Chapter 7

38 2 0
                                    

Mabilis na lumipas ang isang buwan na natitira. It's already past midnight at heto, inaayos ko pa din yung need naming ireport tomorrow. Actually, kinocompile ko nalang and final touch nalang but I need to read it all over again para hindi ko makalimutan bukas.

Mga bandang 2am na rin ako nakatulog kanina buti nalang hindi ako nalate. Actually may dinner kami later with the Rushfords but I need to report this one dahil importante ang project na to at kailangan nang maireport tomorrow dahil bukas din ay kailangan na naming maipasa for proposal na. Kaya hindi ako maka-absent. Bahala na si batman.

My report went well at napuri pa ang department namin. We submitted two models at kasama yung designs ko at ni Lyn. And yun daw ang ipopropose sa client at kapag daw may napili doon ay baka i-increase ang sweldo namin. Sabi kasi ay big time raw at kung sa comany namin magkaroon ito ng deal ay malaking pabor daw ito samin kaya naman talagang pinagbutihan namin 'to.

Buong araw akong paikot ikot sa sa building namin para magpasa ng kung ano anong documents na kailangan din ma-aprove at mapapirmahan. I was dead tired and my feet were already dead sa sobrang pagod.

Nagpaalam naman ako kahapon na hindi ako makakapasok sa part time ko, buti nalang at may nakipag-palit sakin ng shift. Mamayang madaling araw ang nakapalitan ko. My feet were sore pagka-uwi ko sa amin. Agad akong naligo at nagpalit ng damit to freshen up my look, haggard na haggard na ko, kaloka!

I just wore a simple above the knee dress that hugs my body and a flat sandals to match my dress.

I put a concealer para matakpan ang malaki kong eyebags pero feeling ko anytime babagsak na to sa sobrang antok ko. Four hours lang kasi ang tinulog ko kagabi tapos nakalimutan ko pang maglunch kanina.

I put on a lip tint and let my hair down as my final touch. After checking up on myself ay bumaba na rin ako para salubungin ang mga Rushford. Dad was already there and he looked at me with concerned eyes.

I just gave him an assuring smile as if I'm saying that everything is fine. When it's actually not.

I already heard the sound of their car at alam kong nandito na sila. Maya maya pa ay pumasok na si tito at tita.

Tito just smiled and nod at me and I did the same thing. "Good evening po"

"Good evening din, Zoey"

Tita kissed my cheeks. "Naku, ija mas lalo ka yatang gumanda" nakangiti nyang pambobola.

"Hindi naman po, kayo nga po parang bumata" pambobola ko pabalik, sige tita magbolahan tayo until tomorrow.

She's flushed by my compliment at pumasok na sa dining hall. Ang huling pumasok ay ang nakabusangot na kutong lupa. I don't know kung bakit hanggang ngayon nilalait ko pa rin sya and I'm really annoyed when I'm seeing him.

Pero in all fairness, ibang iba ang hitsura nya sa description na binigay ko sa kanya. He's actually standing in front of me looking so handsome, his look became more mature. But I will never say that out loud dahil sa maraming dahilan at isa na don ay hindi ko sya gustong puriin, noh.

He's wearing a simple shirt topped with a navy blue blazer and slacks partnered with a white sneakers.

Habang nakatingin ako sa kanya ay unti unti kong narerealize na parang ayaw ko pa pala. Parang gusto kong magback out. Parang hindi pa pala ako ready. Parang ang aga pa pala.

Ngayon ko lang narealize na masarap pala maging malaya. Yes, napapagod ako but it's fun.

As I looked at him, I realized that I'm not yet ready.

He just looked at me with his usual blank face and changed into annoyed one. He just walked passed behind me not minding me at all, edi wag. Bastos.

My Husband's SecretWhere stories live. Discover now