Chapter 53

7 1 0
                                    

Levi's POV

OO NA.
Hindi ko maitago ang ngiti ko nang akalain ni Eve na siya ang tinitignan ko. Kaya naman pala kakaiba kung sumulyap siya sa direksyon ko.
ಡ ͜ ʖ ಡ

"Hindi ka pa ba pagod?" Maya-maya pa ay tanong nito sa'ken. Aaminin kong medyo sumasakit na ang braso ko, mukhang kakaiba ang haba ng dagat sa haba ng daan.
Halos mag-iisang oras na akong nagsasagwan pero nasa kalagitnaan palang kami ng taniman ng bulaklak. 

"Mas madali ata kung naglakad na lang tayo," Sabi ko pa kay Eve.
"T-Tingin ko...mali lang talaga ang pagsasagwan mo." Aniya.
(´⊙ω⊙')

"A-Anong mali ka diyan? Tingin mo ba hindi ako marunong magsagwan?"
"Oo, ganun nga." Pranka nitong sagot saken.
"Ipaikot mo para hindi ka mahirapan. Hawiin mo paabante yung tubig para umandar tay—"
"Tama na, Tama na. Gets ko na." Sabi ko pa.
"Ganito kase mo gawin," ayaw talaga nitong paawat pang sabi.
ತ_ತ

Tiningnan kong mabuti kung pa'no niya ginagalaw yung braso at kamay, saka ko yun sinubukang gawin.
Wala namang mali sa ginagawa ko kanina, sadyang mas madali lang ang tinuro niya.

"Ilang daang taon na din akong hindi nagbabangka kaya medyo n-nalimutan na ng nga kamay ko ang gagawin. Pero marunong ako, okay?" Pagtatanggol ko pa sa sarili ko, baka kase isipin niyang hindi ako marunong.

"Ah...eh ilang taon ka na ba?" Tanong pa nito sa'ken. Kita ko na seryoso siya sa tanong na yun.

"Alam kong Babyface ang mukha ko pero base sa panahon niyong mga mortal, nasa bilyong taon na ako." Sagot ko sa kaniya. Bahagya pang bumuka ang bibig nito, siguro namamangha siya sa ganda ng balat ko kahit pa sa Infernos ako nanatili ng ilang daang taon.

"Di nga?" Hindi pa ito makapaniwalang sabi. Ngumiti ako sabay tango.
"Grabe...napaka-tanda mo na." Aniya. Hindi ko alam kung panlalait ba yun o papuri. But I'll take that as a compliment.

" So...nakilala mo si Hitler? Si Nero? Uhm...yung mga pope? Si Jesus Christ?" Sunod-sunod nitong tanong.

Jesus Christ? Hindi parin ba niya gets na ang tinuturing niyang papa yun? Napakadami nang ginawa ni Hemesis para lang mabalik ang tiwala ng mga tao kay ama, at vice versa.
Pero hanggang ngayon marami na'ng tao ang hindi naniniwala kay ama. Napapaisip tuloy ako kung ano ang binabalak ni ama...lalo na ngayong pakonte na ng pakonte ang nagtitiwala sa kaniya.

"Nakilala ko si Hitler, minalas lang talaga siya sa magulang niya. Kaya ayun, tinulungan ko siya na ipakita sa papa niya na higit siya sa inakala nito." Taas-noo kong sabi dito.

"What? Ikaw?!...Alam mo ba kung ga'no karaming tao ang namatay dahil sa kaniya?"
"So? Hindi ko naman kasalanan yun, tumulong lang naman ako." Sabi ko pa dito.
"N-Naririnig mo ba ang sarili mo?" Sarkastiko pa itong tumawa.
Kitang-kita ko ang panggigigil sa mata nito, siguro kung hindi ako nagsasagwan baka tinapon na niya ako sa dagat.

"Oo naman. Isa pa, sinabi ko na sa'yo diba na ang tunay na demonyo ay yang nasa loob niyong mga tao? Di hamak naman na mas nakakakilabot ang ginawa niyo kesa sa'men."
Kung alam niya lang kung ano ang ginawa ng pinaka-ninuno nila,  baka mandiri siya sa sarili at kapwa niya.

"Pero alam mo na kung hindi mo sila inempluwensyahan hindi nila gagawin ang mga bagay na yun." Ganti pa ni Eve.

"A-Ano?...Ako pa talaga?" Tinigil ko ang pagsasagwan saka direkta itong tinitigan sa mata.

"Si Hitler pa lang ang sinabi ko pero may konklusyon ka na agad. Parehas na parehas kayo ni ama, alam mo ba yun?" Kita ko sa mukha niya na wala itong maisip na isagot.

"First of all, wala kaming kinalaman sa mga digmaan niyo. Nagising na nga lang ako isang umaga at dagsa na ang mga kaluluwa sa kaharian ko. Second, hindi kaming mga demonyo ang dahilan kung bakit makasalanan parin kayo ngayon...ang pagiging mapaghangad niyo ang dahilan kung bakit hindi kayo matahi-tahimik." Paliwanag ko dito.

He's Evil (Completed)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant