Chapter 3: Aiyanna Faith Etzelle

542 69 35
                                    

Myla's POV

"Do you think may nangyari kayang masama kela tito? I think may problema ata si Vinz ng hindi lang nagsasabi satin ei."

Nasa mall kami ni Lucas ngayon at namimili ako ng mga de lata as instructed ni boss V. I don't wanna doubt Vinz because I know that she never do things without thinking over it. Wow english nosebleed ako dun ah.

So sa tulad ng sabi ko, mabait na bata si V sadyang may personality lang sya na di maintindihan ng iba kaya kahit man na isang weird na babae yun I trust her fully.

"Gawin nalang natin yung sinabi nya, tsaka wala naman mawawala kung susundin natin sya. Isa pa, baka pinapabili nya to satin dahil may plano syang dalhin tayo at magbakasyon. Ayoko pangunahan si Vinz Lucas lalo pa't hindi pa sya nakakabigay ng paliwanag satin." mahabang sabi ko kay Lucas na ngayon ay nilalagay na sa cart ang mga biskwit na pinili nya.

"Sa lahat ng mga pinagsasabi mo sakin yan lang ata ang matino."

"Ano? Pinagsasabi mo bang di ako matinong kausap."

"Wala ako sinabi ikaw lang."

"Abat nakakarami ka na sakin Gutierrez ah."

"Bakit papalag ka ba sakin Argueddo?"

"Papalag talaga ako. Abuse na tong ginagawa mo sakin eh."

"Anong abuse, wag ka assuming di ko papatulan katulad mo."

"HAAH, MAS LALONG AKO.!"

"Wag ka nga sumigaw nakakahiya ka na."

Pinagtitinginan na kami dito sa mall dahil sa pagbabangayan namin pero la ako paki, bwiset kasi tong lalaking to.

"Sisigaw ako kung gusto ko di moko mapipigilan."

"Edi kung halikan kaya kita jan tatahimik ka talaga."

Napaurong ang dila ko sa pagsalita dahil sa sinabi nya. Madaya, madaya kang hudas ka. Porket crush ko to umaabuso.

"Oh tumahimik ka rin, pero asa ka. Di ako humahalik ng amazona."

Naginit ang ulo ko dahil sa ginawa nya. Ngumisi ito habang tinignan ako ng nakakaloko. Putek kang gwapo ka. Naku kung di lang talaga kita mahal pinakasalan na kita. Hays.

Tumahimik nalang ako at hindi na sya pinansin. Nagpatuloy kumuha ng mga de lata at tinulak na ang cart papunta sa cashier.

Hindi din naman na sya nagsalita at sumunod nalang sa akin. Good, tumahimik rin sya. Para kasi tong babae nakalunok ng speaker. Aningay. Ah well mas maingay pa rin ako. Haha

"Ito na ba lahat?" tanong ko sa kanya while linalagay ang lahat sa counter para mabayaran na.

"Hmm, mukhang gusto ko bumili ng solar power bank tsaka flashlight. Ewan ko kung bat naisip ko to."

Wow may sense pala tong isang to. Sobrang napakamahalaga nun kung magkacamping kami.

"Bilhin mo na." nagthumbs up na ako sa kanya before sya patakbong pumunta kung san ang mga yun nakalagay.

Ilang minuto pa lumipas malapit na matapos ang cashier sa pagscan ng mga binili namin dumating si Lucas bitbit ang apat na flashlight at isang powerbank.

Wow -_- andami flashlight ah, magkano ba yan lahat. Hayaan na di naman ako ang magbabayad. Rich kid talaga. tsk.

Natapos na lahat ng bibilhin at nasa sasakyan na kami ni Lucas. Papunta na kami sa school ni Faith. Di naman sya malayo galing sa mall na pinagbilhan namin kanina kaya madali lang kami nakarating.

WORLD Z: The Monster WithinDonde viven las historias. Descúbrelo ahora