Chapter 1: Back in Time

915 87 78
                                    

Alina's POV

Inikot ko sa buong paligid ang paningin at hindi pa rin makapagsalita.

Asan ba ako?

Diba namatay nako?

Is this heaven?

Or is this hell?

Nakakalito naman, pero naaalala ko tong kwartong to.

Bakit ako nandito?

May nagdala ba sa akin dito kaya ako nandito?

May tumitira ba dito? It looks clean.

No, that's not right. And ganda pa tignan ng room nato at parang hindi nadaanan ng apocalypse. The design and arrangement of the room reminds me of the exact room I used when I was still in school.

What the hell happened.

Napahawak ako sa ulo dahil sa kirot. It felt like hundred needles poked my brain.  Nalilito pa rin ako at hindi nakakatulong sa pagkalito ko itong sakit ng ulo ko.

It feels like pinipiga nito ang utak ko at maraming mga senaryo ang pumapasok sa isip ko. Para lang itong palabas na nagfaflash sa utak ko.

Teka...

Panaginip lang ba ang lahat ng yun?

Isang napakamahabang panaginip...

No more like isang bangungot.

Kung ganun, hindi ko yun naranasan?

Impossible, it felt too realistic for it to be a dream. Then what?

Did I go back in time? 

No that sounds childish. 

Pero paano kung totoo nga yun? At ako yung bumalik sa nakaraan? O kaya nakita ko yung future. Pano kung mangyayari nga yun?

Ugh! Saglit ang sakit na nito sa ulo. Ano ba ang nagyayari? Takte naman oh, kung ano-anong kababalaghan nangyayari sakin. Ano to Hollywood movie?Blockbuster lang? Bw*set!

Napatayo ako dahil sa inis at plano ko na sanang lumabas para magpahangin at kahit kunti kumalma man lang pero nabungo ako sa isang babaeng hanggang shoulder ko lang ang height. Tinignan ko ito at nagflashback sakin ang mukha ng babaeng duguan na nakangiti sakin. No!

It can't be...

She's supposed to be dead.

"M-Myla?" nanghihina man ang boses, tinawag ko ang pangalan nya. Nagbabasakaling hindi lang ako naghahallucinate at totoong nasa harapan ko nga sya. 

Tumingin ito sakin na nakasimangot at nakapamewang pa bago magsalita.

"V? Bat andito ka pa? Akala ko nasa canteen ka na. Malapit na mag 8 ah. Pinaggagawa kasi nito kagabi, kung ano-ano palagi ka nalang nalalate, may events pa naman tayo nga---" hindi na natapos ni Myla ang pangsesermon sakin ng dinambahan ko sya ng yakap.

Mainit ang katawan nya.

Humihinga...

At nayayakap ko.

Hindi to panaginip.

Hindi ako nagiilusyon.

Tears started to fall from my eyes as I embraced her tightly in my arms. The image of her bloody face smiling at me is still repeating inside my head. Pero andito sya, buhay. 

WORLD Z: The Monster WithinWhere stories live. Discover now