Chapter 28

13 1 0
                                    

Eve's Pov

WALA nang iba pang upuan sa kwarto kaya nanatili akong nakatayo malapit sa may pintuan.

Sa bawat segundong pumapatak, mas lalong bumibilis ang pintig ng puso ko. Mas lalo pa akong pinakaba ng matatalim na tinging ni Levi na direktang nakapukol sa'ken.

"Ngayon...sabihin mo sa'ken kung sino ka talaga." Ani Levi.
Hindi ko maintindihan ang sinabi niyang yun.

"D-Diba ako ang dapat nagtatanong sa inyo niyan?" Sabi ko pa sabay pekeng tawa, pero dinig na dinig ko ang panginginig ng tawa kong yun. Kainis.

"H-Hindi ko... maintindihan ang sinasabi mo. K-kayo? Sino ba kayo? B-Bakit ba ako nandito?" Tanong ko kina Levi. Pero hindi ko inaasahan na mas mabilis pa sa kisap ng mata itong makalalapit sa harap ko.

"Lu." Dinig kong sabi ni Sebastian kay...Levi.
Lu? Anong Lu?

Muling natuon ang atensyon ko kay Levi O Lu, o kung ano man ang pangalan niya.

"Hindi mo ako mauuto. Sabihin mo, sino ka sa unang ranggo?"
"A-Ano bang sinasabi—"
"BANGGITIN MO ANG PANGALAN MO!" Halos mawala ang pandinig ko sa lakas ng sigaw niyang yun! Parang maski ang kinatatayuan namin ay naramdaman ko ding yumanig.

"B-Baliw ka ba ha?! Diba sinabi ko na sayo ang pangalan ko noon?" Sigaw ko pa sa kaniya.
Unti-unti ko nang nararamdaman ang panlalambot ng mga tuhod ko.  Mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakahawak ko sa box. Sa isip ko ay nagdadasal na ako na sana, sana may tumulong sa'keng makalabas sa lugar na 'to at makalayo sa siraulong 'to!

"Tsk! Tingin mo maloloko mo ako?!" Tumatawa-tawa pa nitong sabi habang matalim parin ang pagkakatitig sakem. Konti na lang iisipin ko na talagang may lahing psychopath siya.

"Kung isa ka lang talagang mortal, bakit meron ka nung charm?"
A-Ano daw? Charm? S-Sinasabi niya bang...maganda ako?

"Kung hindi sa'yo ang Laurel Charm na yun, kanino?" Dagdag pa niya.
Ibang charm pala ang tinutukoy niya. Pero, anong Laurel Charm?

"H-Hindi ko—"
"Eve," Para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan nang marinig ang mahinahong boses ni Sebastian.

Grabe. Interrogation pala ang mangyayare ngayon, parang tingin nila saken ay isang kriminal at inakusahan nila ako sa krimen na hindi ko naman ginawa.

"Do you have any bracelet with shapes of Laurel leaves?" Pagde-describe pa ni Sebastian dun sa tinutukoy ni Levi.
Laurel leaves? Tinutukoy ba nila yung nilalagay sa ulam?
Teka...leaves? Bracelet? Hindi kaya...

"M-Meron pero..." Sabi ko pa saka minabuting ipakita na lang yung bracelet na sinasabi nila. Nahirapan pa akong buksan yung lock nung box dahil sa pangingig ng mga kamay ko.

"B-Bigay 'to ng papa ko." Dagdag ko pa, nang mapansin ko ang itsura ng mga mata nila habang nakatitig dun sa box. Saglit lang ang pamumula ng mga yun dahil nang isara ko yung box at ipakita yung bracelet na marahil ay tinutukoy nila ay kaagad ding bumalik sa pagiging brown ang kulay ng mga mata nila.

Pero kahit pa saglit lang yun, aaminin kong sobra talaga akong natakot.
Lord, bakit niyo ba ako hinayaang mapunta dito?

"A-Ako na ang titingin." Maya-maya pa ay sabi ni Sebastian sabay kuha dun sa bracelet bago pa man mahawakan ni Levi.
Wala talaga akong ma-gets sa mga nangyayare. Basta ang malinaw, maaari akong mamatay sa lugar na 'to anytime.

Sinuri ni Sebastian yung bracelet na para bang hinahanap siya dun na palatandaan.
May makikita pa ba siya sa itim nun?
Maya-maya pa ay napansin ko na natigilan ito habang nakatingin dun sa bracelet. Para siyang nakakita ng multo sa itsura niya.

He's Evil (Completed)Where stories live. Discover now