Chapter 30

26 7 0
                                    

Jaiizyl

"Doctokkaaaaaa!!" Isang malakas na sigaw ang nagpaangat sakin sa kaniya.

Kasalukuyan akong nasa Opisina ko at nag-aasikaso ng ilang papeles ng mga pasyente ko ng bumukas ang pinto.

Malawak ang ngiti niyang pumasok ng opisina ko na ngayon ay patakbong hawak na ang mukha ko.

Problema ng batang 'to?

"Doctor Jaii!" Tawag uli nito na itinuon na ang mukha ko sa kaniya.

Napangiwi naman ako bigla ng makita ang mukha nitong para bang nakakain ng maasim.

Weirdo.

"Bakit?" Magkadugtong na kilay kong tanong ng hindi makuha kung bakit ganito ang asta nito ngayon.

Pero sa halip na sumagot, malawak na ngiti lang ang naging tugon nito.

Tss

"Good Morning." Isang baritong boses ang nagpalingon sakin sa pinto.

I automatically rolled my eyes when I saw his face again.

Bakit nandito na naman ang isang 'to?

"Mr. Logromonte. Pasok!" Malawak na ngiting alok nito sa lalaking nakangiti parin sakin ngayon.

-

Hindi ko na muna sila pinansin at nagpatuloy lang sa ginagawa.

Dalawang linggo na siyang ganyan. Apat na buwan, matapos siyang makalakad uli.

At sa loob ng dalawang linggong yun. Naging trabaho niya na ang pistihin ako.

Ngayon, panglima na siya sa mga taong nakakapasok ng opisina ko.

Nakakatawa dahil hindi ko inasahang madaagdagan ang bilang na yun.

Gustuhin ko mang sipain siya palabas dahil sa ingay nito sa tuwing nandito sila ni Ann.

Hindi ko magawa-gawa dahil nga sa bakal ang bungo nito.

Nakakairita.

"Let's eat." Masayang alok nito ng tuluyan ng makapasok ng opisina ko.

Nagpatuloy lang ako sa ginagawa ko ng hindi parin ito tinapunan ng tingin.

"Oo ba, Mr. Logromonte." Masayang tugon naman nito na pumapalakpak narin ngayon.

Lagi silang ganyan. Laging nagkakampihan.

Tss

"Doctor Jaii. Sama ka?"

"May ginagawa ako." Mabilis na tugon ko habang hindi parin nag-aangat ng tingin sa kanila.

"Busy ka na naman. Masyado mo namang ginagalingan doktora."

Bigla akong napaangat sa kaniya ng tingin ng marinig ang sinabi nito.

Ba't ang hilig mang-inis ng isang 'to?

"Oh? Bakit? Gwapo ko ba?" Malakas na halakhak nito na pumuno sa loob ng silid.

Pailing-iling ko naman siyang sinipat ng tingin.

Ang isang 'to. Kahit kelan talaga.

Masipa nga.

"Magtigil kayo. May ginagawa ako." Saad ko habang walang emosyon silang binalingan ng tingin.

"Ipasara ko na muna kaya 'tong Ospital para makasama ka. Nakakahiya naman sa masipag na doktor diyan."

Embracing Her (ON-GOING)Where stories live. Discover now