Chapter 34

12 7 0
                                    

Jaiizyl

Pigil sigaw ang ginawa ko ng tuluyang makapasok ng rest room.

Ang lakas na inipon ko ng halos limang taon, ngayon ay tuluyan na nga 'kong nilayasan.

Walang tigil sa panginginig ang tuhod ko.

Habang walang awat narin sa kakatulo ang mga luha ko.

Ngayon, tuluyan na talaga akong nanghina.

Ayoko mang isipin, subalit bumalik ako sa dating ako.

Sa dating ako na siya ang lakas, sa dating ako na siya rin ang kahinaan.

Bumalik ako sa isang duwag at mahinang Jaiizyl.

Sa Jaiizyl na matagal ko ng binaon sa limot.

Sa Jaiizyl na matagal ko ng pinatay.

Dahil sa maliit na presensya niya lang, biglang bumalik sakin ang lahat.

Lahat-lahat.

--

Nanatili muna ako rito ng ilang minuto para pakalmahin at ayusin sandali ang sarili ko.

Nakakatawa dahil sa halos limang taon, hindi ko naisip na makikita ko uli'ng ganito ang sarili ko.

Nakakatawang makita uli ang dating ako.

Ang mahinang ako.

When I finally fix myself. Doon ay nagsimula na akong umalis. Subalit, hindi ko paman tuluyang nabubuksan ang pinto. Nahagip  agad ng paningin ko ang itim at makinang na sapatos ng taong nakasandig sa harap ng pader at halatang may kung sinong hinihintay.

Sa sapatos palang na yun. Kahit hindi ko na iangat ang paningin ko, kilalang-kilala ko na kung sino ang may ari nito.

The hell.

Sisiraduhin ko na sana uli ang pinto ng bigla itong sumigaw.

"Wait!!"

Bigla akong napaismid ng marinig ang boses na yun.

That voice.

I hate that fuckin' voice. I silently cursed.

"Zyl."

Natuod ako bigla ng marinig ang pangalang yun.

Tang ina.

Tang ina.

I hate that name.

"Let's talk. Please."

Walang emosyon akong napalingon sa kaniya ng marinig ang pagmamakaawa nito, bigla naman siyang natigilan ng makita ang itsura ng mukha ko.

Ang blangkong mukha na malayong-malayo sa emosyong sa loob ay unti-unti akong nilalamon.

"Please, Zyl." Pagmamakaawa uli nito habang marahan ng lumalapit sa kinatatayuan ko.

Hindi ko maihakbang ang mga paa ko dahil pakiramdam ko bigla nalang itong nasemento sa kinatatayuan ko.

Hindi ko ito maigalaw habang dahan-dahan parin siyang lumalapit at sinusubukang salubungin ang mga mata ko.

"Mabilis lang." His voice was pleading.

I didn't bother to give him a damn glanced when he finally stand infront of me.

"K. But don't you ever call me Zyl again." Malamig na usal ko na siya naman niyang ikinaatras.

Hindi na 'ko nagsayang pa ng oras at mabilis ng binuksan ang pinto. Agad naman akong nagpatuloy sa paglalakad ng hindi manlang siya tinatapunan ng tingin.

I walked without minding kung nakasunod ba siya o hindi dahil kung maari, mas mabuting hindi sana.

Gusto kong makaalis sa lugar na 'to ngayon din.

"You've change a lot." He said softly that made me looked at him.

I know.

"I've change for the better." I said coldly.

Hindi naman na siya nakakibo dahil sa sinabi kong yun.

Pinili nalang sigurong manahimik.

--

It took us few minutes before we finally reached the rooftop. Bit far from na venue na siya naman talagang plano ko.

"What's now?" Mabilis na tanong ko ng makaapak kami ng rooftop.

Gusto kong tumakbo.

Gusto kong umalis.

Pero bakit ayaw makisama ng mga paa ko?

"How are you Zyl?"

Bigla akong napapikit ng marinig ang nag-aalalang boses niyang yun.

That voice.

That darn voice.

"Kumusta ka ng halos limang taon?"

I smirked.

So much guts.

"How's your life?" Ulit na tanong niya ng hindi ko siya sinagot kanina.

"Better than before." I lazily replied as I placed my arms on my chest.

Buwan lang ang nagbibigay samin ng liwanag ngayon. Ganunpaman, hindi parin nun nahadlangan na makita ko ang pagdaan ng lungkot sa mata niya matapos ng sinabi kong yun.

Nag-aalangan siyang ngumiti sakin.

"Ahh...that's g-great." Nanghihina't nauutal na usal niya.

"Kung wala kanang ibang sasabihin. Aalis na 'ko." Mabilis na sambit ko na siya niya namang ikinaalarma.

Why is he acting this way?

Hindi paman ako nakakahakbang patalikod ng agad niya na 'kong sinakop ng yakap.

Ang yakap na para bang ilang taon niyang plinano't tiniis.

Ang yakap na nagpaparamdam sakin ng kasawian.

Ang yakap na para bang walang balak na bitawan ako.

Ang mahigpit niyang yakap na gawain niyang ibigay sakin noon.

I didn't move. I can't move.

"I miss you, Zyl."

Embracing Her (ON-GOING)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz