Chapter 25

45 2 0
                                    

Play the song when you see the lyrics!
Paraluman by Adie
____

Pabalik na sana kami kaya lang biglang umulan. Hindi naman sya masyadong malakas pero malayo pa kami sa bahay kaya baka magkasakit kami. We found a small hut, pawid na bubong at may kahoy na papag.

Doon kami nagpatila ng ulan. Matutuwa na sana ako kaya lang may narinig akong tumunog sa tabi ko.

"Kookak!" Pagtingin ko dito ay napatili ako malakas.

"Oh, shit! Palakaa!" Nanigas ako sa kinauupuan ko dahil isang talon nya nalang ay mapupunta na sya sa hita ko.

Sa lahat ng hayop, palaka ang pinaka kinakatakutan ko. Actually, halos lahat naman ng insekto takot ako pero malala talaga ang trauma ko sa palaka.

Halos mangiyak-ngiyak na ko at hindi makatingin sa palakang iyon. Nakahinga lang ako ng maluwag nang damputin iyon ni Kyke at hinagis sa may damuhan. He washed his hands sa tumutulong tubig sa may bubong.

Tinabihan nya ako pinunasan ang pisngi ko. "So takot ka pala sa palaka" sabi nya tsaka tumawa. I slapped his shoulders and glared at him.

"They're so gross!"

"Kinakain kaya iyon ng iba, adobong palaka."

"Omg, eww." I acted like I was about to puke. Kadiri! What the hell? Bakit nila kinakain iyon?

Tinaas ko ang paa ko dahil baka mamaya may tumalon na palaka sa paa ko. Kyle removed my shoes so I'll be comfortable sitting in the papag. He placed our shoes on the corner dahil sabi ko baka pasukan ng palaka sa loob kung sa baba nya iiwan.

Tumagal ng halos kalahating oras ang ulan at giniginaw na ako. I froze when he came closer to me and hugged me. Since he doesn't have a jacket ay pinagkiskis nya ang palad at nilapat iyon sa tenga ko to warm my ears up.

Bakit hindi nyo nalang kuhanin palabas yung puso ko kasi kanina pa sya nagwawala! Alam kong pulang pula na ang mukha ko ngayon dahil sa sobrang lapit nya sa akin.

He also creased my bare arms para hindi iyon lamigin. Since nakashorts lang ako ay nikayap ko ang binti ko at mas lalong nagwala ang puso ko sa sumunod ginawa ni Kyle.

Hindi nya lang ako niyakap, kinulong nya ako sa kanya to give me body warm. Nasa gilid ko sya, hindi lang braso ang nakayakap sa akin kundi pati ang mahahaba nyang bias. I was caged inside him at nasa pagitan ako ng mga binti nya.

Naubusan ata ako ng dugo sa katawan at pumunta lahat iyon sa mukha ko. Hindi ko alam na sa kabila ng mabilis na pag tibok ng puso ko ay kakalma din ako.

Napasandal nalang ako sa dibdib nya ng hindi ko namamalayan at muntik pang makatulog. Pagkatapos tumila ng ulan ay nakabalik na din kami sa wakas sa bahay.

It turns out na ang may pinaka madaming flag na nakuha ay sina Arman at ang nakakuha ng black na flag ay sina Janice. Tuwang tuwa ang gaga dahil sa kanya binigay ni Drew ang kotse because he already have a car.

Naglinis na kami ng katawan and ate dinner dahil magdidilim na din kami nakumpleto. After eating ay nagkanya kanya ng hawak ng phone but here comes Alex.

"Huy ang baduy! Bat kayo nagphophone sa team building natin?" He rolled his eyes on us at naglapag ng board games sa coffee table. We chose to play jenga and the loser will sleep on the sofa since tatlo lang ang kwarto tapos ang isa doon ay kay Kyle so basically magsisiksikan kami sa dalawang kwarto.

Malaki naman ang mga kwarto pero syempre kabawasan din ng space kung may isang matutulog sa labas. At dahil ayokong matulog mag-isa sa sofa ay talagang nagpaka-competitive ako noh!

My Husband's SecretWhere stories live. Discover now