Chapter 7: The Beginning

501 75 58
                                    

Lucas' Pov


[salamat naman at di ako kinalimutan ni author] 


"AAHHH SHIT, NAKALIMUTAN KO. TAKTE!" 


HUH? Napaiktad naman kaming lahat sa gulat ng sumigaw si V sa harapan. Muntik nya pang ibreak ang van pero buti nalang at nacontrol nya ang takbo. 


"Anong nangyari? Andito na ba tayo?" tiningnan ko naman ng masama ang babaeng kakabangon lang galing sa balikat ko. Ginawa pa kong unan ng amazonang to.


"YUNG BAG NG MGA DAMIT KO NASA SASAKYAN NA ISA. NOOOOOO~ my favorite clothes. Ah I wanna die." pinupokpok ni V ang busina habang kami naman ay shock sa reaction nya ngayon.


Oo nga pala nakalimutan ko na mahilig si V ng mga army pants at mukhang kinalimutan nya yung bag ng mga favorite pants nya sa sirang sasakyan. Dala-dala nya yun kanina, kaya pala di ko nakita sa loob ng van kala ko nilagay nya lang sa trunk nakalimutan pala talaga. 


"Should we go back and get it?" tanong ni Ethan sa tabi ko. Nakita kong umiling si V bago pa man pinagpatuloy ang pagdadrive. 


"No, we can't afford to turn back now. Malapit na tayo sa labas ng city tapos babalik pa tayo.? It's okay damit lang yun. OKAY LANG!" pagdidiin nito, kinukumbinsi ang sarili. 


Uhh, we're not convince V, you're still pouting though. Umiling-iling nalang ako at mahinang tumawa. 


"It's okay V, you can just buy another one." Comfort ko sa kanya na nagdulot ng pagsimangot nito.


"Mag online shopping ka nalang V." sabat naman ng amozonang babae sa tabi ko.


Hindi nalang sya umimik pa at nagpatuloy sa pagdadrive. Actually hindi pa kami nakalabas sa city dahil sa traffic at nabobored nako kaya kinuha ko muna ang phone sa bulsa at naghanap ng pwedeng mapaglibangan ng may nakita akong isang news article. 


It was about the meteor shower na darating ngayon. Wala namang special na sinabi sa news, pero may naalala kasi ako na kailangan ko sanang gawin ngayon. 


Magcoconfess pa dapat ako. 


Sa babaemg mahal ko.


Pero mukhang di ko muna magagawa yun. Sa lagay namin ngayon at sa state ni V sa susunod ko nalang siguro gagawin. 


Tsaka di ako sure na makakaya ko yung sabihin sa taong alam kong pagtatawanan at aasarin lang ako. 


Iniisip ko pa lang magkakahighblood nako. Tataas na presyon ng dugo ko.


"May meteor pala ngayon nakalimutan ko yun ah." pahayag ko. Lumingon naman sa gawi ko si Myla at kumikinang ang mga mata.


WORLD Z: The Monster WithinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon