Chapter 55

12 2 0
                                    

Jaiizyl

"What's the status?" Boses iyon ni Zach habang kausap sa earpiece si klint na siyang nagsisilbing mata namin sa loob ng hotel na tinutungtungan namin ngayon.

Tatlo kaming nandito ngayon sa loob kasama si Ian na kasalukuyang nasa likod namin at si Evan na stand by sa labas bilang suporta sa posibleng aberya sa loob.

"Just as planned."

We are all covered and fully equipped dahil nasa bawat sulok ng lugar na 'to ang mga tauhan ni Mr Clemente. Isang maling galaw lang din ay siguradong hindi na kami makakalabas rito ng buhay dahil halos palibutan lang naman ng matandang 'to ng mga tauhan niya ang kabuoan ng hotel.

Masyado din daw mailap ang Mr. Clemente'ng to dahil sa halos anim na buwan nilang paghahanap rito, ngayon lang sila swenerteng matunton ito.

"Back me up." Seryosong usal ni Zach habang senesenyasan akong mauuna siyang pumasok sa isang silid na turo niya.

I just gave him a nod and check the entire place.

My role in this game is to keep my comrades alive. I work so hard to be physically and mentally strong because I know in the very first place that this day will surely come.

Pinili kong talikuran ang organisasyong kumopkop sakin noon sa takot na malagasan na naman ako mga kasamahan dala ng kahinaan at kakulangan ko. Pinili kong lumayo at pansamantalang hindi na muna magpakita sa kanila dahil hindi ko na maaatim uli na may kung sinong magsugal ulit ng buhay sa labang hindi ko maipapanalo. Subalit sa kabila niyan ay sinikap ko paring magpalakas dahil alam kung darating ang araw na kakailanganin nila ako. At kapag dumating na nga ang araw na yun- dapat malakas na ako.

"The light will go off in Three...Two...One."

The hotel had black out after Klint counted. Doon ay nagsimula kaming pabagsakin ang mga tauhan ni Mr. Clemente sa kalagitnaan ng dilim. We are trained not just in armed and unarmed combat but also to fight in darkness.

The biggest advantage we had in every fight we encountered is that we can fight in the middle of darkness and kill enemies without them noticing it.

I also saw red lasers playing around the room. These four guys with me are good in this. Hindi ko alam kung saan nila napulot si Klint pero masasabi kong hindi siya basta-basta. Kahapon lang ng mapanood ko siyang sinusubukang pasukin ang security system ng isang sikat at pribadong security agency sa Singapore. Hindi man ako bihasa sa computer, alam kong mahirap ang ginagawa niya. Ngunit ilang minuto lang ang itinagal nun ng tuluyan niya itong mapasok. Nagawa niyang mapasok ang firewall nito sa bilang na minuto lamang ng hindi ko manlang siya nakitang pagpawisan. I admit that I rarely compliment, but Klint got me. He's so good. So darn good.

While Zach, He is a beast in both armed and unarmed combat. Kaya niyang hawakan ang laro at patakbuhin ito sa kung paano niya ito gustong tumakbo gamit lamang ang baril at kamao niya. As well as Evan as the sniper. Ian as the back up at ako bilang utak ng grupo.

Ako ang nagsisilbing utak ng grupo na siyang gumagawa ng mga plano sa bawat laban namin. I am good in planning na siyang ikinahalaga ko sa grupo. I also got some files ng mga taong nabangga na namin na kakailanganin kapag nagkaroon ng biglaang aberya.

Having just the five of us in a mission, we can completely manipulate every situations.

"30 seconds left before I on the light. Tapusin niyo na yan." Malumanay na pagpapaalam ni Klint na rinig naman sa suot kong earpiece. Alam kong narinig rin yun ni Zach dahil parehong connected ng earpiece namin sa headphone niya.

Before the times up, we quickly do what we planned and killed all Clemente's men na nagawa nga naman namin bago tuluyang mabuhay ang ilaw matapos ang binigay nitong oras.

"Sino kayo?" Takot na tanong ng matanda ng tuluyan ng mabuhay ang ilaw at tumambad sa harap niya si Zach na galit siyang pinagmamasdan.

Tatlo kaming nasa loob ng private room na 'to. Nakayuko at nakagapos na ngayon si Mr. Clemente habang takot na tinitingala si Zach. Nasa bandang pinto naman ako't nakasandal habang pinagmamasdan sila. Samanlang bantay sa labas si Ian na maiging binabantayan ang kabuoan ng lugar.

Kita ko ang pamumula ng mata ni Zach sa Galit. hindi ko naman siya masisisi dahil maliban kay Gael ay namatayan narin siya ng fiancee na nangyari sa isang engkwentro namin 8 years ago matapos itong madamay. At ngayon na magulang niya naman ang damay, naiintindihan ko kung bakit hindi niya na magawang kumalma pa gaya ng madalas niyang gawin sa mga ganitong sitwasyon.

"Who are you?" Ulit na tanong nito na ngayon ay sinabayan na ng panginginig ng katawan.

"Your death." He coldly stated as he gave him a cold glared.

"Please... s-spare me. I'll give all you want." Pagmamakaawa nito na ngayon ay nakayuko na at wala sa sariling pinadaop ang mga palad.

"I don't need anything from you." He emotionless spoke.

"What do you mean?" Takang tanong ng matanda ng hindi makuha ang sinabi ni Zach. Sino nga namang hindi? Pinatay ang lahat ng tauhan niya tapos sasabihin lang na wala siyang kailangang kahit na ano sa kaniya.

Weirdo talaga kahit kelan.

Tss

"Bring back my parents kung gusto mong makaalis pa rito ng buhay."

"Idelyn and Fred?" He interrogated in full confusion.

Bakit naguguluhan pa siya kung alam niya naman na? O baka naman hindi lang magulang ni Zach ang hawak nila?

"Hindi ko sila hawak ngayon. Hindi ko rin alam kung nasaan sila. Inutusan lang akong kunin sila pero hanggang dun lang ang naging parte ko." Nanginginig na usal nito na ngayon ay hindi na makatingin sa lalaking kaharap.

Bigla namang nilatayan pa ng galit ang mata ni Zach matapos ng mga narinig.

"Wag mo akong gaguhin Clemente!" Madiin na ngayon ang hawak niya sa kwelyo nito habang nanlilisik ang matang ipinangko ito sa dingding. I almost move to my place because of that Zach's sudden action.

Loko!

"B-believe m-me. I-I re-really don't k-know." Puno ng takot na pagmamakaawa nito habang pilit na tinitiis ang sakit dala ng pagkapangko niya sa dingding.

Alam kong masakit yun dahil kita ko ang malakas na pwersang nagtulak sa kaniya sa dingding.

"Wag mo akong gaguhin Clemente at sabihin mo nalang dahil hindi ako magdadalaaang-isip na pasabugin din yang bungo mo!!!!" Galit na sigaw ni Zach na sinubukan pang suntukin ito na nahinto rin sa pagpigil ko.

Nanlilisik ang mga mata, tiim ang bagang at diin ang pagkakuyom nito sa sariling kamao habang pilit na pinipigilan ang tuluyang pagkawala ng emosyon niya.

"Tell us everything you know." Mahinang saad ko habang hawak parin ang kamao ni Zach na ilang pulgada nalang rin ang layo sa mukha ng matanda.

"Sa isang warehouse." Wala sa sariling naitugon niya.

Taka ko naman siyang tinapunan ng tingin.

Warehouse?

"Tama. Narinig kong dinala sila sa isang warehouse." Pagsang-ayon niya sa sinabi.

"Saang warehouse?"

"Hindi ko alam. Isang beses palang din akong napunta dun pero ang isa sa sigurado ako- abandonado na yun" He stopped for a moment. "Abandonado na yun dahil halos kabuoan ng warehouse ay sira na."

"Ano pang alam mo?"

"Mayroon iyong puting gate na hindi na masyadong makikita dahil sa kalawang. Pula at itim ang pintura nito na sa harap ay may makikita kayong isang malaking punong nakatayo. Yan lang. Yan lang ang alam ko."

"Tara."

"Where are we going?" He interrogated.

"Alam ko ang lugar na yan."

Embracing Her (ON-GOING)Where stories live. Discover now