Chapter 18

33 2 0
                                    

Hindi ko alam pero parang nabato yung paa ko sa kinatatayuan ko at patuloy silang pinanood. Hindi ko alam kung nahimasmasan ako sa nasaksihan o mas lalo pa akong nalasing.

Kyle's right hand was supporting the back of his partner's head and the other was on the other guy's waist. Ang mga kamay naman ng lalaki kahalikan nya ay naglalakbay sa katawan ni Kyle at huminto iyon sa dibdib nya. Habang nakatingin sa kanila ay may kung anong sumagasa sa puso ko at pakiramdam ko'y nadurog iyon pagkatapos ay tinapakan pa.

I was thankful when God finally let my feet move when they suddenly stopped at tumingin sya sa direksyon ko. Mabilis akong umalis doon at tumakbo palabas.

I heard him calling my name pero walang lingon akong tumakbo at hindi pinansin ang pagtawag nya.

Takbo lang ako ng takbo dahil ayokong maabutan nya ako kung sakaling hinabol man nya ako. While running, I felt hot liquids running down my cheeks.

Pumara ako ng taxi at nagpahatid sa bahay nila Sab. Ayoko munang umuwi sa bahay ni Kyle. Hindi pa maproseso ng utak ko ang nangyari at parang hindi pa ako handang harapin sya. Not in my unstable drunk state.

Mabilis kong pinahid ang sunod-sunod na luhang tumutulo mula sa mga mata ko. Why am I crying? I don't know! Maybe because I'm drunk and wasted. Maybe it's because of the alcohol. Too much of a drunk woman. Too much of getting wasted.

I came here to enjoy the night with my friends, to ease my throbbing head because of stress. Nandito ako para uminom upang mapawi ang pagod ko sa mga linggong lumipas na wala akong matinong tulog at pahinga. I came here for myself, not to see this crap.

Don't get me wrong, I'm not judging them, I'm not judging Kyle. It's just that, hindi kayang iabsorb ng utak ko ngayon ang nakita ko.

While staring at nowhere, realizations suddenly hit me. The way my heart reacts whenever he's near, the little things he does. The small gestures that melts me without me even knowing it. The way I'm smiling automatically on the sight of him. Ngayon ko lang siguro napansin ang mga yon dahil ayokong i-acknowledged yung mga nararamdaman kong may kinalaman sya. Dahil siguro hindi ko alam kung anong nararamdaman ko at hindi ko matanggap sa sarili ko na nageexist yung feelings na yon. Maybe hindi pa matanggap ng utak ko yung nasaksihan ko dahil somehow, I started feeling things I shouldn't have felt.

Maybe I like him, just maybe. At least hindi pa malalim. At least kaya ko pang pigilan hanggang maaga, ngayong alam kong hindi nya ako magugustuhan at hindi nya kayang ireciprocate yung feelings ko. Buti nalang ay nalaman ko hanggang maaga. At least now I know.

The driver called me out na nandito na kami but because I left my purse on our table ay umutang ulit ako kay Kuya Sam ng pamasahe like the last time I went here after getting wasted.

"Saan si Sab, kala ko magkakasama kayo?"

"Nauna lang akong umalish kasi I don't know, bashta! Just call her nalang and tell her that I'm here." Hindi ko kasi alam kung paano ipaliwanag kung bat ako naunang umalis.

"Okay. Let's go upstairs. Wala sila Mom and Dad. Just call me when you need anything." He said at inihatid ako sa kwarto ni Sab. Napatakbo ako sa cr nang biglang hinalukay ang sikmura ko dahil sa naudlot kong pagsuka kanina. I puke a lot, pati ata bituka ko naisuka ko na sa dami ng ininom ko.

Kuya Sam gave me a glass of water and tucked me to bed. He kissed my forehead before he left. His sweetness and kindness is in born. Ever since I became friends with Sab ay parang totoong kuya ko na sya. And I'm thankful for that.

Dahil sa kalasingan ay mabilis akong nakatulog. Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. My head is pounding, shit. Pag mulat ng mata ko ay nakita ko si Sab na mukhang bruha na nakayakap sakin. Actually, pareho kaming mukang mangkukulam, walis na lumilipad nalang ang kulang.

My Husband's SecretWhere stories live. Discover now