Chapter 29

10 1 0
                                    

Levi's POV

FAEX! (Shit!)

Namimilog ang mga mata at habol ang hininga akong nakatayo sa hagdanan patungong donjon. Kung pa'nong napunta ako doon ay hindi ko alam.

Pansin ko pa ang punit ko nang damit at mga gasgas sa braso ko.
Ano ba'ng nangyare?

Ang huli kong natatandaan ay tinatanong ko ang mortal na si Eve kung pa'nong nasa kaniya yung laurel charm ni Hemesis, that bastard.
At kung hindi ako nagkakamali, ang sagot niya sa'ken ay nanggaling yun sa papa niya. Pagkatapos ay...hindi ko na matandaan ang sumunod na nangyare.

Nang pagmasdan ko ang kabuuan ng donjon ay may kalat-kalat na ang mga librong limited edition sa sahig. Wasak ang nag-iisang lamesa at upuan, at may malaking butas din sa dingding. Hindi ko rin nakikita si Sebastian.

Natuon naman ang atensyon ko sa mortal na si Eve. May kung ano iyong hinahanap sa sahig habang yakap-yakap yung kahon sa braso niya, na para bang ayaw niyang mahawakan pa yun ng iba.

Maya-maya pa ay napatigil ito habang may inaabot sahig. Yung charm. Nangingitim na yun dahil sa lason ng tubig styx na nakabalot sa mga petals na nilagay niya dun sa box.

Mabuti na lang at nakita ko kung sino ang nagmamay-ari sa bracelet na yun bago pa yun tuluyang maging abo, na gaya nga ng nangyayare ngayon.
Nakatulala lang si Eve habang nakatingin sa mga palad niya na puno ng itim na abo.

Tingin ko, masyado nang matagal ang pamamalagi ng charm na yun sa loob ng box kaya unti-unting nanghina ang kapangyarihang nakabalot doon, mas humina pa yun dahil hindi iyon suot ng tunay nitong may-ari. Kaya siguro madali iyong napasok ng lason. 

Pero may isa pa akong teyorya ngayon. Ang mga bagay na natutunaw ng lason ng styx ay tanging mga bagay na may koneksyon lamang sa mga mortal, yung malapit sa puso nila at naglalaman ng maraming ala-ala.
Kaya ang teyorya ko.... binigay ni Hemesis ang charm na yun kay Eve kaya itinuring na siya nun bilang may-ari.

Pero...ang sabi niya tatay niya ang may bigay sa kaniya nun! Kaya pa'no? Pa'nong naging tatay niya si Hemesis?!

Naudlot ang pag-iisip ko nang may marinig akong mga hikbi sa kwarto.
Nang tignan kung sa'n nanggagaling yun ay nakita ko ang mortal na si Eve na animo'y yakap-yakap ang mga naka-kuyom niyang kamay habang...umiiyak.

Ang drama niya. Bracelet lang naman nun. Kung gusto niya gagawan ko pa siya ng isang-libo nun. Tsk!

"Hoy!" Tawag atensyon ko dito.
Nang mag-angat ito ng tingin sa'ken ay para bang gusto na niya akong patayin. Diba dapat ako ang gumagawa nun? Anong karapatan niyang samaan ako ng tingin?

"Asan si Sebastian?" Tanong ko pa dito. Pero imbes na sagutin ay mabilis nitong dinampot ang basag na salamin sa sahig at walang pagdadalawang-isip na itinututok iyon sa'ken.

" Lumayo ka sa'king demonyo ka!" Aniya habang hirap na hirap pang tumatayo.

"Sa oras na lumapit pa kayo sa'ken sisiguraduhin kong susunugin ko ang kahon na 'to at ibabalik ko kayo sa impyerno!" Kitang-kita ko ang determinasyon sa mga mata niya, kung pa'nong nagkaroon siya ng lakas ng loob na pagbantaan ako ngayon....hindi ko alam kung saan nanggaling.

"Gary!" Tawag ko sa nag-iisang taga-silbing pinagkakatiwalaan ko.
"Dalhin mo siya sa kwarto niya." Agad kong utos kay Gary pagdating nito. Pero hindi pa man siya nakakalapit sa babae ay itinuon na nito yung talim ng salamin sa kaniya.

"Huwag kang lalapit! Mga kampon kayo ng kasamaan!...D-Dapat sa inyo nasa impyerno!"

Magsasalita na sana ako nang mahagip ng may mahagip ang mata ko sa mga damo sa ibaba.
Anong ginagawa ni Sebastian dun?

He's Evil (Completed)Where stories live. Discover now