"Oh, ano mayroon, Agatha? Ayaw mo pang tumayo riyan?" Tanong ni Naomi sa akin at umiling lang ako at tumayo na rin.

"Aha! Alam ko na, hindi maka-get over sa movie. Ang iniisip ay silang dalawa ni Damon 'yong lovers doon." Sabi naman ni Elisse and I was amazed kung paano niya nahulaan!

Namumula man ako, ramdam ko, pero umiling ako. "Hindi ah." Sagot ko sa kanila at nagsimula nang maglakad palabas ng cinema.

Nakarating kami sa KFC, si Naomi at Elisse ang nag-order ng kanya-kanya naming makakain. Pero dahil galante raw ako, nag-treat ako ng tig-isang sundae for all of us! Tuwang-tuwa naman sila, hindi naman na siguro nila aasarin ngayon?

"Ang sweet talaga ng Daddy mo sa'yo, 'no?" Biglang tanong ni Dahlia sa akin na siyang kasama ko ngayon dito sa dining table.

Nagtataka man ako sa topic na binuksan niya. Mukhang nakita na naman nila ako kanina nang sunduin nipa ako na sobrang sweet kay Daddy, at ganoon din si Daddy sa akin. I'm a Daddy's girl kaya!

Tumango ako. "Of course! I'm the bunso, 'no." Natawa ako.

"Eh, bakit ako, bunso, kaso hindi naman ganoon ka-sweet si Daddy sa akin. Like 'yong hahalikan ako sa forehead bago umalis, magkukwentuhan, at bibigyan ng pera kung gusto ko."

Natawa ako sa huli niyang sinabi. Now, ewan ko kung seryoso ba siya sa sinasabi niya ngayon o hindi. Pero sa sinabi niya, yes, my Daddy's so sweet and caring! Bukod sa babae ako, bunso ako kaya ganoon. He cooks for me, madalas niya akong tanungin kung how's my day, how's my studies. And kahit ngayong college na ako, madalas pa rin niya akong hinahatid-sundo, at inilalabas para kumain kami roon sa ice cream house na favorite ko!

At pagdating naman sa mga gusto kong gawin o puntahan, hindi naman siya ganoon kahigpit. Madalas niya akong pinagbibigyan. Spoiled? Parang oo, dahil lahat ng gusto ko na isang pamimilit ko lang kay Daddy at umo-oo na siya! Unlike sa tatlong Kuya ko na mas strict pa kaysa kay Daddy. Hmp.

Sasabihin ko sana ngayong ganoon naman talaga kung bunso. But based sa pagmamaktol ni Dahlia ngayon, parang hindi lahat ng Daddy ay ganoon sa Daddy ko. Maybe ganoon naman talaga, hindi lahat ng Daddy ay pare-pareho. They are different from each other the way they are. And I believe, may something sa Daddy ni Dahlia na minamahal niya pero hindi niya lang pinapansin.

"Dahlia, are you upset?" Tanong ko sa kanya at umiling siya.

"Hindi naman. Naisip ko lang 'yon. Hindi sweet si Daddy, at madalas naman akong pagalitan kung nata-topic ni Mommy si Q habang kumakain kami!" Pagtukoy niya kay Q na boyfriend niya at natawa ako.

Sa aming apat, kaming dalawa lang ni Naomi ang wala pang boyfriend. Si Dahlia at Elisse, mayroon, at parehong ligal sa parents nila. Taga-sana all lang kaming dalawa ni Naomi.

"I bet, ayan 'yong isang bagay na kinaiinisan mo na hahanap-hanapin mo naman kung hindi gagawin ng Daddy mo. Ayang pagsisita sa iyo tungkol sa inyo ni Q." Sinabi ko sa kanya at natawa na rin siya.

Nakabalik na sina Naomi at Elisse dito dala-dala ang pagkain namin. May nakasunod na crew sa kanila dahil hindi kasya sa dalawang tray ang orders namin. Nagsimula na kaming kumain at habang kumakain kami, nagkukwentuhan kami tungkol sa research na ginagawa namin.

Second year college na kami, and all of us are taking up Tourism Management. Future flight attendants kaming apat, inspired and determined. Noong bata pa man ako, ayun na ang dream to. To become a flight attendant, and to travel around the world!

"Grabe, ang hirap nung pinapagawa ni Ms. Lenny. Memorized na ba ninyo 'yong slogan ng buong countries sa Europe?" Tanong ni Naomi at humindi ang dalawa.

Maybe It's Not OursOù les histoires vivent. Découvrez maintenant