Chapter 16

31 2 0
                                    

I froze when I felt his body against my back. It's like a deja vu when we were in the private island after our wedding. Nang maalala ang ginawa nya ay agad akong humarap sa kanya para bantaan sya na wag nyang ituloy pero mukang maling desisyon ang ginawa ko dahil halos sumubsob na ako sa dibdib nya.

Trumiple ang kalabog ng dibdib ko nang nagbaba sya ng tingin sakin, lalo na nang pati mukha nya ay ibinaba nya upang makapantay ang akin.

"W-what are you doing?" Nauutal kong tanong.

"I'm not doing anything." Painosente nyang sagot.

"D-don't you dare to get that chips higher!" Pagiiba ko ng usapan para sa iba mabaling ang atensyon ko dahil pakiramdam ko ay sasabog na ang puso ko.

Isang mahabang minuto nya pa akong tinitigan bago sya ngumisi at lumayo. Pagatras nya ay nakita kong hawak nya na ang chips na inaabot ko kanina, buti naman kun'di ay matatadyakan ko talaga sya.

Sya na rin ang nagdala ng kinuha kong canned drinks sa loob and left me dumbfounded. Napakapit ako sa counter upang doon kumuha ng lakas dahil nanlalambot ang mga tuhod ko. Shocks, why is he affecting me so much? At bakit ako apektado in the first place? The hell?!

Hindi kalaunan ay sumunod na din ako sa kanya. I sat down beside him and watched him prepare the food.

"Staring is rude." Bigla nyang sabi.

"I'm not staring, as I've said before, hindi ka katitig-titig" irap ko sa kanya para pagtakpan ang kumakarera kong puso.

We watched a movie on Netflix while eating. I ate a lot at nagtataka din ako kung paano pa nagkasya yun sa tyan ko samantalang sobrang dami ko nang nakain ngayong araw, partida nagdinner pa ako kanina. Minsan hindi ko alam kung gaano kalaki ang space ng tyan ko eh.

"Hey, woman" he suddenly called me.

"Hmm?"

"Hindi ka papasok bukas sa office." Nagulat ako sa sinabi nya.

"At bakit? Walang rason para hindi ako pumasok."

"I didn't say na hindi ka papasok. Ang sabi ko hindi ka papasok sa office nyo, and that's a different thing." Pinagdiinan nya pa ang salitang office nyo.

"At san naman ako papasok? Sa bintana?" Pamimilosopo ko sa kanya na ginawaran nya ng masamang tingin kaya tinawanan ko sya.

"You'll work with me."

"What?"

"Are you deaf? Sabi ko ay magtatrabaho ka kasama ako, magtatrabaho ka sakin."

Naguluhan naman ako sa sinabi nya kaya kunot noo ko syang binalingan. "What do you mean by that?"

"You'll work as my secretary for tomorrow and maybe the days after that." Pahayag nya na ikinalaglag ng panga ko.

"What the hell?!" Nabilaukan ako sa iniinom kong beer dahil doon. Initial reaction ko na magulat pero hindi ko sinasadyang mabato sya ng throw pillow sa mukha, buti nalang nasalo nya agad.

"What was that for?" Inis nyang tanong.

"Ikaw kasi! Bakit naman ako magiging Secretary mo? 'Di pa ba sapat yung araw-araw mo akong inaalipin?"

"My Secretary took a leave for three days and you have to replace her temporarily."

"Pano naman ang trabaho ko?"

"Don't worry about that. I already informed the head of your department."

"Kahit hindi pa ako pumapayag?" Tutol ko pa.

My Husband's SecretWhere stories live. Discover now