Chapter 22: Zacharias del Rosario

387 51 31
                                    

Zach's Pov

"V, open the door." I banged the window trying to get her attention para mabuksan ako pero parang wala lang itong narinig habang habol nito ang hininga nya. 

"F*ck V, ano ba nangyayari sayo. Please buksan mo to." pagmamakaawa ko uli pero wala pa rin.

Something is wrong,

No, I can't. Ayoko mawala ang babae na to.

Sa unang pagkakilala ko pa lang sa kanya alam ko na kakaiba sya sa lahat. I knew all along the moment I saw those yellowish eyes of her that she wasn't human, yet instead of getting scared. I was more reminded of the time I met one. Isang changer na hindi umaatake ng tao pero pumapatay ng katulad nito. 

* * *  F L A S H B A C K  * * *

(A week after the meteor shower)

"Zach wait. Kailangan ba talaga na lumabas pa tayo sa school? Ligtas tayo dun maghintay nalang tayo ng rescue. May mga military na tutulong satin kaya bumalik na lang tayo." pangkukumbinsi ng lalaki kong kaibigan pero sa halip na sagutin ito nagpatuloy lang ako sa paglalakad palabas ng school premises. 

Aalis ako sa school namin kasi ayoko manatili pa sa lugar kung saan alam kung maraming mga zombies. Mahirap man paniwalaan pero usually sa movies ang school ang unang maover run ng mga cannibal na yun. Kung mananatili pa ako dun sigurado ako mga ilang araw lang zombie na lahat ang mga tao dun pati na ako. I'd rather risk myself outside to look for a safe place for me to stay than stay there and wait for help when clearly no one will come. Parang buffet lang ang mga tao dun na nagaaya sa mga gutom na zombie. Sinabihan ko naman silang lahat pero hindi sila naniniwala dahil daw nasa movies lang ang mga ganun. 

Mga bobo, nakikita na nga ng mata nila ayaw pa maniwala sa realidad. Ayoko maging pareho sa mga nasa movies na unang mamatay yung mga taong hindi marunong maniwala sa nakikita nila at deny lang ng deny. 

Gusto ko pa mabuhay kaya bahala sila. 

"Zach dude, bumalik nalang kasi tayo." pagkukulit ng kaibigan ko kaya hinarap ko na to at pinandilatan ng mata. 

"Tol, kung gusto mo mamatay ng maaga bumalik ka."

"Gago ka pala eh ikaw nga tong mas gustong mamatay ng maaga, lalabas ka sa ligtas na lugar tas gagala tayo dito sa daan na mas delikado."

I groaned. "Look, do you really think we have enough people in military to save us? Akala mo ba hindi din sila naapektuhan sa nangyayari ngayon? Mag-isip ka naman dude, maliligtas ba tayo ng mga sundalo agad-agad? Makakaya mo ba manatili sa school na maliit lang ang food supply sa canteen, madaming tao. Plus yung mga zombie na yun." mahabang pagpapaliwanag ko. 

My friend Ron shot me a doubtful gaze pero napabuntong hininga nalang ito dahil alam nyang di na mababago ang isip ko sa gagawin. 

"Look dude, kung gusto mo bumalik okay lang sakin, di naman kita pinipigilan." dagdag ko.

"I'm sorry Zach, babalik ako sa school." he declared, I nod in agreement. 

"Be careful Ron and stay alive man." I bid my goodbyes.

"You too dude." nagfist bump kami at nagsimula din sya maglakad patungo sa school at ako sa opposite direction. 

Di pa naman kami masyado nakakalayo sa school ground at wala pa akong nakikita na zombie so maingat at may pagmamadali akong naglakad sa school gate, ng makarating ako gate namin nagtago ako sa pader at sinilip ang labas. Doon nakita ko ang daan na maraming mga sasakyan ang nakaparking sa ibat-ibang sulok ng daan. May nakita naman ako sa isang gilid na dalawang tao na nasa sahig, yung isa nakatihaya habang ang isa ay nakayuko sa katawan nung nakahiga. Para ba itong kumakain dahil sa malulutong na tinig ng pagnguya. 

WORLD Z: The Monster WithinWhere stories live. Discover now