Chapter 30

12 1 0
                                    

Eve's POV

HINDI ko hinayaang mapigilan ako  ng nararamdaman kong sakit sa katawan sa pag-alis sa bahay ni Levi at makasama pa nang matagal ang mga nilalang na gaya niya o kahit anong weirdong nilalang pa.

Hindi ko alam kung pa'no ako napunta sa sitwasyon na gan'to, pero ngayon palang sinasabi ko nang hindi ko deserve ang kahit ano sa naranasan ko!
Habang patuloy paring inaakyat ang pader ay napapaisip parin ako kung tama nga ba ang konklusyon ko.

Kung ganon...hindi panaginip yung nangyare noon sa clinic?
Imposibleng maging panaginip pa yun dahil nakita ko mismo sa dalawang mata ko kung pa'nong naging kakaiba at panget ang mga anyo nina Levi at Sebastian.

So, the saying, “ beware of beautiful creatures. ” is really true. Who would've thought that behind those pretty faces are monstrous creatures?
Maybe hindi pa nila ako pinapatay ngayon dahil may kailangan pa sila sa'ken, pero hindi ko aantaying makuha nila dahil siguradong papatayin nila ako pagkatapos.

Pero sigurado din ako na gagawin nila ang lahat para pilitin akong ibigay yun. At kung tama nga ako, ang bagay na gusto nila....yung bagay na tinatanong ni Levi sa'ken noon sa clinic, ay yung laman nung box.

At base sa mga nakita ko kanina, magpapatayan sila makuha lang yun.
Kaya naman, mabuti nang maka-alis ako dahil ayokong pumagitna na naman uli sa kanila. Sapat nang ilang beses akong tumalsik sa may pader. Baka sa susunod kailangan ko nang mag-suot ng brace para sa spinal cord ko, at ayokong mangyare yun.

Muling dumulas ang paa ako sa magaspang ng pader, hinubad ko ang sapatos na suot ko kanina para mas maging makapit ang paa ko pero puro sugat lang ang napala ko. Pero hindi ako susuko.
Matapos ipagpag at ipunas ang mga pawis at nangingig kong kamay sa damit ko ay muli akong umakyat sa pader, pero agad din akong bumagsak pabalik sa damuhan.

Sumasakit na ang likod ko at hindi ko alam kung kaya pa ba ng katawan indahin ng katawan ko ang susunod na pagbagsak ko, kung sakali.
Saglit akong nagpahinga at hinayaan lang ang sarili na nakahiga sa damo. Malamig ang lupa at hindi rin makati ang mga damo sa balat ko.

Kulay asul parin ang langit ngunit may namamataan na akong itim na ulap  sa paligid. Kung pwede lang na magpahinga kahit gaano mo katagal gustuhin sa tuwing napapagod ka sa buhay, siguro hindi dumadaloy ang mga luha ko ngayon.

Ang ironic, bigla kong na-realize na ang kagustuhan kong umalis sa lugar na 'to ay taliwas sa gusto ko. Wala na sigurong lulungkot pa sa taong hinihintay na lang ang kamatayan niya para ibsan ang dalamhati sa kaniyang puso.
Hindi ko pa nasasabi 'to sa kahit kanino, siguro dahil weird pakinggan? Pero mula nang mamulat ako sa mundo, malungkot na talaga ako. Hindi dahil nawala na parang bula ang tatay ko, actually sabi talaga ni mama patay na siya, ako lang 'tong iniisip na umalis siya at sabihin na nating.... nararamdaman ko na buhay parin siya.

Hindi rin ako malungkot dahil may mama ako pero parang wala, o dahil hindi ako mayaman na nagagawa ang mga gusto niya, nakakapunta sa kahit saan, nakakakain ng kahit ano.

Malungkot ako sa hindi malamang dahilan.
Pakiramdam ko hindi para sa'ken ang mabuhay. Nakakatawa.

Habang nakatitig sa padilim nang padilim na langit ay napagtanto ko ang dahilan kung bakit naiinis akong makita ang mukha ni Levi, hindi dahil napanaginipan ko siya bilang demonyo sa impyerno kundi dahil...nakita niya ako sa bangin na yun. He saw me at my most vulnerable point that it feels like I'm all naked everytime he looks at me.

Tapos malalaman ko pang hindi siya tao?
Galit ba sa'ken ang langit? Bakit? Dahil hindi ko naa-appreciate ang buhay ko? Hindi ko alam kung dapat bang mainis ako maiyak lalo. Hindi na naging normal ang buhay ko.

He's Evil (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon