Chapter 13

10 1 0
                                    

Everly's POV

HINDI ko na nakita pa buong araw si Levi, hindi sa hinanap ko siya nakakapagtaka lang kase talaga kung pa'nong nauna siya sa'ken umakyat ng hagdan pero wala siya sa classroom.

Kakapasok niya pa lang nagka-cutting na agad.

Hindi sa pagiging judgemental pero nababasa ko sa buong pagmumukha niya na sanay siyang gumawa ng masama, nakumpirma ko yun nang pumasok yung kumag na yun sa cr kanina.
Pervert! Kung hindi ko pa napansin ang oras tinuhod ko na yung pagitan ng binti niya!

"Lalim ng sinisisid mo ah?" Dinig kong sabi ni Pia sa tabi ko. Nakasakay na kami sa bus ngayon pero mauuna akong bumaba dahil sa bahay namin ako mismo uuwi. Natagalan din kami sa pagsakay dahil inantay pa namin si Azrai, na dumating nga pero pinauna naman na kami, may pupuntahan daw siya bigla.

"May naalala lang ako." Pagdadahilan ko pa, pero hindi ko napigilan ang curiosity ko na tanungin si Pia.
" W-Wala ka bang napansin na weird dun kay L-Levi?"
"Si Levi? Wala naman. Bakit? Oy... don't tell me attracted ka dun? Sabagay, iba din ang kagwapuhan niya."  Sagot sa'ken ni Pia na talaga namang nang-asar pa.

Tsk! Pogi? Mayabang at pervert kamo.

"Pano mo nasabing gwapo yun aber?"
"Uh... A-Ano..." tumingala pa talaga ito sa bubong ng bus na para bang makikita niya dun ang mukha ni Levi.

"Makapal yung eyebrows niya, maganda yung shape ng jaw niya, tapos yung lips niya...mapula." pansin ko ang pamumula sa mga pisngi ni Pia, gaya kapag kasama namin si Azrai.

Don't tell me...

"Tsk, don't tell me crush mo siya?" May halo ng panunukso ko pang tanong dito.
Gusto ko sanang sabihin na akala ko si Azrai ang crush niya pero ayokong ma-pressure siya kapag sinabi ko na may nahahalata na ako.
Though kidding and hate asides, may itsura naman yung mokong panget nga lang ugali.

"A-Ako?" Nanlalaki pa ang matang turo nito sa sarili niya.
"No way! Hindi ganon ang tipo ko no! Staka...mukha siyang bad boy, hindi tulad ni—" may kutob ako na sasabihan niyang hindi tulad ni Azrai.

"Ah, hindi tulad nino?" Nangigisi kong tukso sa kaniya na mas nagpa-pula pa sa pisngi nito.

Tingin ko nung dini-describe niya si Levi naalala niya si Azrai, parehas din kase ang built nila ng katawan. But in terms of face, tingin ko mas prominent ang shape ng jaw ni Levi, mas makapal nga lang ang eyebrows ni Azrai, mas soft din ang mata niya kesa kay Levi. Yung mga mata kase ni Levi ay may pagka... Fierce? Samantalang yung kay Azrai naman ay... parang bagot na bagot sa mundo?

Nang mapansin ko ang bus stop malapit sa'men ay agad ko nang pinara ang bus driver saka iniwan si Pia na namumula parin ang pisngi.

"Kita na lang tayo sa school!" Sigaw ko pa sa kaniya bago ako bumaba ng bus.

Mabigat parin ang loob kong umuwi sa bahay, alam ko kaseng anytime ay pwede kaming mag-away ni mama, para kase siyang nuclear bomb na anytime ay sasabog kahit na wala akong gawin. At sa totoo lang, nakaka-drain yun.

Nakahinga ako nang maluwag nang makita na wala si mama sa bahay, hindi sa ayaw ko siyang makita o hindi ako nag-aalala sa kaniya, minsan kase mas okay na hindi kami mag-kita para hindi na din kami mag-away pa, kaya nga minsan nakikitulog na lang ako sa bahay ng iba para umiwas. 

Minsan naman  iniisip ko na lang na masyado siyang nasaktan sa ginawang pag-iwan ni papa sa'men.

Matapos ilapag ang bag sa kwarto ko ay sinimulan kong linisin ang bahay, ang mga hugisin, at ang tambak na labahan na talagang mas nagpasakit pa sa katawan ko.
Matapos linisin ang bahay ay chineck ko ang kwarto ko, minsan kase nakita ko si mama na may hinahanap sa kwarto, hanggang ngayon hindi ko alam kung ano yun pero may kutob ako na may kaugnayan kay papa yun. Naisip ko din na pera kaso imposible dahil nasa lamesa lang palagi ang wallet ko. Hayss.

He's Evil (Completed)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin