Chapter 13: Shun Base

468 62 8
                                    

Myla's Pov


Three days has passed.


Tatlong araw na ang lumipas simula ng makarating kami sa Shun City na sinasabi ni V sa amin. Tatlong araw na din hindi parin nagsasalita sila Lucas at Ethan, pati si auntie at uncle hindi parin makapaniwala sa nangyari. Si Faith naman hindi na rin umiimik simula nung nalaman nya paggising na naiwan ang ate nya sa syudad.


Kaming lahat parang mga patay na walang buhay. Ayy patay nga diba. Basta yung mga walang buhay sa mata. Namamaga na nga yung mata ko kakaiyak. Mukha na tuloy akong nasuntok dahil sa pamamaga ng mata.


Napabuntong hininga nalang ako habang tinitingnan sila uncle ngayon sa loob ng kwarto na nakaupo lang sa gilid ng kama. Gusto ko sana sya icomfort pero natatakot ako baka galit sya sa amin dahil hindi namin naprotektahan anak nila. Takot ako na baka kami iblame nila kahit wala naman silang sinasabing ganun hindi ko parin maiwasang yun ang isipin.


Umiling nalang ako para mawala na sa utak ko ang mga negative na bagay na iniisip ko ng bigla nalang tumunog ang pagbukas ng pinto. Lumingon ako dun at ang bumungad sa aking mata ay ang napakagwapong mukha ng isang sundalo.


Olala mama mia.


Ang pogi.


Teka nga, tigil sa landi Myla. Parang hindi ka nawalan ng kaibigan nyan sa kabaliwan mo.


Napasimangot uli ako sa iniisip ko, bat parang may galit ata sakin utak ko. Pati ba naman sarili kong brains inaaway na ako.


Hayyss.


Nakita ko ang gwapong sundalo na lumapit kay uncle at hinawakan ito sa balikat.


"Tanda, u-uhm can we talk?" sabi nito na may pagaalanganin sa kanyang boses. Hindi din ito makatingin kay uncle at parang awkward din ito kung ngumiti.


Obvious naman sa kinikilos nya, he's being considerate of uncle dahil sa nangyari. Tumayo naman si uncle at tahimik na sumama sa lalaki. Hindi sya lumingon sa amin at kahit magpaalam man lang na lalabas ito. Napayuko nalang ako dahil alam ko naman kung bakit ganun umasta si uncle.


"Stephen, Annie. Show them around the base." huling sabi ng lalaki bago pa sila lumabas ni uncle.


"Yes sir." salute ng dalawa bago pa tumingin sa gawi namin.


Tiningnan ko naman ang dalawang taong naiwan. Yung sundalo na lalaki sya yung nakita namin sa Anzu, at sya rin yung nagpatulog kay Ethan. Yung babae naman first time ko pa nakita. Yung Stephen kasi sya yung lagi dumadala ng pagkain namin na hindi namin kinakain, kaya kilala ko na sya.


"Shall we go?" sabi nung Stephen. Tiningnan ko ang mga kasama ko at wala ata silang plano na kumilos. Kaya hindi rin ako sigurado ano sasabihin.


"STAND UP WEAKLINGS. DITO SA BASE HINDI PWEDE ANG MGA WALANG KWENTANG TAO! IF YOU WANT TO SURVIVE ON YOUR OWN FROM HERE ON OUT THEN MOVE YOUR ASS!" nagulat naman ako pati na rin sila Lucas at Ethan ng marinig namin ang boses nung babae. Ang astig nung pagkasabi nya nun, para lang kaming ginawa nyang sundalo nya.

WORLD Z: The Monster WithinWhere stories live. Discover now