Chapter 7

20 4 0
                                    

Levi's POV

"BAKIT ka nandito?" Iritang tanong ko kay Sebastian.
Habang sinusundan ko yung babae kanina ay may napansin akong masamang pamilyar na presensya sa paligid, at hindi nga ako nagkamali kung kanino galing yun.

Ang nakakainis lang, utos ko kay Sebastian ay kumalap siya ng impormasyon dun sa babae o kaya sa mga kaibigan nun, pero heto siya...naka-suot ng uniporme ng isang cashier!

"Binabantayan ko yung babae." Aniya, na para bang sinasabi nito na obvious naman kung ano ang ginagawa niya.

(⇀‸↼)

"Ano bang sabi ko sayo? Diba sabi ko HUMANAP ka ng impormasyon tungkol sa kaniya at sa mga kaibigan niya na pwedeng makatulong sa'ten?"

"Oo nga, at yun ang ginagawa ko." Pranka nitong sagot, dahilan para lalong umusok ang tenga ko sa inis!

"At pano ka makakakuha ng impormasyon kung nandito ka nagtitinda??!!" Pigil na inis kong tanong pa dito, pero parang hindi niya alam na dapat ay nasa ibang lugar siya ngayon at hindi dito sa maliit na tindahan na 'to!

Argh! Naiirita talaga ako sa mukha niya! Kung hindi ko lang siya tinuturing na kaibigan matagal ko na siyang ginawang janitor sa tartarus!

"Hindi ako nagtitinda, ang tawag sa ginagawa ko pagmamatyag Lu. Basta, may sarili akong diskarte... Eh ikaw, anong ginagawa mo dun kanina?" Mahinahon ngunit seryoso nitong paliwanag, pagkatapos ay ngumuso dun sa kabilang side ng kalsada, kung nasaan naka-upo yung mortal na babae kanina.

"Ginagawa ang trabaho ko." Agad kong sagot.

Naantala ang dapat na sasabihin nito nang tumunog ang door chimes, senyales na may pumasok na customer. Syempre, ayokong maistorbo kaya tinakot ko ng konte yung matandang babae gamit ang mga mata ko. Halos madapa na ito sa pagkaripas ng takbo

"Ano ulit yun?" Tukoy ko sa dapat na sasabihin ni Sebastian kanina.

"Wala. Mabuti pa susundan ko na ulit yung babae, maiwan  na ki—"

"Teka," mabilis kong hinawakan ang braso ni Sebastian nang akma na itong aalis.

"Bakit susundan mo siya? Diba sab—" nahinto ako sa pagsasalita nang bigla na lang ilapat ni Sebastian ang hintuturo niya sa labi ko.

(>0<;) Nakakadiri.

"Sabi mo magmatyag ako sa mga kaibigan niya at maghanap ng impormasyon na maaring makatulong sa'tin. Kung hindi mo pa alam Lu, andun yung babae kasama ng mga kaibigan niya...kaya mauuna na ako." Putol nito sa dapat na sasabihin ko, saka ito naglaho sa itim na usok.

Bakit ba ganon siya kung umasta? Masyado siyang seryoso.
Hindi sa ayoko kung ano man ang ginagawa niya, it's just that... there's something going on his head na hindi ko mabasa-basa kahit pa kaya naming bumasa ng isip ng isa't-isa.

May pakiramdam din ako sa kung ano yung dapat na sasabihin niya kanina, dahil for sure pinanood niya kami nung babae kanina.

Kanina, habang sinusundan ko yun babae ay unti-unti akong nag-isip ng plano kung pa'no ko makukumbinsi yung mortal na yun na ibigay sa'ken yung pakpak ko.
Obviously, kailangan kong maging mabait at kaibiganin siya, pero pa'no ko magagawa yun kung sa tuwing nakikita ko siya namumuhi ako sa ginawa ni tanda sa pakpak ko, kung paanong basta niya na lang pinagkatiwala yun sa isang mortal lang!
At nang saluhin ko siya sa kalampahan niya, bigla kong naalala yung sinabi ni Sebastian....kung pamilyar ba raw yung babae sa'ken.
Aaminin kong nakakainis lang dahil nakikita ko sa kaniya ang isang pamilyar na mukha.

Pero imposibleng maging siya yun, Imposibleng maging siya ang taong yun.

She's nothing compare to her or even to Styx, or the rotten babes in hell and the other angels before in heaven. She had this big brown-doll-like-eyes, small nose, plump pink lips and fair skin.
Sh even looks like she forgets that she has hair, and her bangs, I wonder if she's sleeping while she cuts them. She even have the audacity to leave her house wearing SpongeBob pajamas and a big white statement shirt.

He's Evil (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora