Chapter 61

11 0 0
                                    

Eve's POV

MATAPOS ang ilang minuto ng pagkukulong sa kwarto ay binalikan ko sa hardin yung espada, bahala na kung makita ako ni Levi o hindi, basta may sarili akong desisyon.

Nakahinga ako ng maluwag nang makita yung espada sa pwesto kung sa'n ko ito iniwan, saka ko iyon madaling inakyat sa kwarto.
Kailangan kong masanay sa pag-hawak ng espada kahit papano, kaya naman nag-practice ako at kunwari ay may nakikita akong kalaban.

Nang mapagod ako ay lumabas ako sa kwarto para kumuha ng tubig sa kusina. Madilim parin ang langit pero hindi ko alam kung anong oras na.

Anong oras kaya aalis si Levi? Sigurado akong sa gate siya dadaan dahil dadalhin na siya mismo no'n sa lugar na pinagkasunduan. Pwede akong pumuslit sa gilid o likod niya, o kaya kumapit sa kaniya na parang linta.
Pero kung hindi ako nagkakamali ang sabi ni Azrai magkikita kami sa bangin kung sa'n nag-umpisa ang lahat?

At sa'n naman yun?

Matapos magpahinga saglit sa kusina ay muli akong nag-practice sa paglaban, kung practice mang matatawag ang ginagawa ko. Ang mahalaga ay masanay ang kamay ko sa bigat ng espada.

Pinilit ko ang sarili ko na manatiling gising, pero kahit anong gawin kong pagtayo, paglakad, pagsayaw, at kung ano-ano pang makakapag-libang sa'ken ay hindi gumana.
Sinabihan ko ang sarili ko na matutulog lang saglit, saka ko ipinikit ang mga mata ko.

Nanaginip ako na nasa lugar ako na walang hanggan ang kadiliman. Ramdam ko ang takot sa buong katawan ko. Naglakad ako ng nag-lakad kahit pa pilit kong pinapahinto ang sarili, lalo pa't hindi ko nakikita ang nilalakaran ko. Natatakot ako na baka sa kakalakad ko ay malaglag ako sa—

Bangin!

Nangyare nga agad ang kinatatakutan ko, isang maling hakbang at nahulog ako sa isang bangin. Madilim at kahit saan ako tumingin ay wala akong makita, ang alam ko lang ay patuloy parin akong nahuhulog. Maya-maya pa ay may narinig akong mga kulog—no, I don't think so. Palakas ng palakas ang tunog na para bang may kung anong malaking tao ang humihinga na malapit sa'ken.

"Eve, nagkita ulit tayo." Sabi pa ng napakalalim na boses mula sa ibaba ko. Agad na nagsitayuan ang mga buhok sa braso at ko.
Bakit parang narinig ko na ang boses na yun?

"Hindi ka na makaka-alis pa sa lugar na ito." Sabi pa nung napakalalim na boses.
Maya-maya pa ay bigla na lang yumanig ang buong lugar, kahit na nahuhulog parin ako at walang makita ay ramdam ko ang pagyanig na para bang...katawan ko mismo ang gumagalaw?

Habol ang hininga ko nang magdilat ako ng mata. Kakaiba ang kulay ng liwanag sa labas na para bang kulay dugo ito. Pero ang talagang nakakuha ng atensyon ko ay ang patuloy na pagyanig ng buong bahay.

Tumayo ako at agad na kinuha ang espada sa ilalim ng kama. Paglabas ko ay agad akong sinalubong ng mga basag na salamin, nagbagsakang ilaw at mga tipak ng semento.

"GARY?! GARY?!" Tinakbo ko ang papuntang kusina, ngunit wala ito doon.
Tinignan ko din ang kwarto ni Levi pero wala ring tao doon.

Kainis! Hindi ko siya naabutan.

"GARY?!" Patuloy kong sinigaw ang pangalan nito hanggang sa makalabas ako ng bahay. Sa gitna mismo ng hardin, sa mga damuhan, nakita ko si Gary na nakatayo habang nakatingala sa langit na mistuang kulay dugo.

Agad ko itong nilapitan at nakita ang pinaghalong takot at pag-aalala na nakapinta sa mukha nito.

"Gary, Gary!" Inalog-alog ko ang balikat nito, at sa wakas ay tinignan na rin niya ako.
"A-Anong nangyayare?" Nagbabakasakaling tanong ko dito. Lumilindol parin at kakaiba na talaga ang kulay ng langit, para bang padilim ng padilim ang pula nitong kulay.

He's Evil (Completed)Where stories live. Discover now