Chapter 16

20 5 0
                                    

Wyath

I'm still in my room right now. Gusto ko mang bumaba ay hindi ko magawa dahil sa lagay ko. At kahit gusto kong magpakasaya ngayon dahil nanalo ako sa kaniya. hindi ko rin magawa dahil may kalahati sakin ang nako-konsensya na siyang pumipigil na gawin ko iyon.

It is an accident. Ang nangyari kanina ay wala sa plano ko, hindi ko rin iyon ginusto dahil kusa yung nangyari. But I can't still be happy right now knowing na baka isinusumpa na ako nung isang yun.

Hindi ko naman talaga sinasadyang magmatigas sa kaniya kanina. Wala rin akong importanteng ginagawa. Ang pag-aktong busy ako kanina ay ginawa ko lang dahil gusto ko siyang inisin.

Naiinis kasi ako na lagi nalang walang emosyon ang mukha niya.

Ilang araw ko na siyang kasama at maraming beses na ring nakita, pero ni minsan hindi ko manlang siya nakitang ngumiti. Ngumiti kahit pilit lang.

Mahirap ba yun?

Hindi ko manlang rin siya mabakasan na kabahan samantalang ako ay halos tumalon na ang puso sa sobrang kaba.

Na kahit pagkunot lang din ng noo niya ay sobra niyang ipinagdadamot. Eh ano naman yun limang segundong pagkunot ng noo. Madali ng naman yun diba? pero ang damot eh.

Ang damot-damot.

Masyadong nagpapaka-misteryoso.

Nakakainis.

Kaya naman hindi niyo ko masisisi kung bakit gustong-gusto ko makitang mainis ang isang Jaiizyl Andrada.

Ang babaeng hindi takot sumalo ng kutsilyo.

Ang babaeng walang takot manapak.

At ang nag-iisang taong nakapingot sakin.

Damn.

-
Hindi nga ito ang unang beses na ininis ko siya. Sinubukan ko narin 'to nung pangalawang araw niya dito sa bahay. Sinubukan kong magbingi-bingihan at umaktong hindi siya naririnig para inisin siya. But fuck, ako pa 'tong napingot sa tenga.

Gusto ko mang pagpuyos sa galit dahil sa ginawa niya, hindi ko rin nagawa dahil alam kong kasalanan ko rin. Pero pwede naman niyang hindi diinan di ba? Ang sakit kasi eh. Pakiradam ko sa tenga ko nabuhos niya lahat ng inis niya sakin noong araw na yun. Sa sobrang sakit ba naman. Ganunpaman, sa kabila ng inis na ramdam ko sa boses niya nung mga sandali yun, bagsak parin ang balikat ko ng makitang wala paring emosyon ang mukha niya.

Wala ba sa bokabularyo niya ang mainis?

-
Kaya kanina nung makita ko siyang seryosong dala ang breakfast ko. Doon ako ulit pinasok ng ideyang inisin ulit ito.

Nagbabakasakaling baka sa pagkakataong 'to ay swertihin na 'ko.

Kaya nung papalapit siya ng papalapit. Mabilis pa sa alas-kwatro kong kinuha ang laptop sa side table ng kama ko at agad itong binuhay. Mukhang hindi naman niya napansin dahil wala paring emosyon ang mukha niya nung sinubukan ko siyang silipin.

Nang mailagay niya ang pagkain sa mesa. Doon na nagsimula ang paninira ko sa araw niya.

Hindi ko man gusto na ako ang mainis sa kaniya, hindi ko nagawa dahil ang bossy ba naman niya. Nakakang-init ng ulo na idahilan niya ang pagiging doktor niya sakin at ang obligasyon kong sundin siya.

Oo nga't doktor ko siya pero may karapatan parin naman akong mag-demand na hindi kumain dahil amo niya ako.

Amo niya ko!

Embracing Her (ON-GOING)Where stories live. Discover now