Chapter 9: Mutants

490 65 57
                                    

Alina's Pov


The atmosphere inside the car is tense and everyone is in dead silence.


Walang may alam kong ano ang sasabihin kaya walang umiimik samin. Dahil sa nangyari kanina di ko magawang tignan si Myla. Alam kong mali yung ginawa ko pero kahit man na lumabas kami nun at tinulungan yung babae, huli na kasi nakagat na sya. Wala na kaming magagawa at baka kami pa ang madamay. I just hope Myla would someday understand the intention behind my actions.


Nasa kabilang parte na kami ngayon ng syudad at tinatahak namin ang pinakahuling daang pwede namin gamitin para makalabas. Kung isa rin to sa daang di pwede madaanan edi wala na kaming choice kundi maglakad palabas ng syudad. Tulad ng ginawa namin noon.


Ilang minuto lang ang lumipas narating namin ang lugar kung saan sa harap namin ay ang napakaraming mga kotse na nakaharang sa daan na tila ba ginagawa nilang barricade ang sasakyan nila.


May mga kotseng nakapatong sa isa pang sasakyan, sinyales na nagkabunguan ito kani-kanina lang. May mga tao rin akong naaaninag sa loob ng ibang mga kotse. Siguro dahil sa aksidente kanina at dahil na rin sa event ngayon maraming tao ang pagala-gala sa syudad na nagdulot ng traffic.


Tsk. I know this won't be easy but isn't this level much harder than before? Kung sa laro pa lang to siguro nasa Expert Level nako. Di pwedeng sa Beginners Level lang po? Hays.


"Fuck this~." naibulong ko nalang sabay napasuntok sa manibela at napasandal dito, pinikit ko ang mga mata dahil sumasakit na naman uli ang ulo ko. Wala nako magagawa, ito na lang yung nagiisa kung pag-asa tapos ganito pa?


Hindi ko na alam kung ano pa bang magiging reaksyon ko ngayon?


Magugulat? Magagalit o matatawa nalang?


It's like the same as before, yung mga nangyayari noon ganun parin ngayon. Is it impossible to escape the events na nangyari sa nakita ko? Or ito na ba yung palatandaan na huwag suwayin ang nakatadhana na?


"What should we do V?" napukaw ang atensyon ko ng magsalita si Ethan sa likod. Minulat ko muli ang mata at napatingin sa katabi ko na ngayon ay hindi pa rin umiimik at nakatingin lang sakin na may pagaaalala sa mata.


Looking at that worried face that seems to be unmoved of what is happening outside made me calm down. That's right, even if all of our plans didn't work out at all, as long as I got Faith out of her school at kasama ko na sya ngayon okay na siguro sakin yun.


"We'll walk from here." sagot ko sa tanong ni Ethan.


"The supplies?" tanong naman ni Lucas na nagpakunot ng noo ko. Ugh.


I didn't think of that. Pano ba yan, kung alam ko lang ganito ang mangyayari siguro hindi ko na sila pinabili ng supplies tsaka di na rin ako bumili ng armas at dumiretso nalang kami palabas ng city. I didn't think ahead of that. I was really preoocuppied of how to protect them better and miss out the bigger picture.

WORLD Z: The Monster WithinWhere stories live. Discover now