Chapter 55

6 1 0
                                    

Eve's POV

GUSTO kong maniwala sa sinabi ni Levi tungkol sa pinakita ni Azrai kanina sa'men. Pero may parte ng utak ko na sinasabing totoong kinuha ni Azrai sina mama oara pahirapan.

Nakakainis siya! Bakit ba ganon na lang ang interes niya saken? Dahil ba hawak ko ang pakpak ni Levi? Kung gano'n bakit kailangan niya pa ako?

"Ano ba talaga ang gusto niya sa'ken?"  Nilingon ko si Levi para sa kasagutang alam kong alam niya.

"Anong ibig mong sabihin?"
"Alam mo kung ano ang ibig kong sabihin...Magkakilala na kayo dati diba? Mukha ngang ayaw niyo din sa isa't-isa, imposibleng hindi mo alam kung bakit gusto niya akong kunin."

Basa ko sa mata ni Levi na pinagdedebatihan niya kung sasabihin saken ang dahilan o hindi.

"U-Umuwi muna tayo."
"Ayoko—"
"Umuwi muna tayo bago magsara ang gate." Mariin pa nitong sabi sa'ken.
Yung gate, kung ganon do'n pala kami papasok para makauwi agad. Akala ko ay maglalakad na naman kami.

Pansamantala kong sinantabi ang tanong sa isip ko. Sinukbit ko ang bag ko at nakakapanibago lang na wala nang kutsilyo na dikit-dikit sa'ken.

"Nawala ko pala yung kutsilyo mo sa dagat." Sabi ko pa kay Levi habang naglalakad kami patungo dun sa pintuan na tinawid namin.

"Hayaan mo na." Ani Levi.

Bigla akong na-excite na bumalik sa lugar ni Levi. Gusto ko nang makatikim ng luto ni Gary, payapang matulog kahit saglit, at magtago ulit sa mundo.
Pero nang buksan ni Levi ay pinto ay hindi yung garden ang nakita namin kundi maalikabok na imbakan.

"A-Anong nangyare?"
Ilang beses pang binukas-sara ni Levi yung pinto pero wala talagang nangyayareng kakaiba.

"Pang-ilang araw na ngayon mula nang lumabas tayo dito?" Tanong nito sa'ken. Mabilis kong inalala ang mga nag-daang araw, at kung hindi ako nagkakamali...
"Pang-apat na ata na ngayon. Bakit?" Dinig ko ang malalim na buntong-hininga ni Levi, mukha ring problemadong-problemado na ito.

"Tatlong araw lang itong bukas. Akala ko pangatlo pala'ng ngayon." Aniya.
"P-Pano na? Maglalakad na ba tayo?" Ikinagulat ko ang biglang sama ng tingin ni Levi sa'ken, pero agad din iyong nawala at napalitan ng pag-aalala.

"H-Hindi, masyado yung malayo. Pwede kong subukan na buksan yun mula dito, pero hindi ako sigurado kung...kaya ko." Pahina nang pahina nitong sabi sa'ken. Kung gano'n, tama ang hinala ko na posibleng mahina na ang kapangyarihan niya, baka nga...wala na ito eh.

Huwag naman sana, hindi pa naman ako komportable sa lugar na 'to, pakiramdam ko may nakamasid parin sa'men. Pero pwede ring tinatakot ko lang ang sarili ko. Maaring dahil 'to sa babae kanina, nakatanim parin sa isip ko ang galit nitong kulay berdeng mga mata, at pati na din yung nagsusumamong katauhan niya.
Ang weird lang dahil pakiramdam ko ka nakita ko na siya somewhere.

Sumandal ako sa isa sa mga poste, inalok ko din si Levi na magpahinga muna kami lalo pa't sigurado akong may nangyareng labanan habang nalulunod ako.

Mabuti na lang at hindi na siya tumanggi pang umupo muna.

"S-Sorry kung nasungitan na naman kita," Gulat kong nilingon si Levi. Hindi ako sigurado kung tama ba ang narinig ko mula sa kaniya.
Akala ko babalik na siya sa pagiging masungit at masamang ugali na Levi pero himala na nanghihingi siya ng sorry sa'ken.

May anghel kaya na napilitang sumapi sa kaniya?

"A-Ayos lang, sanay naman na ako." Sabi ko na lang.
Binalot kami ng saglit na katahimikan bago muling nagsalita si Levi.

He's Evil (Completed)Where stories live. Discover now