Chapter 20

7 1 0
                                    

Eve's POV

"KANINONG pangalan ba yung nilagay mo dun?" Pangungulit pa ni Pia saken nang makalabas kami ng office.
Mukhang napatagal ang pagtatanong namin dun sa loob, pinaghalong melon orange, pastel pink, at light blue na kase ang langit sa labas.

Ngayon ko na lang ata nakita ulit ang kulay ng langit sa paglubog ng araw. Ganito siguro kapag masyadong maraming inaalala sa buhay na hindi mo na nakikita ang ganda ng langit sa umaga, hapon, o gabi man.

"Kay Levi. B-baka nga Mark ang ginagamit school record." Sabi ko na lang kay Pia para matigil na ang pagtatanong niya.

Ilang beses ko mang analisahin ang bagay-bagay, wala parin akong naiintindihan.
Pa'nong Mark Manalig ang gamit niyang pangalan? At bakit iba ang...m-mukha niya dun sa seat plan? Ilang beses pang kinumpirma ni Leah yun pero...hindi ko talaga kayang maniwala.

Tapos sa school record, talaga bang wala ang pangalan nila o mali lang ang ibinigay kong pangalan?

"Pia, may tanong ako." Umpisa ko pa. Nakatingin lang saken si Pia habang patuloy itong naglalakad, inaantay ang susunod kong sasabihin.

"Kailan natin naging kaibigan si Azrai?" Napatingala si Pia sa langit habang bahagya pang nakanguso.

"Hmmm, hindi ba mula pa nung bata tayo?" Saad nito.
Gusto kong sabihin na imposible yun dahil nung bata kami, alam ko na nakikita ko na noon ang mukha ni Azrai, gaya parin yun ng mukha niya ngayon. Ang weird nga eh.

"Eh anong last name niya?" Gusto ko sanang idagdag na tanong yung birthday ni Azrai, kung may pamilya ba siya, anong section niya, anong year? Ang alam lang namin senior siya dahil sa kulay ng ID lace niya.

"Ahhh...d-di ko matandaan eh. Bakit mo naman natanong? Don't tell me iniisip mo na time traveler siya gaya nung mga sinasabi mo sa'ken dati?" Sabi pa nito. Nag-peke na lang ako ng tawa.

Time Traveler? Hayss. Nasisiraan na ba ako? Masyado ko na bang ino-overthink ang mga bagay? Misinterpretation lang ba 'to?

"Nga pala, kailan ka lilipat sa bahay?" Maya-maya pa ay tanong ni Pia nang palabas na kami sa gate ng school.

" S-Siguro sa susunod na sabado." Agad kong sagot kay Pia. Marami pa akong kailangang ihanda, staka, dahil sa biglaang impormasyon na nakuha ko ay napapaisip ako kung tama ba ang konklusyon kong stalker ko si Levi o si Mark o kung sino man siya.

Nang marating namin ang bus stop ay pina-una ko na si Pia sumakay, nagdahilan na lang ako na may dadaanan pa para hindi na siya mag-usisa.

Sabi nila, sa tuwing may mga nangyayare sa buhay mo na hindi mo maipaliwanag....mag-dasal ka lang at magiging ayos din ang lahat. 

Hindi ko na maalala ang araw na nag-tungo ako sa church, o seryosong nag-dasal. Kaya siguro prone ako ngayon sa mga weirdo at hindi maipaliwanag na pangyayare.

Siguro ito ang tinatawag nilang calling? O baka sign na 'to na kailangan ko na ng devine intervention? Bahala na, sa ngayon, gusto ko lang na may makakausap at masasabihan sa mga bumabagabag sa'ken. Yung alam kong hindi ako huhusgahan at iisiping nababaliw na ako.

Walang masyadong tao sa simbahan na malapit lang sa'men. As usual, umupo ako sa pinaka-dulo. Kahit nasa malayo ay kitang-kita ko ang malaking krus sa pinaka-gitna ng simbahan.

Lord, may galit ka ba sa'ken? Kase naman, kung ano-ano na ang nangyayare sa buhay ko eh. Hetong may mga weirdong tao akong nakikita, isama mo pa yung nakakainis at creepy na si Levi. Tapos...si Azrai, yung kaibigan namin na hindi ko alam kung sa'n nanggaling.
Lord...nagka-amnesia ba ako? May sakit na ba ako sa utak?
Pakiramdam ko palaging may nakatingin sa'ken, nanonood...sumusunod.
Lord, ano ba talaga ang nangyayare? Sino ba...sino ba ang mga taong 'to? Ano bang ganap Lord? Please naman, orient niyo naman po ako.
Haysss.
Sige po, hanggang dito na lang Lord. Bye po.

He's Evil (Completed)Where stories live. Discover now