Chapter 21

20 9 4
                                    

Wyath

The sunlight was hitting my face when I woke up from my deep sleep. Maharan kong iminumulat ang mata ko ng aksidenteng may makapa ang kamay ko.

Doon ay nakita ko ang taong hindi ko inaasahang bubungad sakin ngayong umaga.

Nakaupo ito sa silyang malapit sa kama ko at nakatungo ang ulo sa kanang bahagi nito. Mahimbing siyang natutulog ngayon habang nakapatong ang ulo sa sariling kamay.

Tulala akong pinagmasdan siya.

Sinusuri ang kabuuan ng mukha niya.

Sa loob ng limang araw na pananatili niya rito sa bahay ko. Ngayon ko lang siya natitigan ng hindi ako nakakaramdam ng kahit na konting kaba.

Kinakabahan kasi ako dahil pakiramdam ko bigla nalang akong matutunaw sa paraan ng pagtitig niya sakin.

Kaya ganun nalang talaga ang pag-iwas ko sa mga pagkakataong nagkakasalubong ang mga mata namin dahil siguradong tuluyan akong matutunaw kapag nagkataon.

-
Hanggang ngayon ay blanko parin ako kung bakit ganyan siya. Nahihiwagaan parin ako kung bakit sobrang lamig ng presenya niya, kung bakit ganyan siya makitungo at kung bakit hindi ko manlang mabakasan ng kahit na anong emosyon ang mukha niya.

Para siyang katawan na walang laman. Hindi man literal pero parang ganun ang dating nito.

Kung hindi nga lang nangyari ang bagay na yun kahapon, baka tuluyang hindi ko na makitang malagyan ng emosyon ang mukha niya. It's a blessing in disguise actually.

Kaya ganun nalang ang saya at pagkabigla ko ng makita siya ng mga oras na yun.

Pakiramdam ko ay tumigil bigla ang paligid ko at tanging siya lang ang nakikita ko ng mga sandaling yun habang hanga siyang pinagmamasdan.

Hanga sa pinto niyang nabuksan ko.

Hindi paman ako tuluyang nakakapasok.

Hindi paman ako tuluyang nakakapak.

Sinisigurado kong gagawin ko ang lahat para makapasok rito.

Ngayon pa na malapit na kitang makilala?

-

Ganoon ako ng ilang minuto nang biglaan niyang buksan ang mga mata niya.

Para akong sinabuyan ng yelo ng masalubong ang mga mata niya.

Habang gulat ako, magkadikit naman ang kilay niyang pinagmasdan ako.

"Good Morning."

Halos mahulog ang puso ko ng marinig ang bati niyang yun.

Hindi muna ako nakakibo.

Did I heared it right?

"Oh, bakit Gulat ka?" Tanong niya habang taka parin akong pinagmamasdan.

Ngisi, Gulat, Pagtataka. Tatlong emosyong sa wakas ay nakita ko na sa mukha niya.

Hindi man ito espesyal para sa iba. Kabaliktaran naman sa akin.

Hindi ko alam pero lagi akong namamangha sa tuwing may bagong emosyon akong nababakas sa mukha niya. I felt like I win a lotto.

"Hoy, buhay ka pa?" Tanong nito na ngayon ay marahan na 'kong niyuyogyog sa balikat.

Fucking shit.

Fucking shit.

Ba't ang bilis??

Embracing Her (ON-GOING)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن