Chapter 27

33 1 0
                                    

"Gusto mo magswimming?" Nag angat ako ng marinig na may nagsalita sa likod ko. It was Kyle.

"Yeah, kaso mahal ko pa ang buhay ko." Napa nguso ako.

"Want me to teach you?" Nagliwanag ang mata ko pero agad ding nalukot nang maalala kong may mga kasama pala kami. Alanga namang magswimming lessons kami sa harap nila, duh.

"Sige, magswimming lessons tayo dito?"

"May cave sa likod ng falls" he said.

"Omg, weh ba?!" Gosh, bigla akong naexcite.

"Pano tayo makakarating doon ng hindi nahuhuli, eh baka nga wala pa ko sa kalahati nilamon na ko ng tubig." Reklamo ko sa manya.

"I got this." He held my hand and we started walking papunta sa falls. Unti-unti nang lumalalim ang tinatapakan ko kaya napahigpit ako ng kapit sa kamay nya.

Nang makita nyang walang nakatingin samin ay lumubog sya sa ilalim pero sa gulat ko ay hinawakan ko ang buhok nya at inangat ang ulo nya.

"Aray!"

"Ayy sorry, ikaw kasi!"

"Bakit ba?"

"San ka pupunta?"

"Natural sa ilalim."

"Ano gagawin mo don?"

"Ugh!" Tatawagin ko pa sana sya pero lumangoy na sya pailalim at naramdaman ko nalang na nasa ilalim ko na sya.

Napasinghap nalang ako nang mapaupo ako sa likod nya at hinawakan nya ang kamay ko upang ikapit iyon sa balikat nya. Para lang akong nakasakay sa motor.

He swam towards the cave at muntik pa akong malunod nang makainom ako ng tubig na tumama sa mukha ko galing sa falls. May galit yata sakin ang tubig at nais akong patayin.

When we were finally inside the cave ay agad syang umahon dahil baka sya naman ang mamatay. Oh my gosh, ang hot! Bakit kasi topless sya?

Hindi ako makabitaw sa kanya dahil wala na akong tinatapakan. Omg, ang sarap pala magswimming. I mean sa natural water dahil nakakapag swimming naman ako sa mga 4 feet na pool.

He was just holding me the whole time. Pero ang walang hiya, binitawan ba naman ako nung tinuturuan nya ako magfloating kaya nadistract ako at sa sobrang kaba ko na baka malunod ako ay napakapit ako sa kanya ng mahigpit.

I mean, hindi lang pala kapit yung ginawa ko. The right term is umukyabit ako sa kanya, my legs on his waist. I heard him laugh kaya hinapas ko ang likod nya. Hindi nakakatuwa yon, gago!

"Pag ako talaga nalunod, isasama kita"

"As if I'll let that happen." He mumbled under his breath kaya hindi ko naintindihan.

After a while ay bumalik na din kami at ginising ang mga tulog para makabalik na kami sa bahay. And of course, hindi na ako sa labas natulog noh. I slept on the girl's room at mapayapang-

"Omg, gago niyakap ako ni Drew kanina. Kyaah!" Tili ni Janice. Okay, hindi pala mapayapa.

"Gaga ka, edi feel na feel mo yung abs ni papi Drew?" Tanong ni Mica.

"Of course, so tigas ng pandesal!"

"May nakita din ako kaninang naglalandian sa tabi tabi." Pag paparinig ni Eve at umiwas ng tingin saka ngumiti na parang aso. Biglang dinaga ang dibdib ko. Did she saw us?

Oh my gosh! I was ready to defend myself and make excuses when Mica slapped Rachelle's shoulder.

"Ikaw ha! Hindi mo sinasabing may something pala sa inyo ni Pael." Tusok ni Eve sa tagiliran nya. Nakahinga naman ako ng maluwag ng malamang sila Rachelle pala ang nakita nya.

My Husband's SecretWhere stories live. Discover now