Chapter 4

46 3 0
                                    

Levi's (Lucifer) POV

"ANONG ginawa mo dun sa bata?"
Agad na bungad saken ni Sebastian pagkabalik sa trono ko sa mainit at napaka-boring na lugar, everyone, Infernos.

"Sinong bata?" Maang-maangan ko pang sagot habang hinahanap ang komportableng posisyon sa trono na kaka-renovate lang gamit ang pinaka-komportableng sofa sa mundo ng mga mortal.
Fairness, malambot talaga.

" Yung babae, ano? buhay pa ba? Alam mong dapat muna nating makuha sa kaniya yun bago siya mamatay diba?"
Pagka-upo ko ay kunyaring nililinis ko ang tenga ko para ipakita sa nakakairitang si Sebastian na wala akong ganang makita ang mukha niya at marinig ang walang kabuluhang mga tanong niya.

"Tinakot ko lang siya ng konti. Bakit ba concern na concern ka? Ha? Ano? Naawa ka ba sa kaniya, Sebastian?" Walang ganang sagot ko dito.

Masyado na akong maraming inaalala sa walang hanggang-buhay na meron ako, at pinaka-ayaw ko sa lahat ay ang napakaraming tanong saken ng demonyong si Sebastian. Akala mo kung sinong hindi nananakit ng tao. Mula nang araw na ipatapon kami ni tanda—este ama— dito sa Infernos, halos araw-araw akong may nababalitaang sinasapian niya sa mundo ng mga mortal.

Teka, sino nga ba yung reynang sinapian niya noon? Diana? Anne?
Di ko na maalala, basta, ayun nabaliw at naligo sa dugo ng daan-daang mga babae, akala niya niya mabubuhay siya ng matagal sa ginawa niya, pero narito siya ngayon, isang kaluluwang pagala-gala somewhere sa Avaritus Plaza.

"Gusto ko lang ipaalala sayo na dapat makuha mo muna sa mortal na yun ang kailangan mo bago mo siya patayin, baka masyado kang mawali sa pagpapahirap sa kaniya." Aniya, batid ko ang diin sa tono niya nang banggitin nito ang kailangan ko sa mortal na babaeng yun, saka ito nagpalit-anyo bilang nakakairitang maitim na usok.

May point siya, dapat makuha ko muna ang pakay ko dun sa babae bago ko siya tuluyang alisan ng hininga. Kung bakit ba naman kase sa dinami-rami ng pwedeng makakuha ng pakpak ko, siya pa! Kung hindi ko pa siya naabutan dun sa bangin na yun, paniguradong hindi ko na makukuha ang pakpak ko sa kaniya.

Hanggang ngayon ay naguguluhan parin ako kung bakit siya, sa dinami-rami ng mga babae sa mundo na madaling paikutin, bakit sa babaeng gusto nang magpakamatay?

Hindi ko alam anong dahil ng butihin naming ama sa ginagawa niyang 'to. Matapos ang unang labanan at panimulang pag-a-aklas ng mga anghel sa Ethearium na tinatawag na langit ng mga nilalang na may 'existence issue' na tinatawag ding 'mortal'. Lahat ng mga anghel na kasama ko sa labanan ay pinatapon dito sa napakaboring na lugar, ang Infernum o mas kilala bilang Infernos.

Bukod sa mausok, low maintenance din sa aircon na palaging nasisira pagsapit ng dapit-hapon, overheating.
Nakakairita din ang nakakabiglang sigaw ng mga kaluluwa, usually sila yung mga bagong dating na hindi pa tanggap na dito sila bumagsak. Well, sanayan lang ang kailangan.

So, gaya ng sabi ko, matapos kami itapon dito, naawa pa samen si tanda—I mean, si Ama— ginawa niya kaming tagabantay.
Tsk! Ayaw niya lang talagang ipamukha samen na ibinibigay na niya ang hiling namin, sariling kaharian, yun nga lang, sa sarili niyang paraan.

Ganun si tanda—I mean si Ama— napaka-bait, sa puntong nakakairita na para saken. Mabait siya sa lahat, lahat ng nagkakasala sa kaniya pinapatawad niya, at kahit pa sabihin niyang wala siyang pinapaburan sameng mga anghel niya— ex-angels— alam kong pinaburan niya ang mga mortal na yun. At syempre, alam kong gustong-gusto din ni ama ang mga Cherubim niya!
Tsk! Mga mukhang matanda naman na na-trap sa katawan ng sanggol.
Isipin ko pa lang mga mukha nila, umiikot na ang sikmura ko.

He's Evil (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon