Chapter 2

60 4 0
                                    

Everly's POV

HABANG hinihintay na humupa ang paninermon ng mama ko sa labas ay nag-umpisa na akong mag-tupi ng iilang damit at uniporme ko para bukas.
Ganito ang kadalasan kong ginagawa kapag nagkakaroon kami ng alitan ni mama, kapag kase nakita niya ako bukas paniguradong mag-uumpisa na naman siya kaya pahuhupain ko muna ang mga bagay-bagay.

I usually stay at my best friend's house, Sophia. Sa subdivision sila nakatira, malaki ang bahay nila dahil medyo may kaya din sila. Alam ni tita, mama ni Sophia, ang alitan namin ni mama kaya ayos lang din sa kaniya kapag doon ako natutulog, kahit pa sa buong isang linggo.

Palagi kong nasasabi sa sarili ko na, malas man ako sa magulang maswerte naman ako sa kaibigan. Kapag may kaibigan ka, kahit papano nagiging magaan ang buhay.

Hindi ako pwedeng basta-basta na lang umalis, kailangan ko munang masigurong tulog na si mama. Kaya naman habang naghihintay ay nag-text na ako kay Sophia na sa kanila ako matutulog.

S: Lasing na naman mama mo?

A: Ano bang bago, lagi naman. Pasabihan na din si Tita ha?!

S: Surenesss! Lagi kang welcome dito! Text ka kapag nasa may gate ka na para masundo kita.

I replied a thumbs up sa text na yun ni Sophia. Dahil sa kaniya gumaan na ang pakiramdam ko.

Dahil malapit na mag-alas dose ay minabuti ko na mag-tricycle na papunta sa bahay nina Sophia, pero bago sumakay ay dumaan muna ako sa malapit na convenient store na bukas para bumili ng biscuit at nanginginig na ang kamay ko sa gutom.

"7.75, hija." Ani kuyang nagbabantay sa tindahan.
Pagka-angat ko ng tingin ay laking-gulat ko nang makita na kamukha ni kuya yung magtataho sa school namin, pati yung tindero sa convenient store sa school?! Tas yung bus driver kanina??!

Ilang trabaho ba meron siya???

"P-Panong?..."

"Hmm? Bakit hija?" Tugon nito nang hindi ko maituloy ang sasabihin ko dapat.

"A-Ah...w-wala po, kase... hahahhaha may naalala lang po kayong kamukha niyo eh." Sabi ko pa sabay pekeng tawa ulit.

Gaya nang sabi ni Pia saken ay tinext ko siya nung nasa gate na ako, matapos lang ang halos limang minuto ay nakita ko na siyang kumakaway palapit saken.

"Sabi ko naman sayo samen ka na lang tumira eh." Biro pa niya habang naglalakad kami papunta sa bahay nila.

"Sira! Baka isumpa pa ako ng mama ko, sabihan pa no'n na wala akong utang na loob."

" Hayss! Kase naman, bakit ba ganyan mama mo? "
Imbes na sagutin siya ay napangiti na lang ako sa sarili ko, maski kase ako tinatanong din ang bagay na yun.

As usual, sa pintuan pa lang ay sinalubong na kami ni Tita, kaya gustong-gusto ko na magpunta sa bahay nila eh.

(◍•ᴗ•◍)

Hindi na ako tumanggi pa nang yayain ako ng pagkain ni tita since kanina pa talaga ako nagugutom.
Pagkatapos maghugas ng pinagkainan ay dumiretso na kami sa kwarto ni Sophia.

"Hayss, mabuti na lang talaga at puro lesson lang kanina, hindi ka masyado mali-left out." Ani Pia nang mahiga ito sa kama niya.

May pagka-grade conscious siya kaya kahit na isang lesson lang ang na-miss out niya, o kahit saken, tingin niya sobrang dami na niyang na-miss out.

"So... Saan ka ba nagpunta kanina ha? G-Ginawa mo na naman ba?" Maya-maya pa ay tanong nito.

I tell no lies to her, either I tell nothing or everything, just not lies.

Humiga ako sa tabi niya saka  sinagot ang tanong niya.

I can't remember how many times I tried jumping on that cliff, yun nga lang totoo pala talaga na kapag nasa harap mo na ang kamatayan, matatakot ka.

Tubig dagat ang pinaka-baba nung bangin kaya kapag tumalon ka after ilang araw lang makikita na katawan mo sa dulo ng dam ng siyudad kung saan kami nakatira.

Ngayong taon tatlo na ang mga bangkay na nakita sa dam, akala ko ako ang magiging pang-apat kanina, kaso bigla namang dumating yung weird na lalake. Speaking of that guy.

"Alam mo ba na sobrang weird nung lalake na humila saken?...Sobrang putla niya na parang glow in the dark na siya." Kwento ko pa kay Pia.

"Oh? Hmm, gwapo ba?"
Gwapo?

"E-Ewan..."
Ang weird lang talaga kase sa tuwing dine-describe ko yung lalaking yun sa isip ko...hindi ko magawa. Alam ko yung itsura niya sa isip ko, pero parang...walang salitang nababagay para i-describe ang itsura niya.
Tsk! Ang oa ko pakinggan.

" Ganon? Eh ano naman kaya ang ginagawa niya dun? Oh! Hindi kaya...multo siya kaya sobrang putla niya?"

"Hindi naman siguro? Staka...mainit yung katawan niya."
"Mainit? So hot siya?" Ngingisi-ngisi pa na biro ni Pia.

Tsk! Sira talaga.

"Sira! B-Basta mainit siya."
Yung init nung katawa nung lalake hindi ko pa nararamdaman yun sa ibang tao na nayakap ko na. Hindi yun nakakapaso pero...alam kong hindi yun normal.

"Oh!" Bulalas ko pa kay pia nang may maalala pa ako.

" Alam mo din ba? Kamukha ni kuyang magtataho yung driver nung bus kanina? Tas kamukha niya rin yung nagbabantay kanina sa convenient store?!...Hayss, ang weird talaga."

"Oh? Na naman? Nung nakaraan lang sabi mo saken kamukha din niya nung kuya sa 7-eleven?" Ani Pia.

Tama siya, kamukha din ni kuyang magtataho yung staff sa 7-eleven na malapit sa school. Napapaisip pa nga ako na baka rocket niya ang pagiging taho vendor, at store staff. Pero may kutob ako na hindi yun ganon.

"Ganon na nga eh, hayss. Nakakaloka na ewan." Animo'y pagod na pagod na sabi ko pa sa kaniya.

Bata pa lang ako, marami na akong nakikitang mukha na kaparehas din ng iba, yung ibang mukha pa, tingin ko nakikita ko na since bata pa lang ako, ang weird part pa, hindi man lang tumatanda ang mukha nila.

Gaya nung security guard sa school, alam ko at 100% sure ako na kamukha niya yung security guard ng bawat school na pinasukan ko...at hindi tumatanda ang mukha niya.

Nang sabihin ko yun kay Sophia dati sinabi niya lang saken yung tungkol sa chance na mayroon kang anim na kamukha sa buong mundo.

Hayss, ewan. Baka kapag inisa-isa ko pa ang mga weird na bagay na naranasan ko sa buhay ko, isipin niya na nababaliw na ako, o kaya ay oa ako.

Pero sure ako, hindi ako nababaliw o nag-e-exaggerate lang, totoo at hindi guni-guni lang ang nakikita ko.

He's Evil (Completed)Where stories live. Discover now