Chapter 27

8 1 0
                                    

Eve's POV

KANINA ko pa iniisip ko paano ko maitatawid ang maleta ko sa kabilang bahagi ng napakataas na bakal na gate.

After all, hindi ko alam kung ano ang nasa kabila ng gate na 'to, baka mamaya dagat o bangin tapos ihahagis ko pa yung maleta ko? No way. Pero kahit saang parte ng gate at pader ay wala man lang butas na pwedeng silipan! Kaya wala na akong naisip pang paraan kundi ang subukang akyatin ang pader!

Magaspang ang semento nung pader, samantalang may mga parte naman ang gate na pwede kong kapitan at tapakan.
Hindi naging madali ang pag-akyat ko, bukod sa madilim na ay nagpapawis na din ang kamay ko kaya nakatatlong bagsak na ang katawan ko sa damuhan nang dumating si Gary para sabihan ako na hapunan na.

"Kailangan kong makalabas dito Gary, kung hindi...baka mapatay ko yang amo mo." Sabi ko pa sa kaniya habang muling sinusubukang umakyat.

"Pero kailangan mo ng pahintulot ng Princep para makalabas, kung hindi...magagalit siya." Ani Gary.

Magalit siya kung gusto niya, tutal lagi naman siyang mukhang galit. Sabi ko pa kay Gary sa isip ko.

Ilang beses pa akong pinilit ni Gary na bumaba at kakain na daw, pero patuloy akong nagmatigas sa pag-akyat sa pader, kahit pa pakiramdam ko ay nasusugatan na ang balat ko sa kamay at paa dahil sa gaspang ng semento.

"Kung ako sayo, bababa na ako diyan." Maya-maya pa ay sabi ng isa pang boses mula sa likuran ko. Asar!

Nang subukan kong lingunin ang direksyon ng boses na yun ay tuluyan nang dumulas ang isang kamay ko, dahilan para muli na naman akong bumagsak...pero, imbes na damo ay mainit na mga braso ang sumalo sa'ken.

Nginitian ako nito at agad na dahan-dahang ibinaba.

"Protektado ng masungit na may-ari ang lugar na 'to, para makalabas ka... kailangan mo ng susi o kaya ay permiso niya." Aniya, saka muling ngumiti sa'ken na siyang nagpawala ng medyo singkit nitong mga mata.

Dahil sa pagod at ilang pagbagsak ay nanginginig na ang mga tuhod ko. Nang alukin ako ng tulong nung lalake ay agad akong tumanggi dahil kaya ko pa naman kahit papano. Hindi siya yung tipo na mapilit kaya siya na lang ang pinag-hila ko ng maleta ko.

"Ako pala si Sebastian," pakilala nito. In fairness, maganda at mukhang pinag-isipan ang pangalan niya. Hindi tulad nung isa na bukod sa tunog palang ng pangalan masama na, pati rin yung asal ang sama.

"I'm Everly, pero tawagin mo na lang akong Eve." Pakilala ko naman.
Habang naglalakad kami pabalik sa bahay ay hindi ko na napigilan ang sarili ko na mag-usisa.

"N-Nagugutom din ba ang mga g-gaya niyo?" Bahagya pang tumawa si Sebastian, hindi ko alam kung bakit.

"Gaya niyo din naman kami, kumakain, naliligo, tumatawa, umiiyak, humihinga...pero hindi necessarily kailangan namin ang mga yun. Kumakain kami kahit hindi kami nakakaramdam ng gutom, naliligo kami kahit hindi kami gaya niyo na naglalabas ng bodily fluids at...may amoy." Nang sabihin niya yung huling salita ay hindi ko naiwasang pasimpleng amoyin ang sarili ko. Dalawang araw na din palang hindi ako...naliligo.

"S-So...a-ano kayo?"
Kung titignang mabuti, para rin lang silang normal na tao, siguro sa mata ng ibang tao. Pero sa'ken....alam at ramdam ko na kakaiba sila, siguro dahil ilang kakaibang bagay na ang nakita kong ginawa nila na hindi naman normal?

"Kapag sinabi ko, hindi ka maniniwala. Baka din...tumakbo at matakot ka." Ani Sebastian, saka ito muling ngumiti. Gaya ni Gary, gusto ko ang ngiti niya, hindi gaya nung isang mokong na halata na ngang pilit ay nakakatakot pa.

"A-Alien?" Hula ko. Tumawa ito saka umiling.
Okay, ekis na yung Alien. So hindi sila extraterrestrial.

"Vampires?...R-Robots?"
"Hmm, may koneksyon kami sa una." Aniya.
Vampires? Ancestors ba sila ng mga bampira? What? Meron bang ganon?

He's Evil (Completed)Where stories live. Discover now