Chapter 39

7 1 0
                                    

Levi's POV

AGAD kong nasalo ang puting papel na binigay sa'ken ni Eve.
Nang tignan ko kung ano yun ay mukhang isang listahan.

Shampoo
Conditioner
Napkin
Facial wash
Body Soap (not whitening)
Body Lotion
Deodorant
Extra clothes (plus undergarments)
Shoes (size 39)

May nakalista pang mga gamot na hindi ko alam kung para sa'n.
Tsk! Inuutusan niya ba ako na ipag-shopping siya?

"Ayoko." Mariin kong sabi saka binalik sa kaniya yung papel, na hindi agad ding bumagsak sa damuhan.
Sa itsura ng pagkakatitig niya sa'ken hindi ko alam kung galit na galit na ba siya o inaantok lang.

(눈‸눈)

"Kung ayaw mo eh di palabasin mo ako."
Kita ko sa mukha niya na hindi niya ako titigilan hanggat hindi ko binibigay ang gusto niya.
Pero dapat ba akong magtiwala at hayaan siyang lumabas?
Hindi, dahil hindi naman ako tanga at alam kong may binabalak siya.

"Isasama ko si Gary para matahimik ka," alok pa nito.
"Ayoko. Mabubuhay ka kahit wala ka ng mga 'to." Binuka nito ang bibig na para bang may sasabihin saka mariin pang napapikit, nang idilat niya ulit ang mga mata ay kulang na lang may lumabas na apoy doon sa sama ng tingin nito.

"Sige, gagawin ko na lang napkin ang bawat kurtina sa bahay mo. At kapag hindi ko na nakaya ang sakit ng puson ko at inis ko sa ugali mo baka sunugin ko ang bahay na 'to nang kumalma man lang ako. Pero kapag hindi parin yun sapat..." Unti-unti itong humakbang palapit habang direktang nakatitig ang brown nitong mga mata sa'ken

"Itatarak ko na lang sa mukha mo yung sinasabi mong pakpak nang makabawi man lang ako sa ilang beses ko nang muntik na mamatay sa lugar na 'to at sa mga sama ng loob na binibigay mo sa'ken!" Sigaw pa nito saka muling tumalikod at naglakad na palayo.

Hindi ko maalis ang mga mata ko habang palayo siya nang palayo sa'ken, sa hindi malamang dahilan naging pamilyar saken ang paglakad niya, at ang pagkaka-braid ng buhok niya.

Hayss! Bakit ko ba siya biglang naalala?

Matapos maisuot ang damit ko ay dinampot ko yung kapiraso ng papel sa may damo saka lumabas.

Hindi ko pwedeng utusan si Gary na bilhin ang mga 'to dahil wala naman siyang alam sa mga bagay na ganito. Si Sebastian kaya?

Pinakiramdaman ko ang buong bahay para hanapin kung nasa'n si Sebastian, matapos ang ilang segundo ay nakita ko siya kasama si Eve...sa loob ng kwarto nito.
Mukhang close na close na nga ata silang dalawa.

Bago magtungo sa kwarto ay inutusan ko si Gary na papuntahin si Sebastian sa kwarto ko. Ayokong basta na lang pumasok sa kwarto ni Eve at baka maka-istorbo pa ako sa pinag-uusapan nila.

Matapos lang ang ilang minuto ay nasa likod ko na si Sebastian.
"Huhulaan ko kung bakit mo ako pinatawag," aniya na bahagya pang nakangiti sa'ken.
"Bilhin mo 'to sa labas." Pinalipad ko papunta sa kaniya yung papel, humihina lang naman ang kapangyarihan ko pero hindi pa nawawala.
At alam kong babalik din 'to sa normal.

"Ah, kayang kong bilhin ang mga 'to pero...sabi sa'ken ni Eve sensitive ang balat niya kaya kailangan niyang sumama sa kung sino man ang bibili." Agad na nangunot ang noo ko sa sinabi niyang yun.

"Wala akong pake kung masusunog ang balat niya. Bilhin mo yan para tumahimik na siya."
"Pwede kong gawin yan kaso...hindi ko alam yung mga gamot na nilagay niya dito."

Ugh! Akala ko pa naman maalam siya sa ganitong bagay. Tsk! Kainis na babaeng yun, talagang gumagawa siya ng paraan para makalabas dito.

"Pwede kang sumama sa'men para mapanatag ka na hindi siya tatakas. Sigurado din ako na kapag nag-palit anyo tayo, hindi nila tayo maamoy." May punto si Sebastian, ang kaso lang pano kung maamoy nila si Eve?
Pero posible ba yun? Ilang taon din ang paghahanap namin sa kaniya kaya imposible na makita nila siya agad.

He's Evil (Completed)Where stories live. Discover now