Chapter 15

40 2 0
                                    

Inis kong binawi ang kamay ko at inirapan sya. "Oo na nga, diba." Tinalikuran ko sya bumaba sa office namin to get my bag. Niligpit ko na din ang gamit ko dahil malamang ay diretso uwi na ako nito dahil pahapon na din at mahaba pa ang byahe.

"San punta mo, girl?" Rachelle asked me while I'm fixing my things.

"Mr. Rushford ordered me to run an errand for him, nakakainis." Kwento ko sa kanya.

She laughed at me at nakitawa rin yung dalawa dahil hindi maipinta ang mukha ko.

"Naku, mukang napagiinitan ka ata ni boss ah?" Janice teased.

"Oo nga, tol! Napapansin ko napapadalas ang pagutos-utos nya sayo" ani pa ni Rafael.

"Wag syang magalala dahil the feeling is mutual. Nagiinit din ang ulo't dugo ko sa kanya!" Gigil kong pahayag.

Pinagtawanan na nila ako at isa isa ko silang tiningnan ng masama. For the past two weeks ay naging close ko ang tatlo. They always help me kapag may hindi ako magawa. Sabay sabay din kaming naglulunch at pansin kong may pagtangin itong si Rafael kay Rachelle. His secret glances while she's not looking. The way he teased her to death. His smiles when he's looking at her. Yung mga tingin nya at the way he cared for her.

I'm happy for them but it looks like it's one sided love. Hindi sya ineentertain ni Rachelle romantically. At hindi rin nya alam na may gusto sa kanya si Rafael and it's kinda sad.

Nang matapos ako ay lumabas na rin ako at sumakay ng cab. I rode a train at isang byahe pa ng cab pagkababa ko ng tren. Diba, hassle. Hindi ako nagjeep dahil hindi naman ako ang magbabayad, bahala sya. I handled the document with my life dahil natatakot akong may mangyaring masama kung sakaling pumalpak ako dahil ilang beses inulit ni Kyle sa muka ko na importante yon.

Sa awa ng Diyos ay nakarating ako ng buhay sa pupuntahan ko. Pumasok ako sa isang matayog na building at hinanap ang office ng Ginoo.

"Come in!" Pumasok ako at nakita ang ginoong nasa mid 40's na nakatayo sa may office table. He screams power and charisma. Binigyan nya ako ng matamis na ngiti at binati. Binigay ko sa kanya yung envelope. Hindi ko napansin na sobrang higpit pala ng magkakahawak ko dito ay nalukot ito ng kaunti at basa rin ang parte ng envelope na pinanggalingan ng kamay ko.

My face felt hot and red. It's so embarrassing when he noticed it! "Hala! Sorry po!" Paghingi ko ng tawad sa nalukot na papeles.

Sobrang kaba ko kasi habang nasa byahe kasi baka biglang may humablot nito mula sakin kaya siguro nagpawis din ang kamay ko.

"It's okay, ija." Malumanay nyang sabi at nginitian ako na parang sinasabing hindi malaking bagay iyon. I smiled at him awkwardly at nagsorry ulit.

"Why don't you have a tea first?" Alok nya.

"Naku, hindi na po. Gagabihin po ako sa byahe. Thank you nalang po." Magalang kong pagtanggi. Palubog na din kasi ang araw at ayokong gabihin sa daan lalo pa't mahaba ang byahe.

"Sige, magiingat ka, ija." Sabi nya pa. Umalis na rin ako at umuwi. It took me 4 hours, back and fort para madala yon. Supposedly ay an hour and a half lang dapat pero naging two hours ang papunta at pabalik dahil traffic at rush hour dahil weekday ngayon.

Pagkadating ko ng bahay ay nagbihis na ako at naligo. Kumain muna ako sa labas at madami akong nakain since hindi ko naman pera ang pinambayad ko, nilubos lubos ko na noh. Pumasok na ako sa convenience store dala ang maliit kong bag kung saan nandoon ang mga reviewer ko.

Mabait naman ang boss ko at tuwing unang oras ko sa shift ay chinecheck nya ang store. Mabait din ang mga nagtatrabaho doon dahil minsan duon sila kumakain pagkatapos o bago ang shift nila so basically shift ko na pag ganoon. Kinukwentuhan nila ako ng mga nangyayari sa kanila at ang ibang naeencounter nila na customers.

My Husband's SecretWhere stories live. Discover now