakikita kung ano ang nangyayare. Idagdag mo pang nagiging doble na ang mga nakikita ko sa paligid. At ang sugat ko sa likod, hindi ko malaman kung mainit ba yun o malamig? Siguro sa sobrang init ng nararamdaman ko, iniisip kong nilalamig ako.

Muli akong nabalik sa realidad nang balutin ng nakakasilaw na liwanag ang buong paligid. May mga narinig pa akong pagsabog at sigaw. Maya-maya pa ay nahaluan ng kulay abong usok ang liwanag, gumalaw ang lupa at may lumabas doon na mga kalansay.
Pero hindi pa man sila nakaka-ahon ay naging abo na agad sila sa isang wasiwas lang ng espada ni Levi.

He's Evil (Completed)Where stories live. Discover now