Chapter 60

13 1 0
                                    

Eve's POV

PARA akong binuhusan ng napakalamig na tubig na may yelo, sa sinabing yun ni Levi.

"Pa'no kung sabihin ko sa'yo na...buhay mo ang kabayaran ng pagbabalik ng pakpak ko?" Aniya. Hindi ko alam kung tama ba'ng nakikita kong namumula ang mga mata niya, at para bang nilalabanan nito ang nagbabadyang mga luha?

Kung ganon...mamamatay ako para sa pakpak niya?
Hindi ko alam kung sa'n magugulat, sa sinabi ni Levi? O sa posibilidad na ayaw niya akong mamatay? At kung ganon nga, nag-aalala siya sa'ken?

Akala ko ay may sasabihin pa ito nang bahagya niyang ibuka ang bibig, pero muli itong isinara saka tumalikod na.
Pero hindi pa ako tapos kausapin siya kaya ako na ang kusang tumakbo patungong pinto at humarang doon.

"Sabihin mo nga...nag-aalala ka ba?"
"Hindi, naaawa ako sa'yo." Agad-agad nitong sagot. Pero hindi parin sapat sa'ken ang sagot niyang yun.

"B-Bakit?" Tanong ko pa.
"Anong bakit? Mortal ka at—"
"G-Gusto mo ba a-ako?" Pareho kami ni Levi na nanlaki ang mata sa gulat nang sabihin ko ang mga salitang yun. Hindi ko alam kung pa'nong bigla ko na lang sinabi yun! Ang alam ko nasa isip ko lang ang bagay na yun!

(((;ꏿ_ꏿ;)))

Sa sobrang kaba ko ay hindi ko na magawa pang tingnan si Levi sa mata. Kung pwede lang na maging bula ako, okay lang saken.
Basta, hindi ako yun. Parang may kung anong nagsalita para sa'ken. Pero imposible yun!
Ano ba Eve! Ano ba?!

"H-Hindi sayo, kundi ang...nasa loob mo." Kunot-noo kong muling tinignan si Levi.
"Sa kaluluwa ko?"
(٥↼_↼) Eh ako din yun eh.

"Hindi," sabi pa nito. May pakiramdam ako na may hindi siya sinasabi sa'ken, na dapat ay alam ko.
"A-Anong hindi?" Naguguluhan kong tanong sa kaniya

Kahit na natutunaw ako sa kahihiyan dahil sa sinabi ko kanina, pilit ko paring nilabanan ang titig niya.

"Hindi ikaw, at hindi ang kaluluwa mo ang tinutukoy ko."
"Pwede bang diretsahin mo ako?" Naiinip ko pang sabi dito. Bakit kase hindi na lang niya sabihin ang totoo? Anong meron sa loob ko?
Teka...katawan ko ba?
(●´⌓'●)

"Sige. Tinanong mo sa'ken kanina kung anong nangyare kay Eeve diba?"

Si E-Eeve? At anong....kinalaman niya sa tinatanong ko?

"Nang unti-unting mamatay ang mga piraso ng espirito niya sa Eden, nag-desisyon si ama na ilagay ang huli niyang piraso sa isang mortal na katawan...At yun ang tinutukoy ko." Paliwanag nito.
Hindi ko alam kung tatawa ba ako o maniniwala sa sinabi niya.

"S-So sinasabi mong reincarnation niya ako?" Kunwari pang natatawa kong tanong dito. Bahagya pa itong natawa na para bang mas nakakatawa ang tanong ko kesa sa sinabi niya.

"Hindi. Isipin mo na lang na vessel ang katawan mo para maranasan niyang mabuhay ulit, yun lang. Kaya tigilan mo nang ipilit ang sarili mo sa delikadong laban na 'to...ayokong maranasan niya ulit yung dati." Sabi pa nito sa'ken.

Nilagpasan niya ako at tuluyan nang lumabas sa pinto, hindi ko na siya hinabol pa.
Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatayo sa likod ng pinto, pero hindi ko parin maramdaman ang pananakit ng paa ko.

Ano bang nangyare? A-Ano yung narinig kong sinabi ni Levi?
Teka, hindi ko parin magawang i-pasok sa utak ko ang narinig ko kanina.

Si Eeve? Si Eeve the first? Yung kapartner ni Addam sa Genesis?

"Teka, Teka. Baka naman nagbibiro lang siya diba? P-Panong nasa loob ng katawan ko ang espirito niya?" Matawa-tawa ko pang sabi sa sarili.

Pero kita ko sa mukha ni Levi kanina na seryoso siya, kaya Ibig-sabihin....nangyayare ang mga weirdong bagay na 'to sa'ken dahil nasa loob ko si Eeve?

He's Evil (Completed)Where stories live. Discover now