Chapter 4

36 2 0
                                    

Pesteng kutonglupa!

Pagkatapos hilahin yung silya ko ay bigla nalang nagwalk out. Sino ang hindi mahi high blood sa lalaking yon?!

I went to the entertainment room to watch netflix para pakalmahin ang sarili ko just to find him sitting comfortably in the sofa and watching movie. Inangyan! Feel at home na feel at home!

"Get out!" Pero parang wala syang narinig. Huminga ako ng malalim dahil baka maibalibag ko sa kanya tong vase sa tabi ko.

I was glaring at him, konti nalang luluwa na yung mata ko. Kung nakakamatay lang ang tingin, kanina pa sya patay.

Bubunutin ko sana sa pagkaka-plug yung tv pero biglang tumunog yung phone sa bulsa ko kaya naman walang tingin sa screen ko itong sinagot.

"What?!"

"Ay, high blood ka sis?"

Rinig kong sabi ni Sab sa kabilang linya kaya naman medyo nabawasan ang inis ko at padabog na isinara ang pinto saka pumunta ng kwarto ko.

"Nakakagigil kasi yung pesteng lalaking yon!" Pag labas ko ng sama ng loob.

"Sinong lalaki? Don't tell me yan yung kasama nyo kanina?"

"Oo, yun nga!"

"Omg! Bakit nasa bahay nyo? Don't tell me..."

"Yeah, what you're thinking is right" walang buhay kong sabi.

"Omg, sis! Ang gwapo naman pala ng future husband mo!"

"Gwapo nga masama naman ang ugali. No thanks!" Pagrarant ko sakanya sabay subo ng strawberry.

"Ayaw mo non, bad boy!"

"Bad boy, my ass!"

"Sige na, ayaw mo na, oo nalang. Choosy ka pang bakla ka!"

"Che! Bat ka nga pala napatawag?"

"Samahan mo koo"

"Where?"

"Starbucks tayo!" Biglang nagbago ang mood ko sa narinig.

"Arat naa!"

"Pampalamig ng ulo, kakagraduate mo lang high blood ka agad."

"Blame it to that guy!"

"Anyways, kita nalang tayo sa mall"

"Bye" pinatay ko na ang tawag saka dumiretso ng takbo sa baba.

"Daddy! Mall lang kami ni Sab"

"Bring Brian with you" shutangnames! Okay na eh! Good mood na ulit ako, bat naman ganto Daddy?!

"That's a good idea para makilala nyo ng mabuti ang isa't isa." Pagsegunda ni tita with matching giggle pa yan.

I have no choice but to tag him along.

Bad trip!

Bakit pakiramdam ko magiging stressful ang buhay ko pagnagkasama na kami sa iisang bahay? Ugh, ayokong i-imagine.

Padabog kong sinarado yung pinto ng kotse nya. Tapos ay pumasok na rin sya at binuhay ang makina.

"I guess I'll be married to a spoiled brat" he said while his eyes were fixed on the road. Aba!

"Hell, yeah!" Spoiled brat pala, ha! Think what you want to think. I don't care.

"And I'll be married to an asshole" pahabol ko pa sabay pasak ng earphones sa tenga upang hindi na marinig ang susunod nyang sasabihin.

My Husband's SecretWhere stories live. Discover now