Chapter 19

38 2 0
                                    

I'm now comfortably watching a movie while Kyle is cooking. Maya maya lang ay tinawag nya na din ako para kumain. Nang makaupo na ako ay panghuli nyang inihain ang ulam na nakapagpatulala sa akin.

I stared at the food not realizing that my tears were already falling. Mabilis ko iyong pinahid at nagsimulang kumain pero hindi ko mapigilan ang mga luhang tumutulo sa mga mata ko kaya nakayuko akong kumakain.

When I tasted it, lalo pang bumuhos ang mga luha ko. Gusto ko silang pigilan pero ayaw nilang sumunod sakin.

"Hey, is there something wrong? Hindi ba masarap?" He worriedly asked when he noticed that I'm crying.

"My Mom used to cook this for me because it's my favorite." I found myself opening up to him. This is the first time that I cried in front of him.

Palagi akong pinagluluto ni Mommy ng Kare-Kare, it is the only dish that I know except for adobo. And when I tasted Kyle's Kare-Kare ay may kung anong humaplos sa puso ko.

"Ever since she died, I never ate Kare-Kare again. Ayoko kasi kumain nito ng hindi nya luto." Singhot ko pa. He's looking softly at me. He reached for my hand and squeeze it gently.

"I'm sorry" I shook my head.

Lumapit sya sa akin at pinunasan ang luha ko gamit ang hinlalaki nya. "Shush" pagpapatahan nya sakin.

"Do you want me to cook other food?"

"No. I really want this. Thank you for making me taste this again after a long time" he smiled at me softly and creased my hair before he sat again.

Another week passed by at pakiramdam ko malapit na akong sukuan ng katawan ko. Sobrang stressed na stressed ako. Hindi naman kasi ako dapat nagtatrabaho ngayon e, dapat puro review lang ang ginagawa ko pero sayang yung opportunity.

Friday na naman kaya extra busy lahat ngayon dahil may hinahabol kaming oras. Nagpapa-compile at nagpapa-inventory na kasi si Kyle ng monthly report ng bawat department. Ngayon ko lang namalayan na mag-iisang buwan na pala ako dito.

Ako ang laging nauutusang mag-dala ng ganito, mag-pasa ng ganito, ganyan. Tinake advantage nila ang pagiging baguhan ko sa kompanya at inalila ako. I felt like I'm in my internship days again.

Everyday, my feet were sore, dark eyebags, pale face. Akala ko malala na ang inaabot ko noong college, may mas lalala pa pala.

Papunta ako ngayon sa office ni Kyle na sobrang layo dahil nasa tuktok pa. At kung minamalas ka nga naman, out of order ang elevator. May nakapaskil doon na hindi pwedeng gamitin. At hindi lang iisang elevator ang may ganoon kundi tatlo. Ano'ng problema nito at nagsabay-sabay pang masira?

Tumawag ako ng maintenance upang mag-tanong. "Bakit po hindi pa nagagawa ang elevator?"

["Ay nako, pasensya na po ma'am. Nagoverloading po kasi ang mga elevator kanina, may napigtas pong kable kaya po delikadong sakyan. May binili pa pong parte na kailangang palitan kaya po hindi pa nagagawa."] mahabang paliwanang ng nasa kabilang linya.

"Kailan po kaya ito magagawa?"

["More or less than an hour pa po ma'am."] mariin akong napapikit sa narinig.

"Sige po, salamat." binaba ko na ang tawag at inis na sinampal ang pader. Nakaka-frustrate, gusto ko mang hintaying magawa ay hindi pwede dahil urgent ang inutos sakin.

I have no choice but to take the strairs dala dala ang dalawang folder. Nakakadalawang floor palang ako ay hinihingal na ako. 13 floors pa, 15 fucking floors yung aakyatin ko!

Hindi ko alam kung kailan ako makakarating sa taas. Baka pag-dating ko doon ay ayos na ulit ang elevator. Huminga ako nang malalim at pinakalma ang sarili. I didn't know how much time did I take to finally reach the top floor.

My Husband's SecretWhere stories live. Discover now