Chapter 26

42 1 0
                                    

Hinubad ko ang hoodie nya at dahan dahang lumabas ng kwarto. Thank goodness dahil wala pa ding gising sa kanila. Madilim pa and the sun is just about to rise when I decided to make coffee for the both of us.

Lumabas na din ng kwarto si Kyle after kong matapos magtimpla ng kape. Inabot ko ang kanya at dinala ang akin sa labas. I went to the mini bridge outside the house at doon pinanood ang pagsikat ng araw.

It's so beautiful, how I wish mom and kuya can see this. After watching the sunrise ay pumasok na din ako, isa isa na silang naglabasan sa mga kwarto nila.

"Good morning, Zoey" bati ni Rachelle.

"Good morning."

"Good morning mga kumare" Janice greeted with her energy as high as the mountains. Laging hyper yan kaya rin kami naging close dahil kaya nyang sabayan ang pagiging loka loka ko.

"Woaaah!"

"Daebak!"

"What the?"

"Cool!"

"Malupet!"

Sunod sunod nilang sabi pagkatapos magkumpulan sa kusina. There, I saw Kyle, cooking. Napanganga din ako dahil hindi ako makapaniwalang ang hambog na to ay ipinagluluto kami.

The girls placed their palms on their cheeks and started day dreaming while looking at him. Sorry girls, 'di kayo bet nyan. He's not into girls, I mentally laughed.

Nakita ko naman ang nakabusangot na mukha ni Rafael habang nakatingin sa nakangiting si Rachelle habang pinagmamasdan si Kyle. Lukot ang mukhang lumapit ito sakin.

"Tara labas tayo, ilayo mo ko dito. Baka umagang umaga magdilim ang paningin ko." Sabi ni Rafael na ikinatawa ko. We went outside at naglakad lakad habang hinihintay matapos magluto si Kyle.

We were just walking around the area, nagpapahangin. "Ano na balak mo?" I asked him.

"Bad trip ako ngayon." I rolled my eyes on him.

"Arte mo."

"'Di mo kasi ako feel, che." Ako? 'Di ko feel? Duh, sya kaya ang may di alam ng feeling na magkagusto sa taong hindi ka magugustuhan. At least si Rachelle kayang ireciprocate ang feelings nya noh.

"Edi gumawa ka ng paraan para sayo sya ngumiti, duh."

"Then help me." Humarap sya sakin at hiningi ang tulong ko.

"Ayoko nga. Love life mo yan eh, duh."

"Libre kita ng lunch for a month."

"Call!" He unbelievably looked at me and scoffed.

"Napaka buraot mo talaga, suhol lang pala katapat mo." Sabi nya.

"Oh, so ano nga plano mo?" He came closer to me para masabi ang plano nya.

"So, ang gagawin natin is-" hindi nya naituloy ang sasabihin nya ng makarinig kami ng sigaw.

"Zoey, Pael! Tama na landian, kakain na!" Sigaw ni Alex mula sa may labas ng bahay. Pinakyuhan lang sya ni Rafael at hinila na ako pabalik.

And truth to be told, nakahain na sila. We sat next to each other at pinaglagay ako ni Rafael ng pagkain sa pinggan ko. I smiled at him and said thank you kahit nasusuka ako sa ginagawa nya. Kadiri 'tong lalaking 'to, gosh!

This time, hindi ko katabi si Kyle dahil hinila ako ni Rafael sa kabilang dulo at pinaghila nya pa talaga ako ng upuan. Well, it's part of the plan that we talked about earlier.

"So ganito nga," sabi nya habang pabalik kami sa bahay.

"We need to make her jealous." He said na nagpahinto sakin.

My Husband's SecretWhere stories live. Discover now