Chapter 32

11 1 0
                                    

Eve's POV

NAGISANG ako sa init ng sikat ng araw na direktang tumatama sa mukha ko.

Gaya nung unang araw ay natagpuan ko ang sarili ko na nakahiga sa malambot na kama, hindi ko sigurado kung yun parin ba ang kwartong tinutulugan ko o iba na. I really can't tell since parehas lang ang pagkaka-ayos ng mga gamit sa lahat ng kwarto.

Nang subukan kong i-upo ang sarili ko ay agad na nag-dilim ang paligid ko. Nang kapain ko ang noo ko ay hindi ako nag-kamali na may sinat parin ako. Sigurado akong ang pagkakasakit ko ay dahil sa mga nangyare...hindi ko parin makalimutan ang nakakatakot na araw na yun, pakiramdam ko nga maski sa panaginip ay nakikita ko ang panget na mukha ng demonyong Levi yun.

Dapat na akong umalis dito...

"Buti naman at gising ka na," kahit na hindi magdilat ng paningin ay alam ko kung sino ang nagmamay-ari ng pamilyar na boses na yun.
Nakatayo sa may pinto ang nakangiting si Levi, ni hindi ko man lang napansin o narinig ang pagbukas niya ng pinto.

Ano na naman kaya ang drama niya ngayon at naka-display na naman ang nakakatakot niyang ngiti?
Nung nakaraan lang tinatanong niya ang pangalan ko, tapos ngayon pumunta siya dito para ano?

"Handa na ang breakfast, ipadadala ko na lang kay Gary ang pagkain mo dito." Sabi pa nito sabay ngiti, saka sinara ang pinto. Ni hindi man lang niya tinanong kung gusto ko pa bang kumain ng pagkain galing sa gaya niya.

Grabe, nangingilabot na talaga ako sa inaakto niya. Isa siyang demonyong may mood swings.

Hindi ko na inantay pa si Gary, hindi rin naman ako nakakaramdam ng gutom. Andito parin ang sakit sa likod at tagiliran ko, maski sa tuwing lilingon ako ay kumikirot din ang leeg ko. Bwiset! pano kaya ako makakalabas sa ganitong sitwasyon?

Nang makatayo ay pansin ko na hindi ko na naman damit ang suot ko. Malaking itim na shirt at pants na sobrang komportable sa balat ang suot ko ngayon, amoy bagong laba din yun.

Matapos isuot ang nag-iisang sapatos na nadala ko ay lumabas na ako ng kwarto dala-dala ang maleta ko. Kahit pa unti-unti nang bumibigat ang pakiramdam ko ay nagpatuloy parin ako patungong labas ng bahay.

Mainit ngunit presko ang hangin sa labas, habang pinagmamasdan ang malawak na hardin ay tanging panghihinayang na lang ang nararamdaman ko, na dati ay pagkamangha.
Maganda pa naman ang lugar pero isang masamang nilalang pala ang nakatira dito.

Matapos ang saglit na pahinga ay dumiretso na ako sa may gate. Imposibleng maakyat ko yun sa nanghihina kong katawan, pero hindi ako dapat malugmok, alam kong may darating din na tulong. Hindi naman ako ganon kasama para hayaan ako ni Lord sa ganitong lugar.

Pero... pa'no kung di abot ni lord ang lugar na 'to? Kaya walang tumutulong saken? At pano kung...wala na pala ako sa earth?
P-Pano kung nasa impyerno na kami?

"Hahaha imposible, buhay pa ako." Kumbinsi ko pa sa sarili ko. Saka kung nasa impyerno na ako, imposibleng umulan dun diba?
Pero sa ngayon dapat na talaga akong maka-alis ng lugar na 'to bago pa ako tuluyang mabaliw.

Muli ko pang tinitigan ang kabuuan ng gate, kung sana lang nakakabukas ng pinto ang pagtitig.
Sinubukan ko pang tignan kung mabubuksan ko ba ang gate mula sa labas gamit ang pin o anomang manipis na bagay, pero doon ko rin lang na-realize na...walang anomang handle para buksan ang gate.

(?・・)

"Kailan ka ba titigil?"
"Anak ng pu—" Halos mapatalon ako sa gulat sa biglang pagsulpot ni Levi sa likod ko, as in sa likod ko na pagka-lingon ko sa kaniya ay halos mahalikan ko na ang dibdib niya!

He's Evil (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora