Chapter 62

10 1 0
                                    

Eve's POV

PAGBUKAS ko ng gate ay agad akong sinalubong ng nakakasilaw na liwanag, matapos ang ilang segundo ay unti-unting tumambad sa'ken kung saang lugar kami dinala nung gate.
Sa baba ng bundok.

"Umubra!" Masayang saad ko kay Gary, pero puno parin ng paga-alala ang mukha niya.
Pero kahit papano ay nakahinga ako ng maluwag, dahil kung hindi umubra ang ginawa ko sa gate, hindi ko alam kung ano ang talagang naghihintay sa'men sa kabila nun.

"Tara," sabi ko sabay hawak sa isa sa mga kamay ni Gary.
Pagkatapak namin sa labas ng gate ay unti-unti nang nawala sa likuran namin ang gumuguhong tanawin ng bahay ni Levi. Kahit na bilanggo ako sa lugar na yun, hindi ko maiwasang manghinayang at ma-miss agad ang hardin, pati na din ang kwarto ko.

Pansamantala kong pinawi sa dibdib ko ang lungkot at kailangan pa naming hanapin si Levi.
Pero hindi pa man kami nakakahakbang ay bigla na lang bahagyang gumalaw ang lupa, kasunod ng pagsulpot ng mga nilalang na parang tao mula doon.

Kung titingnang mabuti, mukha talaga silang tao, liban sa mga tuyo at para bang nabibitak nilang katawan na sobrang puputla.

"Sumama kayo ng maayos at hindi namin kayo sasaktan." Hinanap ko ang pinanggalingan nung boses.

Sa likod namin ay isa pang lalaki ang lumutang mula sa itim na usok. Nakasuot ito ng purong itim, hindi gaya nung mga naunang lalaki na nakasuot ng gusot at punit-punit na mga damit. Sa itsura palang niya, halata nang hindi siya gaya nitong mga nasa likuran namin.

"At sino ka naman?"
"Hindi na yun mahalaga pa. Naghihintay na siya sa inyo, sumama kayo ng maayos para hindi na tayo mag-aksaya pa ng pagod." Aniya.

Mabilis kong tinimbang ang mangyayare kung lalaban kami, at kapag sumama kami nang mahinahon.  Sa huli nagpasya kami na sumama na lang, lalo pa't mukhang magaling sa pakikipaglaban yung naka-suit na lalake.

Pinagitnaan nila kami sa paglalakad, nasa harap naman namin ni Gary yung naka-itim na lalaki. Pinanatili kong mahigpit ang pagkakahawak ko sa espada, anytime baka traydorin nila kami.

Patuloy kaming naglakad nang bigla na lang silang tumigil. Tingin ko ay nasa kalagitnaan palang kami ng daan patungo dun sa bangin.

"Tingin ko ito na ang tamang lugar." Sabi pa nung lalake. Bigla naman kaming pinalibutan nung iba pa.
"B-Bakit tayo tumigil?" Hindi naitago ng boses ko ang panginginig ng katawan ko sa kaba.
"Ano pa? Dito ang magiging libingan mo, technically...dito ka naman talaga dapat namatay." Aniya.

Magsisisi na sana ako na sumama kami sa kanila, pero kung tutuusin, konting lakad na lang ay mararating na din naman namin yung bangin.

"Gary, hindi para sa gaya mo ang laban na 'to. Bumalik ka na lang sa Infernos at mag-silbi sa'ken."
Infernos? Teka....demonyo ba siya?

" Hindi ako traydor, panginoong Seth. Patawad ngunit isa lang ang amo ko." Gulat kong nilingon si Gary sa gilid ko. Pa'no kase, naging panget at...masama ang tono ng boses niya, malayo sa kalmado at mahinahon nitong boses dati.

"G-Gary?" Napa-atras ako ng wala sa oras nang biglang unti-unting lumaki ang katawan ni Gary. Humaba ang nguso nito na parang sa elepante, nagkaroon din ito ng malaki at matinik-tinik na buntot.

"Kung ganon, ginawa ka talaga ni Levi na iba sa mga kalahi mo." Dinig ko pang sabi nung lalaki kay Gary. Nang bigla na lang pumulupot sa bewang ko ang mahabang nguso nito. Magpupumiglas na sana ako nang ma-realize ko na isasakay pala ako ni Gary sa likod niya.

"ATAKE!" Sa hudyat na yun ay sabay-sabay nilang itinutok ang mga espada sa'men, saka sabay-sabay ding umatake sa bawat direksyon.

Habang walang hirap na tinatapakan ni Gary ang mga kalaban ay ako naman ang sumasangga sa mga nasa gilid at likuran.
Maya-maya pa ay nakalutang na sa ere yung naka-itim na lalaki, may hawak-hawak na uto ngayon na itim ding latigo. Hindi ko inaasahang agad niya itong iwawasiwas sa direksyon namin. Agad akong yumuko at pinroteksyunan ang ulo ko gamit ang braso.

He's Evil (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon