Chapter 3

49 2 0
                                    

Pinilit ni Daddy na kay Kyle ako sumabay pag punta sa Restaurant na kakainan namin ng lunch at ang magasawang Rushford ay sa kanya sasakay.

Wala akong nagawa ng pinagsarahan nya ako ng pinto. Ang bastos ng tatay ko.

Inilagay ko ang mga natanggap kong bulaklak sa backseat ng kotse nya saka sumakay sa shotgun. Not long after ng sumakay na rin sya at binuhay ang makina.

I can hear my own breathing dahil walang nagsasalita samin at sobrang awkward at uncomfy ng atmosphere. At para sa madaldal na tulad ko, hindi ko kinaya ang katahimikan at ako ang unang bumasag non.

"Ahm, hi?" Panimula ko. Oh my gosh, kinakabahan ako. Pano ba naman kasi wala man lang kaemo-emosyon yung muka nya.

Hindi ko alam kung natutuwa ba sya o naiinis dahil di nya ko bet o ano.

"Ahm, I'm Zoey Blythe Gray. Nice to meet you" pakilala ko.

"I know" tipid nyang sagot. Sungit naman.

"Ah, ano pala course mo?" Pagiiba ko ng usapan.

"I'm working already" bored nyang sabi na hindi man lang akong pinapansin. Hindi naman sa nagpapapansin ako, tho.

"Anong work mo?"

"CEO" gulat akong napabaling sa kanya. So sya na ang nagmamanage ng company nila?

"Ano pala ang company nyo?"

"Construction Company" parang napipilitan nyang sagot.

"Ah, okay." Hindi ko na ulit sinundan ng tanong dahil mukang naiirita na sya.

After a few more minutes of unconsciously holding my breath ay nakarating na din kami sa Restaurant.

Bumaba na ako sa sarili ko dahil baka hindi nya ako pagbuksan ng pinto ay mapahiya pa ako.

Hinubad ko na yung suot kong toga kanina kaya naiwan ang soft pink dress that hugs my body perfectly with a cute white sandals with an inch and a half heels.

Pagkapasok ko palang ay kumalma na ko sa abiance ng lugar. It is like a garden and full of plants. Dahil nauna sila Dad ay hindi ko alam kung asaan sila kaya pinauna kong maglakad si Kyle.

Hinatid kami ng isang waiter sa table namin which is nasa labas pala. Ang ganda dito! Our table is in the center and I saw them there. Pinareserve ata nila itong buong labas dahil wala akong ibang makutang customer.

Pagkatapos ko silang batiin ay nauna na akong umupo. We're having a talk while waiting for the food.

"So ija, you're single naman, right?" Napaubo ako sa tanong ng ginang at awkward na ngumiti.

"Yes po" sa sobrang hiya ko ay uminom ako ng tubig para mawala yung invisible na bara sa lalamunan ko.

"I see, do you have any past relationships?" Sunod nyang tanong at muntik ko ng maibuga yung tubig dahil nasamid ako. Mabilis kong dinampot yung tissue para punasan yung bibig ko.

Pag tingin ko kay tita ay nakangiti nya lang akong pinagmamasdan. Tapos ay narinig kong nagpipigil ng tawa si Daddy kaya sinamaan ko sya ng tingin. Napansin ko rin na nasakin ang pansin nilang lahat kaya naman mas lalong naginit yung buong muka ko.

Doon ko na narinig ang hindi mapigilang pagtawa ni Daddy kaya mas mapula pa sa kamatis ngayon ang muka ko.

Hinampas ko yung hita nya saka sya pinandilatan pero hindi nya ako pinansin.

"I'm sorry" pag hingi nya ng paumanhin sa kasama namin pero mas nagulat pa ako ng matawa rin sila ng bahagya.

Juskoo! Gusto ko nalang lamunin ng lupa!

My Husband's SecretWhere stories live. Discover now