Chapter 26

11 9 0
                                    

Wyath

"You can do it Mr. Logromonte."

Nandito kami ngayon sa bakuran ng mansiyon habang sinusubukan kong maglakad.

Medyo ayos naman na ngayon ang binti ko dahil nagagawa ko na itong maigalaw.

Naghilom na din ang lahat ng sugat ko at ang binibigyan nalang namin ngayon ng pansin ay ang makalakad uli ako.

Hindi naman naging mahirap sakin dahil sabi ko pa nga, todo alalay sila sakin na siya namang ipinagpapasalamat ko.

Kahit papano rin ay naging maayos na kami ni Jaiizyl.
Hindi na siya kasing sungit at nakakainis gaya nung una.

Hindi man siya pasalita kung minsan, alam ko namang nandiyan lang siya kung sakali.

Nandiyan lang siya sa oras na kailangan ko siya.

May napansin nga lang ako sa kaniya nitong nagdaan. Pansin ko ang pag-iwas nito sakin lalo na sa mga oras na nagkakasalubong kami ng tingin.

Nahihiwagaan ako dahil alam kong hindi siya ganun.

Nakakapagtaka lang kung bakit ganito siya kung kumilos.

Kaya naman kung minsan napapaisip ako kung may tinatago ba siya sakin.

Meron nga ba?

-
Were in the backyard right now and still practicing. Josh are on my left side while she was at the other end waiting for me.

Kahit hindi ko man mabakasan ng ngiti ang mukha niya, sapat na ang mata niyang nagsusumigaw ng saya.

Sa halos dalawang buwang kasama ko 'to. May mga ugali niya na ang nabuksan at nalaman ko and this includes her as not being showy.

Ayaw niyang sinasabi o ipinapakita ang tunay niyang nararamdaman na halata namang makikita sa blangko niyang mukha.

Mahilig siyang magtago at magkulong ng emosyon.

Ang emosyong meron siya ay tila ba tinago niya sa isang kahon at ibinaon sa sarili.

Para siyang papel na walang sulat ngunit kapag itapat mo sa liwanag, doon lilitaw ang misteryosong sulat sa bawat pahina nito.

Para siyang palaisipan na hirap akong malaman.

Isang tanong na hirap akong masagot.

Masyado siyang mahirap basahin.

Pahirapan at komplikado.

-

"Walk slowly, Mr. Logromonte. Walk slowly." Mapanghikayat na ani ni Josh na nasa kabilang gilid ko parin.

I walk slowly, Following what he said.

Ramdam ko na ngayon ang kaliwang binti kong nakaapak sa damo dahil kahit paaano ay hindi na ito tulad noong una na hindi ko maramdaman.

I kept on walking. I even made it slow to make sure that I can actually do it. But I was stopped for a moment as I almost lost my balance, mabuti nalang at nasa gilid ko lang si Josh kaya mabilis niya 'kong naalalayan.

"It's okay Mr Logromonte. Konti nalang."

Pakiramdam ko bigla nalang akong tatakasan ng lakas dahil sa nangyari kanina.

I feel the weakness of my knee.

It was shaking.

Kaya naman, hindi ko na muna siya kinibo at tumigil na muna sandali.

Hindi ko alam kung itutuloy ko pa ba o ititigil na.

Natatakot ako na baka hindi ko makaya.

-
"Hoy?" Isang malamig na boses ang nagpalingon sakin sa kaniya.

Doon nakita ko siyang blangko ang mukha at mariing nakatingin sakin.

"Bilisan mo, nahuhuli kana."

Sanay naman na 'ko sa malamig na tono nito subalit ang paraan ng pagbigkas niya sa salita yun ay para bang nagbibigay sakin ng paalala.

Hindi ko alam pero pakiramdam ko iba ang gusto niyang ipahiwatig sa sinabi niyang yun.

Hindi literal, dahil may kung anong nakatago sa bawat salitang yun.

_
There, I found myself staring at her dumbfounded when she speak again.

"Bilisan mo kung gusto mong may maabutan pa."

Weirdo man subalit nakaramdam ako ng takot sa sinabi nito.

Takot na hirap akong halukayin.

Takot na hindi ko mapangalanan.

She was still blankly looking at me. Because of this, I was forced to walk again.

Mukhang masisipa kasi ako ng wala sa oras.

Dalawang metro.

Dalawang metro nalang ang layo ko sa kaniya.

Sa dulo, kita ko siyang naglahad ng kamay.

Her eyes are now proudly looking at me.

Hindi man yun mabakas sa walang emosyon niyang mukha. Kita ko naman yun sa mga mata niyang nagsusumigaw ng saya.

"Come on, You can do it Wyath."

Bigla akong nakaramdam ng lakas ng marinig ang boses nitong napupuno ng tiwala.

"You can do it." She shout again, extending her hands more.

There, I walk as much as I can to easily hold her hands.

She was there, waiting for me.

She was there, extending her hands.

She was there, proudly looking at me.

I quickly held her hands when I finally got there.

"I know you can do it. I'm so proud of you." Isang linya lang subalit halos ikatunaw ng puso ko.

Minsan man kaming magkabangayan, alam kong isa siya sa mga taong magiging masaya sa oras na makalakad uli ako.

Isa siya dun.

Ramdam at kita ko yun sa lahat ng ginawa niya para sakin at mas lalong ramdam ko 'to sa paraan ng yakap niya sakin ngayon.

I never expect that a Jaiizyl Andrada will hug me this way.

She's hugging me so tight as if she never want me to let go.

She's hugging me, making me feel safe and guarded.

"Thank You Jaiizyl." I genuinely said while hugging her too "Thank You for being with me in my dark days." I uttered.

I owe this to you.

ᜑᜑᜑ

Your votes and comments are highly appreciated 🖤

Embracing Her (ON-GOING)Where stories live. Discover now